6 Days (8) Awkward

1.6K 71 16
                                    

Rosè's P.O.V

"Jimin!! Wag ka kasi magalaw!!" Inis na sigaw ko kay Jimin.

Nandito na kami ngayon sa Disk-o Magic at kasalukuyang ginagawa ang challenge. Kailangan makalagay kami ng kalamansi sa kabilang side kung saan nakalagay ang plato gamit ang popsicle sticks na malalapad na pagdidikitin gamit ang mga bibig namin. Sa gitna, may stick na nakatayo kailangan naming makatawid sa ilalim non ng hindi nahuhulog ang kalamansi.

Nakaka-11 na balik na kami dahil sa kapartner kong to. Maliit na nga siya nahihirapan parin siyang mag-squat para lang makatawid don sa stick na yon.

"Tsk kasalanan ko bang gumugulong yung kalamnsi?!" Inis na sigaw nya pabalik. Napabuntong hininga nalang ako.

Ewan ko ba kung may galit samin yung mga staffs dahil sa hirap ng challenge na to o may galit talaga sila?

"Game! Umayos ka ahh" sabi ko sakanya habang kumukuha ng kalamansi mula sa bag. Nakalagay sa bag na binigay samin ang mga kalamansi at popsicle sticks.

Pinagdikit namin ang popsicle sticks na malapad at dahan dahan kong pinatong ang kalamansi. Dahan dahan kaming naglakad habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kalamansi. Dumating nanaman kami sa stick. Tinignan ko siya at ganon rin siya bago kami sabay na nagsquat ng dahan dahan. Dahan dahan kaming naglakad palabas ng stick at nang makadaan kami dahan dahan naming binaba ang kalamnsi sa plato.

Sa sobrang saya namin napatalon talon kami at nag-apir. Napalingon kami sa staff na umubo sa likod namin tsaka namin naalala na magrarides pa pala kami. Napalunok ako habang sumasakay sa ride.

Narinig ko pa ang tawa ni Jimin habang tinitignan ako. Aba! Ihulog ko kaya siya.

"Jimin ayoko na!!!", "Jimin mamamatay na ako!!", "Waaaaaaaaah!!", "Ayoko na!!!"

Tawa ng tawa si Jimin habang pinagmamasdan akong nanlulumo, naglalakad na kami papunta sa next ride at nagkaron kami ng pagkakataon na makakain. Meron kasing konting pera sa bag at naisipan naming bumili ng ice cream.

"Jimin ayoko na!!~" panggagaya nya sa sigaw ko kanina kaya hinampas ko siya. Siya ang may hawak ng go pro sa kabilang kamay nya habang ang isa naman ay hawak ang ice cream nya kaya hindi siya makaganti.

"Tigilan mo ako ah!" Inis na sigaw ko sakanya bago nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.

"Masaya naman yung ride noh?" Napalingon ako kay Jimin na nagsalita bigla.

Nag-dadalawang isip pa ako kung sasang-ayon ba ako o hindi dahil sa totoo lang, nawindang ang buong kaluluwa ko don, pero sa huli sumang-ayon nalang ako.

"Oo nga eh, hindi naman siya masyadong nakakatakot" i laughed nervously. Sana maniwala siya. Aasarin lang nya ako kung malalaman nyang nawindang talaga ako.

"Sus! Hindi daw nakakatakot pero muntikan ng mapunit yung t-shirt ko kakahatak mo! Tapos basag na ata yung eardrums ko kakasigaw mo" pang-aasar nya habang tinatapon ang papel na nakabalot sa dulo ng cone ng ice cream nya. Ngayon ko lang narealize na ubos na nya yung ice cream nya, halos sabay lang kaming natapos.

Tinignan ko siya ng masama. Akala ko naniwala na eh. Kabeast mode.

"Tse. Di lang ako sanay sa rides"

Nagulat ako ng kurutin nya ang kaliwang pisngi ko.

"Aray!" Angal ko at pinalo ang kamay nya.

Tinawanan lang nya ako. "Ang cute mo!"

Namula ang pisngi ko dahil sa kurot nya. Napatingin ako sakanya na hanggang ngayon nakangiti parin.

"ANG CUTE MO~" panggagaya ko sa sinabi nya kanina habang kinukurot ang pisngi nya. Dalawang pisngi nya ang kinurot ko dahil wala naman akong hawak. Buti nalang pala may hawak siyang go pro baka dalawang pisngi ko na ang nakurot nya kanina. Ang sakit pa naman nya mangurot.

"Aray! Bishawan moh na" angal nya habang tinatanggal ang kamay ko gamit ang isa nyang kamay. Tinanggal ko na ang kamay ko at tinawanan siya. Pulang pula ang pisngi nya. Hinimas nya yon at sinamaan ako ng tingin.

"Ano? Masakit diba? Hahaha" tanong ko sakanya at inirapan lang ako. Suplado!

Kanina pa kami paikot ikot habang hinahanap yung ride kaya inaya ko muna siyang umupo.

Nakaupo kami sa bench at pinaoff ko muna sakanya yung go pro dahil nakaupo lang naman kami.

"Grabe ang init" angal nya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay nya. Napansin kong pawis na pawis siya. Dahil maganda ako at mapagmalasakit, inabot ko ang panyo ko sakanya.

Tinaasan nya ako ng kilay, "Oh? Anong gagawin ko dyan?" Takang tanong nya.

Niliitan ko siya ng mata bago irapan, "Try mong pangsulat, may tinta to eh"

"Pilosopo ka?"

"Hindi, maganda lang"

Sinamaan lang nya ako ng tingin kaya napabuntong hininga ako. Ang kulit ng lelang ng maliit na to ah. Siya na nga tinutulungan painumin ko siya limang bote ng Cherrifer dyan makita nya.

Tinulak ko siya patalikod para maharap sakin ang likuran nya. Basang basa ang t-shirt nya. Nilagay ko ang panyo sa likod nya at agad na tumayo.

Ano bang pumasok sa isip mo Rosè? Nakadrugs ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang gumagawa ng kilos na ganon?

"T-tara na" aya ko sakanya bago tuluyang maglakad palayo. Agad kong pinagsasampal ang sarili ko.

"R-Rosè!! Saglit lang oy!" Rinig kong sigaw nya pero hindi ko siya nilingon.

Ang tanga mo naman Rosè! A-awkward nanaman ang atmosphere sa pagitan nyong dalawa nyan! Argh!

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now