6 Days (13) Chef RoseMin

1.5K 48 70
                                    

Waaaaaaaah!

Guyseu, maraming maraming salamat for 2k reads! Wooooh parteh parteh. At sorry narin for very late update. Busy po kasi si akez. And sa mga nagcocomment sorry for not entertaining your comments kasi nga po busy si ako. Anyways, ang ingay ko na, tuloy nalang tayo sa next chapter~

-Ang walang kwentang author.

Rose's P.O.V

"Attention boys and girls!" Sigaw ng direktor. "Simple lang ulit ang gagawin ninyo. For this task, kailangan niyo lang mahanap ang capsules na ibinaon namin somewhere sa mga buhanginan dito. May mga flags kaming nilagay para ma-guide kayo kung hanggang saan lang kayo maghahanap. The flags are your limits kaya walang lalampas sa flags" explain niya sa gagawin namin ngayong araw.

Sa totoo lang, wala akong ganang makinig ngayon dahil wala pa ako sa wisyo. Grabe ang puyat naming lahat kagabi para tapusin ang photo shoot. Mukha na kong zombie dito dahil sa pagka-lamya.

"Rose! Hoy!"

Napapikit ako nang may kamay na wumagayway sa harapan ko.

"Ano ba?" Irita kong tanong bago siya samaan ng tingin.

"Hindi ka ba nakikinig? Kanina pa kaya nag-start. Tssss" irita din niyang sagot.

"Akin na nga. Arte mo" kinuha ko sakaniya ng padabog ang shovel na hawak niya.

Ano ba yan. Niloloko ba nila kami? Una sa lahat, bakit ganito tong shovel na to? Plastic? Hay nako. Pakalat kalat nalang talaga mga plastic ngayon, nagagawa tuloy silang panghukay. Sabagay, karamihan naman ng mga plastic ay gold digger.

"Ano na? Titigan mo nalang yung shovel? Alam ko namang weird ka pero di ko expect na pati sa shovel maiinlove ka" tanong niya na mukhang readyng ready na maghukay.

"Mas mabuti pang mainlove sa shovel na to kaysa sayo. Layas nga" tinabig ko siya sa daanan. Ewan ko ba pero inis na inis talaga ako sakaniya ngayong araw. Parang tuwing nararamdaman ko ang presensya niya, sira na araw ko.

"Wooooh ang aga-aga mong nasunog, hyung" pang-asar ni Jungkook na di ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Luh epal to si ilong oh. Dun ka na nga kay Lisa" pagtataboy ni Taehyung na bigla nalang ring sumulpot habang tinutulak niya ito palayo.

"Hoy Taehyung wag kang ganyan kay Jungkook. Nasasaktan yung Taekook heart ko" inirapan ko si Taehyung. Hindi ako papayag sa inaasta ni Taehyung kay Jungkook, pano nalang yung Taekook ship ko?!

"Vhope parin, noh" biglang singit ni Lisa na sumulpot lang rin na parang kabute kung saan.

Bakit ba puro kabute tong beach na to? Ang papangit pa nung mga kabuteng sumusulpot. Buti sana kung magaganda't gwapo eh, makatarungan pa.

"Taekook" pagpupumilit ko bago tignan ng masama si Lisa.

"Anong Taekook, Vhope kayo dyan? Vmin forever ako" singit din ni Jisoo unnie na puro buhangin na ang tuhod.

"Kay Yoongi lang kasi si Jimin kaya Taekook nalang at least perfect match"

"Hindi ah! Kay Jimin si Taehyung!"

"Diba Jimin, kay Yoongi ka?" Hinarap ko si Jimin at shet ha. Kailan pa siya naging ganito kalapit? Lumayo agad ako sakaniya bago siya taasan ng kilay.

"Pano pag sinabi kong sayo ako?" Seryosong tanong niya.

"Woooh, tara na guys! Uwian na may nanalo na. Akala ko mga alimango ang mahahanap ko dito yun pala puro langgam lang" sabi ni Jisoo unnie bago hatakin si Lisa. Sumunod naman yung dalawang lalaki sakanila.

"Pano kapag sinabi kong wala akong pagmamay-aring pandak?" Taas kilay kong tanong sakaniya. Nagpanggap naman siyang nasaktan at humawak sa dibdib niya. "Kung ayaw mong mabaon sa buhangin ng ganyan parin ang height mo, umayos ka dyan" nilayasan ko siya at naglakad papunta sa kabilang side.

Halos magiisang oras na kaming naghuhukay lahat ng marinig namin ang bell at sigaw ng staff na tapos na ang oras.

Hingal na hingal kong bitbit ang mga capsule na nahukay papunta sa kubo kung saan namin bubuksan ang mga capsules na nahukay namin. Nakakuha ako ng apat na capsules habang si Jimin naman ay nakakuha ng pito. Kaming dalawa ang may pinakamaraming nahukay na capsule.

"Maaring papel o pera ang laman ng bawat capsules na hawak ninyo. Kung swerte kayo na nakakuha ng maraming capsules at puro pera ang laman, edi congrats pero kung karamihan ay papel lang edi better luck next time nalang" sabi ng isang staff bago kami ngitian.

Binuksan na namin ang hawak naming lahat na capsules. Tatlo sa apat na nabuksan ko ang puro pera ang laman. 50 pesos ang laman ng dalawa habang ay isa naman ay 200 pesos. Si Jimin ay nakakuha ng tatlong papel at apat na pera pero dalawa sa nakuha niyang capsule ay 50 pesos lang ang laman habang ang dalawa ay tig-100. Bale mayroon kaming:

50 + 50 + 200 + 50 + 50 + 100 + 100 = 600

Wow! Ang laki naman ng nakuha namin!

"Team NamJinSeok, 340 pesos.
Team LisKook, 200 pesos.
Team YoonSoo, 450 pesos.
Team TaeNie, 280 pesos and last but definitely not the least,
Team RoseMin with a total of 600 pesos!"

Naghiyawan kami at nag-apir apir.

"Yes naman! Ang laki ng pera niyo! May pambili na kayo ng asin para naman di sobrang sweet" sabi ni Jisoo unnie na ikinatahimik ng lahat.

"Cornyyy. Wala na!" Sabay sabay naming asar pero sinamaan lang niya kami ng tingin.

"Wag muna masyado magpakasaya dahil may isa pa tayong challenge" Pambasag ng trip ng isang staff.

Na-excite yung ibang boys samantalang kaming girls ay tinatamad kumilos. Ano ba naman yan masyado kayang nakakapagod yumuko at maghukay!

Itinabi na muna namin ang mga pera na nakuha namin bago maghanda para sa next challenge. Pinapunta nila kami sa isang restaurant at pinapasok sa kitchen. Mukhang nirentahan rin nila ang kitchen na to dahil walang mga customers.

"Ang gagawin niyo ay magluluto kayo ng mga recipes na maari ninyong magawa gamit ang isang klase ng sea food at dapat lahat ng inyong maluluto ay filipino dishes. Nakaready lahat ng mga pwede ninyong gamitin sa labas at bibigyan namin kayo ng isang oras para mag-research, magtanong sa mga chefs na makikita niyo or sa mga Pilipino na makakasalubong ninyo ng recipe na lulutuin ninyo. Bawat isang team, isang recipe at bawal magkaparehas na dish. Ang muluto ninyo will serve as your dinner" nagkatinginan kaming lahat.

Wow. Parang TLE lang, ha?

"Ready?! Timer starts now!" Sigaw ng staff bago ipress ang timer sa cellphone niya.

Walang gumagalaw saaming lahat pero lahat kami nagtititigan. Nagp-proseso pa sa mga utak namin ang gagawin namin.

Tinignan ko si Jimin at ganon rin siya.

"Marunong ka ba magluto?" Sabay naming tanong sa isa't isa.

Matagal kaming nagkatitigan bago tumawa.

Makaka-survive naman siguro kami, noh?

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now