Unending

54.6K 2K 439
                                    

Sefarina.

"Ano ba! Sinabing lumayo ka sakin eh! Go away, you stupid ugly creature!"

"Wow! Hindi lang pala makapal ang mukha mo, pati pala 'yang budhi mo!"

"Tanga, kumpara mo naman sayo? And hell, why are you even here?! Bakit ka ba sumasama samin ni Luna?!"

"Ikaw lang kaibigan niya? Kagandahan ka ba para maging gahaman?"

"Ugh! No! I'll tell her na kaya m—"

Nakatitig lang sa amin si Luna ng biglang takpan ni Veton ang bibig ko. Napaka talaga nito!

"What the—"

Inirapan ko ang gunggong habang pinupunasan niya ang palad niyang dinuraan ko. Sa ayaw akong bitawan eh!

"Gahaman ka na nga, dugyot pa!" Akmang sasakalin ko na 'to nang tumayo si Luna at iniwan kaming dalawa.

I glared at this stupid moron. "Tignan mo, dahil sayo umalis si Luna." He looked at me in disbelief bago ako inirapan at sinundan ang kaibigan ko.

Napapadyak ako sa inis at hinabol silang dalawa. Mukhang wala akong choice kung hindi pigilan ang sariling 'wag bugbugin si Veton.

Kaagaw ko na nga siya sa atensyon ni Dame at Arrow, dadagdag pa siya kay Luna?! Hindi ba pwedeng ibigay na niya sakin 'to?! Or pwede rin namang sila Dame.

Tumakbo ako nang makitang papasok na sila sa room. Sad to say, kasama namin ni Luna ang mokong sa Creatures class under Lady Eavour of course.

That woman looks young pero ilang years lang ang tanda ng academy sa kanya. You know, vampires and their ages.

"You—" Binelatan ko si Veton nang mauna akong pumasok ng room habang hawak hawak si Luna.

Hinawakan naman ng isa ang kabilang kamay ni Luna, ang epal talaga!

"Sa'kin tatabi si Luna."

Umiling naman ang isa. "No, she's mine."

"No, mine."

Paulit ulit naming hinatak ang magkabilang kamay ni Luna hanggang sa parehas kaming napanguso nang magpumiglas ito.

Pagkaupo niya sa likod ay nagkatinginan kami ni Veton at sabay na tumakbo papunta sa isang upuan na bakante sa tabi ni Luna.

"Hah, I won. Loser." Kulang na lang talaga hampasin ko ng upuan 'tong lalaki na 'to.

Inis na inis akong umupo sa harap nang inuupuan ni Luna dahil naunahan ako ni Veton. I mean, he pushed me away! At syempre sa laki ng animal na 'yan, hindi ako madadala?

Well, I can seat beside him naman since may bakante pa but no thanks. I'd rather sit here alone.

Nilingon kong muli ang may sala na walang hiyang nginitian lang ako ng malaki at aba, bumelat pa! Halos tumirik naman ang mata ko sa kakairap sa kanya.

I crossed my arms as I glared in front, nag-iisip kung paano magagantihan at paano mapapaalis ang hampaslupa na 'to.

"Omg."

"It's Dame!!"

My eyes shifted to the most gorgeous man I have ever seen— Dame. Parang nag-slow motion ang lahat habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko, oh my!

I was about to say hi nang lampasan niya ako at naupo sa tabi ni Luna.

That's when I noticed na Luna and Veton exchanged seats. Nasa tabi na ng bintana si tanga, mukhang pinilit lang niya ang kaibigan ko dahil bakas pa ang inis sa mukha nito.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now