6 Days (17) Confusion and Promises

779 24 30
                                    

Taehyung's P.O.V

"Hoy! Si manong na ata yung pinapahanap saatin" rinig kong tawag saakin ni Jennie habang busy ako sa kakadaldal sa mga bangkero.

"Teka!" Sigaw ko pabalik bago tumakbo papunta sakaniya. "Manong ikaw napo ba si Rolando? Yung magtuturo po saamin ng pangingisda?" Tanong ko kay manong pagkadating na pagkadating ko.

"Oo. Ako na nga yun" sagot ni Manong habang nakangiti pa. "Sumunod kayo sakin" sabi niya samin bago maglakad papunta sa dagat. Sumunod naman kami sakaniya.

Kahit tirik ang araw, mangingisda kami ngayon. Pano ba naman kasi! Sa dinami dami ng pwedeng ipa-mission saamin, mangisda pa ang nais. Padamihan ang bawat grupo ng mahuhuling isda at ang mananalo, makakatanggap ng special prize.

"Ganito lang magpaandar nito..." Sabi ni manong habang tinuturo sakin ang pagpapaandar ng bangka. Si Jennie naman ay tinuturuan kung paano mag-hulog ng net at kung ano-ano pang kailangan sa pangingisda. "Ayos na. Kailangan niyong makabalik dito matapos ang trenta minutos at magbibilangan na" huling sabi ni manong bago itulak ang bangka na sinasakyan namin ni Jennie papunta sa malalim at sinindihan ko na ang makina.

"Ayus ayusin mo ang pagpapaandar, Taehyung. Kapag ako namatay ikaw pinakauna kong dadalawin" pananakot pa ni Jennie habang takot na nakahawak sa gilid ng bangka.

"Kung mamamatay ka, edi patay din ako. Baka mas mauna pa nga ako sayo eh" natatawa kong sabi sakaniya pero inirapan lang niya ako at nagsimula ng mangisda.

Kukuhain ko na sana ang isang net nang magtama ang mga kamay namin at nagkatinginan kaming dalawa.

Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko?

Hindi, Taehyung. Masyado ka lang naiinitan kaya ka ganyan!

Ngumiti ako ng mapang-asar at hinawakan ang kamay niya, "Chansing ka sakin, Jennie ah! Gusto mo na ako noh? Ang bilis naman, Jennie" pang-aasar ko sakaniya pero nginitian lang niya ako.

Shet. Ang ganda talaga niya kapag nakangiti!

"Oo, gusto na kita. Gustong gusto na" nakangiti paring sabi niya kaya agad nawala ang mapang-asar kong ngiti.

Tama ba yung narinig ko?

"Gustong gusto na kitang ihulog sa bangka kanina pa!" Biglang nawala ang ngiti niya at agad na tinanggal ang kamay niya. "Asa ka naman!" Sabay irap ulit.

Bakit ganon? Bakit parang nadisappoint ako?

"Tss! Akala ko naman totoo na! Wag naman, Jennie! Mahirap na" tumatawa kong sabi.

"Wag ka mag-alala. Never mangyayari yun" casual na sagot niya.

Tumawa ka nalang, Taehyung. Wag mo nang ipahalatang nasaktan ka.

"Oh my gosh!" Excited na sigaw niya habang inaangat ang net niya. " Ang damiiii" sobrang saya niya habang nilalagay sa timba ang mga isda kaya napangiti ako.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakaniya habang nakangiti at nabalik lang ako sa realidad nang wisikan niya ako ng tubig.

"Nginingiti ngiti mo dyan? Gandang ganda ka naman sakin?" Mapang-asar niyang sabi at winisikan ulit ako sa mukha.

"Oo. Maganda ka naman talaga eh" honest na sabi ko pero natahimik lang siya at namula.

Luh. Hindi pa ba siya sanay na nasasabihan ng ganon? Sa dinami-dami ba naman ng mga fanboys niya hindi pa siya nasanay?

Para mawala ang pagka-awkward niya, winisikan ko siya ng tubig na ikinainis naman niya at ginantihan ako.

