Unfamiliar

45.4K 1.6K 196
                                    

Nilibot ni Luna ang kanyang tingin sa kabuoan ng panibago niyang kwarto. Nakatanggap kasi siya ng glass paper kung saan nakalagay ang kautusan ni Senor Grandeur na lilipat na siya sa dorm ng mga Jeden.

Hindi naman malaki ang pinagkaiba ng kwarto niya noon at ngayon pero 'di hamak na mas malaki ang kwarto niya ngayon.

Ang pinagkaiba lang ay kasama niya si Sefarina pero syempre magkahiwalay sila ng kwarto. Kung sa left wing ng main building makikita ang Sarca at sa east wing naman ang Valra, nasa likod naman ng second building ang kinalalagyan ng dorm ng mga Jeden which is ang Teadra.

Hindi ito kapansin pansin dahil napapalibutan ito ng mga puno. Mabuti na lang ay nabanggit na sa kanya ni Sefarina ang mga bagay bagay dito sa Teadra kaya hindi na siya nagulat dahil talagang para lang sa mga Jeden itong Teadra.

Napatalon sa gulat si Luna nang makita si Sefarina na nakasuot ng puting face mask. Hinatak niya ang buhok ng kaibigan at inirapan.

Pakiramdam niya tuloy ganito ang itsura ng presensyang palaging nakasunod sa kanya noon sa mortal realms.

"Mukha kang multo, lumayo ka sa'kin!" Reklamo nito at sinara ang pinto ng kanyang kwarto.

Narinig niyang sumagot si Sefarina pero hindi ito maayos dahil sa face mask na suot nito.

"Bahala ka dyan." She muttered under her breath at pinagpatuloy ang ginagawa.

Gabi na ng matapos siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Hindi naman iyon ganon kadami pero gusto niya kasing laging nasa ayos ang mga bagay bagay kaya bahagya siyang natagalan.

Napagdesisyunan niyang tumungo sa balcony kung saan mas malaki ito kumpara sa dati niyang kwarto na labis niyang ikinatuwa.

Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay inangat niya ang kanyang tingin at inabot ang buwan na ngayo'y sobrang liwanag.

"Ang ganda mo naman." Bulong nito sa buwan.

"Thanks." Muling napasigaw si Luna dahil sa gulat.

"Papatayin mo ba talaga ako?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Luna dahil bigla biglang sumulpot si Sefarina sa tabi niya na mukha pa ring multo.

Bigla nitong itinaas ang kamay na naka-peace sign na ikinairap ng dalaga.

"Tanggalin mo na nga yan, ano ba yang ginagawa mo sa mukha mo?" Si Sefarina naman ngayon ang umirap at tinanggal ang face mask nito.

"Luna, skin care ang tawag dito. Skin care!" Wala namang nakuhang sagot si Sefarina kaya hinatak na lang nito ang kaibigan.

"Pasalamat ka kasi at lagi kang fresh kaya hindi mo na kailangan nito." Irap nito.

Alam naman niya.

"Kain na lang tayo ng dinner." Nanlaki ang mata ni Luna dahil nakasuot lang siya ng pajama na pinaresan niya ng sando at litaw na litaw ang kanyang likod!

Hindi naman sa tinatago niya ang katawan niya pero nakakahiya namang magpakita siyang nakapantulog lang! Bakit ba kasi ganito ang biniling mga damit sa kanya ni Sefarina?!

"Magbibihis muna ako!" Tila walang narinig si Sefarina at tuluyan na silang nakalabas ng kanilang kwarto.

Sinubukang abutin ni Luna ang litaw niyang likod dahil bigla siyang nanlamig sa hangin na kanyang naramdaman.

Naglakad sila ni Sefarina papunta sa kabilang pintuan at walang sabi sabing pumasok. Nauntog naman si Luna dahil nga hatak hatak pa rin siya ni Sefarina na ginamit ang kanyang crest para makapasok.

"Yari ka sa'kin mamaya." Banta ni Luna kay Sefarina na binuksan na ang pintuan habang malaki ang ngiting tinignan ang kaibigan na namumula ang ilong dahil sa pagkakauntog.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now