6 Days (1)

4.2K 121 23
                                    

Lisa's P.O.V

"Lisa, may schedule tayo ngayon"

Idinilat ko ang mata ko at tinitigan si Jennie na nang-gigising sakin.

Nginitian niya lang ako at lumabas na ng kwarto. Napabuntong hininga ako. Another day nanaman.

Tumayo na ako at nag-ayos.

"Jennie! Nasaan yung brush ko?"
"Aba malay ko! Tanong mo kay Jisoo!"
"Oh bakit ako? May sarili akong brush excuse me!"

Natawa nalang ako sa sigawan nila. Ang aga-aga nag-aaway sila dahil lang sa brush.

"Lisa nakita--"

Napatigil siya ng iabot ko sakanya ang brush nya. Ganito talaga ako. Tahimik pero may pagkamadal-madal rin.

"7:30 call time. Bilisan nyo" sabi ko sakanila kaya nagmadali na kami.

Maya maya pa, sinundo na kami ni manager at sumakay na kami ng van. Papunta kami sa studio na pagshoshootingan ng variety show na "Travel Buddy".

Isa siyang variety show na bubunot ka ng isa sa mga kpop groups na makaksama mo magtravel sa mabubunot nyong lugar. Kami ang official guest tapos ang mabubunot namin, igueguest kasama namin next episode para pagusapan kung paano ang gagawin. Mags-stay kayo ng 6 days sa nabunot na lugar para mag-explore, magbakasyon at mag-enjoy.

Nakaka 8 episodes na ang naunang grupo. Kakauwi lang nila kahapon. Ang official guest ay Red Velvet at ang nabunot nila ay Exo. Thailand ang nabunot nila kaya sa Thailand sila nag-punta.

Habang nasa van kami, pinapapanuod saamin ng manager namin ang past episodes. Excited ako kasi mukha naman silang nag-enjoy at nadagdagan pa ang friends nila kaya mas masaya. Naging close sila sa Exo dahil sa show na yon. Excited ako kasi makakapagbakasyon rin kami matapos ang ilang weeks na busy at hectic schedule.

Nang makarating kami, pumasok na kami at nandito kami ngayon sa dressing room inaayusan.

"Excited na ako. Sino kaya ang makakasama natin? Tsaka ano kayang bansa mabubunot natin?" excited na tanong ni Jisoo habang minemakeup-an siya.

Lahat kami minemakeup-an na.

"Oo nga eh. Sana maayos ang makasama natin!" excited ring sabi ni Jennie.

Napangiti nalang ako. Miski ako excited na excited na rin.

Matapos kaming ayusan, pinapunta na kami sa back stage. Nagsasalita na ang emcees.

"Please welcome, Blackpink!!"

Lumabas naman kami at nagbow.

"Hana dul set. Annyeong haseyo, Blackpink imnida!" pagpapakilala namin.

Nakipagkuwentuhan muna saamin ang dalawang emcee bago nila ilabas ang dalawang bowls na puro papel.

Eto na.

"Okay. Simple lang naman ang gagawin niyo, bubunot lang ang isa sainyo ng papel mula sa mga bowls nato. Dito sa transparent na bowl, ang mabubunot nyo ay ang pupuntahan ninyo. At dito naman sa blue, ang makakasama nyo. Six days kayo sa bansa na pupuntahan nyo at nandoon kayo para mag-enjoy. May mga tasks rin na ipapagawa sainyo sa bawat tourist spot na pupuntahan ninyo. Madadali lang naman kaya wag kayong mag-alala" pagpapaliwanag ng emcee na may hawak ng transparent bowl.

"Okay, bunot na kayo" sabi naman ng emcee na may hawak na blue na bowl.

Si Jennie ang pinagbunot namin. Nakangiti siyang bumunot sa transparent bowl.

"Okay, wag mo munang bubuksan. Sino namang bubunot dito?" sabi ng emcee na may blue na bowl.

Ako ang pinagbunot nila sa makakasama namin. Grabe yung kaba ko habang hawak ang papel na nabunot ko.

"Excited ba kayong malaman kung saan at sino ang makakasama nyo?"

Tumango kami kaya pinabukas muna yung nabunot ni Jennie.

"Wow! Philippines!" masiglang sabi ng emcee.

(A/N: Nasa Korea po sila)

"Maganda dyan! Nakapunta na ako dyan! Wow! Sure ako mag-eenjoy kayo ng kasama nyo doon!" sabi nung isa pang emcee.

Napangiti kaming lahat. May napapanuod rin naman kasi akong shows kung saan nafefeature ang Philippines, at maganda nga doon. Excited na ako!

"Ngayon naman, buksan mo na kung sino ang makakasama nyo Lisa"

Kinabahan ulit ako sa narinig ko. Oo nga pala, may makakasama nga pala kami.

Binuksan ko na ito.

"Bangtan Sonyeondan!" masaya ulit na sabi ng dalawang emcee.

Bangtan..

Sonyeondan?!

O.o

6 Days [ Blackpink & BTS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon