6 Days (11) Detectives

1.4K 63 32
                                    

Jungkook's P.O.V

"Lisa! Hoy!" tawag ko sakanya.

Grabe naman kasi ang isang to. Second to the last na nga kami dahil sakanya tapos siya pa ang galit.

"Ano ba?" Inis nya akong liningon kaya napatigil ako sa paghabol sakanya. Kitang kita ko ang iritasyon nya saakin.

"Hindi ko mahanap sila Hyung, kaya ikaw muna guguluhin ko" nginitian ko siya pero inirapan lang nya ako.

Bakit ba ang taray taray nya ngayon? Ibang iba ang pakikitungo nya sakin ngayon. Dati naman ang bait bait nya sakin tapos ang kulit kulit nya. 'Ehee' pa nga siya ng 'ehee'.

"Lubayan mo nga ako" sabi nya pero hindi ako nakinig at sinundan ko lang siya.

Nawawala sila hyung eh, ayoko namang mag-isang mag-ikot ikot sa amusement park. Ang corny non diba? Kaya kukulitin ko nalang siya.

"Libre kita ng chocolate frappe" sabi ko. Nagulat ako nang agad siyang lumingon sakin at hinatak ako.

"Java choco chip. Large ha. Kamsaaa~" tuloy tuloy na sabi nya bago umupo sa may bench malapit sa bilihan. Kinawayan lang nya ako at tinanguan habang nakangiti.

Wow ha. Parang kanina lang pinagtatabuyan nya ako. Iba rin ang isang 'to. Malala na.

Napailing nalang ako bago bumili. Iniabot ko sakanya ang frappe nya at nagkapuso ang mga mata nya.

"Mahilig ka ba sa chocolate?" Tanong ko sakanya habang umuupo at tinutusok ang straw sa takip ng frappe ko.

Humigop muna siya bago haluin yon gamit ang straw, "Oo. Mahilig kami ni Jisoo unnie" sagot nya habang nakatingin sa ilalim ng frappe nya habang hinahalo yon.

"Ahh. Okay" awkward kong sagot bago sumandal sa sandalan ng bench.

"Uy ilong, may tanong ako"

Nasamid ako sa tinawag nya sakin.

"Maka-ilong to. Jungkook ang pangalan ko" inis na sabi ko.

"Ang laki kaya ng ilong mo" nagkibit balikat siya bago humigop ulit.

"Pogi parin. Teka nga! Kesa pakialaman mo yung ilong ko, itanong mo nalang yung dapat mong itanong" sabi ko habang tinatanggal yung takip ng frappe ko. Nakakatamad uminom sa straw! Humigop ako na parang sa baso bago siya tignan.

"Bakit ba nakipag-break si Jin kay Jisoo?" Seryosong tanong nya.

Pumasok sa ilong ko yung frappe sa sobrang pagkagulat ko sa tinanong nya kaya napaubo ubo ako at pakiramdam ko mamamatay na ko. Napailing siya at tinapik tapik ang likod ko.

"Kadiri naman 'to. Ayan kasi. Ang laki laki ng ilong" nandidiring sabi nya. Lumingon ako sa kabilang side bago ilabas ang panyo ko at punasan ang ilong at bibig ko.

Grabe! Akala ko mamamatay na ko non.

Tinapon ko yung frappe sa katabing basurahan ng bench na inuupuan namin bago ko siya harapin.

Tinignan nya lang ako na parang nandidiri bago umiling iling.

"Ano? Anong ibig mong sabihin? Nakipag-break si Jin hyung kay Jisoo noona?" Seryosong tanong ko sakanya.

Nanlaki ang mata nya bago hawakan ang bibig nya.

"So.. hindi mo alam?" Nag-aalangang tanong nya.

"Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot. Napairap siya bago umayos ng upo.

"Oo. Nakipag-break si Jin oppa kay Jisoo unnie 2 days before tayo magkasama sama dito" pagpapaliwanag nya.

Napaisip ako bigla...

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now