6 Days (14) Shenegeng with lafu lafu

1.2K 49 12
                                    

Namjoon's P.O.V

"Do you know annyeong haseyo?" Tanong ni Jin hyung sa babaeng nakasalubong namin sa palengke.

Napabuntong hininga nalang ako. Nakakahiya naman to si hyung eh.

Tinignan lang siya nung babae bago umiling at nagmadaling umalis.

"Shenegeng?" Napalingon kaming dalawa ni Jin hyung kay Jhope na kakabalik lang.

Teka, saan galing ang isang to?

"Ano?" Tanong ko sakaniya.

"Shenegeng daw eh. Masarap daw yon? shenegeng with lafu-lafu?" Sabi ni Jhope na nakakunot pa ang noo bago ipakita samin ang listahan na puro ingredients.

"Dapat ko bang paniwalaan na ganyan ang pagkabigkas non? Bulol ka pa naman" Pang-aasar ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Jhope.

"Magsasabunutan na yan, oh" Singit ni jin hyung kaya napatingin kami sakaniya. "Kala ko magsasabunutan na eh. Sayang. Tara na nga, mag-tanong nalang tayo" mabilis na sabi niya nang marealize niyang hindi siya nakakatawa bago maunang maglakad. Nagkatinginan muna kami ni Jhope bago sumunod kay hyung.

"Nararamdaman niyo ba yon?" Napatingin ako kay Jhope nang bigla siyang magsalita.

"Ang ano?" Takang tanong ni jin hyung habang busy sa paglingon-lingon sa paligid.

"Parang may sumusunod satin" Sabi ulit ni Jhope kaya sabay kaming lumingon sa likod para tignan kung meron nga ba.

"Wala naman eh. Duwag ka talaga" Napapailing kong sabi bago maglakad ulit. Sumabay naman sakin si Jin hyung pero nanatiling nakatayo si Jhope sa pwesto niya.

"Huy! ano? Dyan ka nalang?" Iritang tanong ni Jin hyung kay Jhope na nakatulala lang. "Ano bang problema non?"

Nagkibit balikat lang ako at nilapitan si Jhope.

"Dahon ng sili ba yan? Kangkong yan eh!"
"Tignan mo oh kamukha nung nasa picture! Tsaka tinanong ko kaya yung tindera!"

Nag-aaway si Jennie at Taehyung sa kabilang tindahan kung saan nakatingin ng seryoso si Jhope.

"Tsk tsk. Selos ka naman" inakbayan ko si Jhope at tinignan ng mapang-asar.

Tumawa lang siya ng pilit bago ako tignan. "Di ahh. Tss bat naman ako magseselos?" Simple niyang sagot bago maglakad papalapit kay jin hyung na may kausap nanamang babae.

Di ko lang talaga sure kung nagseselos ba siya dahil kay Taehyung or dahil kay Jennie. Kasi nga Vhope shipper ako, walang makakapigil sakin.

Pero on a serious note, nakakalungkot mga lovelife ng mga mokong na to.

Pano ba naman, magkakagusto na nga lang kasi, sa mga mahirap pang abutin.

Mga hopeless na talaga tong mga kupal na ka-members ko.

Jungkook's P.O.V

"Buti nalang talaga nandon din sila Jennie noona. Kundi nakita na tayo nila Jhope hyung" nakahingang maluwag kong sabi.

"Ikaw naman kasi! Bakit ba natin sila sinusundan? Diba dapat nagtatanong tanong tayo?" Iritang tanong ni Lisa na nakasibangot nanaman.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now