Nag-gagantihan lang kaming dalawa at nag-tatawanan sa kalokohan namin. Napatigil lang ako sa pagwiwisik sakaniya nang may biglang pumasok na tubig sa isa kong mata.

"Aray" angal ko habang hawak ang isa kong mata. Ang alat kasi ng tubig eh! Kaya mas masakit.

"Hala. Sorry!" Natatarantang sabi ni Jennie bago hawakan ang magkabila kong pisngi at tignan ang mata ko.

Napatigil ako at napatitig sakaniya. Hinipan niya yung mata kong nawisikan at tinignan ako ng deretso.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at pag-init ng mga pisngi ko.

Ano bang ginagawa mo sakin, Jennie? Nagugustuhan na ba talaga kita?

Lisa's P.O.V

Napapatitig nalang ako kay Jungkook habang busy siya sa pagbibilang ng mga nahuli niyang isda. Hanggang ngayon nangingisda parin kami at meron pa kaming 5 minutes left.

"23!" Bilang niya sa huling isda at ngumiti.

Grabe! Unang try pa lang niya yan dahil siya ang nagbabantay ng makina ng bangka at ako ang assigned sa pangingisda pero mas marami pa ang nakuha niya sakin! Bakit ba ang galing niya sa lahat ng bagay?!

"Panalo na tayo nyan!" Nagmamayabang na sabi niya kaya tinanguan ko lang siya.

"Wag mong batiin! Baka matalo tayo" saway ko sakaniya bago iangat ang net ko. Marami-rami rin akong nakuha!

Tahimik lang kaming nangingisda at malalim ang mga iniisip. Pero hindi naman kami awkard.

"Lisa, kung hindi ka idol, anong career ang ipu-pursue mo?" Out of the blue niyang tanong. "Ako gusto ko maging pro gamer" dagdag pa niya.

Wow. Gamer pala tong ilong na to eh!

"Ako siguro... photographer!" Nakangiti kong sagot nang maaaala ko yung mga magagandang moments na nakuhaan ko sa El Nido.

"Bakit naman?" Tanong niya ulit habang seryosong nakatingin sakin.

"Wala lang. Gusto ko kasi macapture lahat ng moments. Tsaka kasi diba kapag nakakita ka ng picture, ang una mong mapapansin ay yung focus or subject ng picture? Pero para sakin, mas deep pa ang meaning ng backgrounds kesa sa subject" paliwanag ko at tinitigan siya pabalik.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sakaniya to pero i somehow feel comfortable na mag-share sakaniya ng mga pangarap ko sa buhay.

"Magdeal tayo!" Suggestion niya.

"Sige ba"

"Kapag mas madaming laman na isda yung net na itataas ko ngayon, ipromise mong pipicturan mo ako lagi sa buong bakasyon at gagawan mo ako ng photo album na ibibigay mo sakin" matapang na sabi niya habang nakangiti ng malawak.

Napangiti rin ako. "Kapag naman mas marami ang laman ng net ko, tuturuan mo akong maglaro ng games pagtapos ng bakasyon at lagi mo akong isasali! Ano, deal?!" Tanong ko na tinanguan naman niya.

"Deal!"

"Magbibilang ako one to three, sabay nating itaas"

"One two, three!"

Pagka-taas namin, agad naming binilang ang nasa net namin.

"Game na. Ilan yung sayo? Mukhang talo ka na ah" mayabang na tanong niya.

"Sayo muna!" Pag-iinarte ko dahil natatakot akong baka talo nga ako!

"Sabay nalang tayo"

"Sige"

"16!"

Nagkatitigan kaming dalawa nang marealize naming parehas lang ang nahuli namin.

"Pano na yan?" Natatawa kong tanong habang nililigpit na ang net dahil tapos na ang time.

"Ibig sabihin, kailangan nating tuparin yung dalawa" nakangiti niyang sabi.

Tinanguan ko lang siya at ngumiti rin ng malapad.

Wag kang mag-alala, Jungkook. Tumutupad ako ng mga pangako.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now