6 Days (9) Cotton Candy

1.5K 59 37
                                    

Jhope's P.O.V
(RQSTD POV BY: someoneCOLD_CHILDISH)

"Hyung, ibaba nyo na ako!" Pagma-makaawa ko kayla Hyung.

Ang taas naman kasi ng view dito, nakakakaba. I'm scared of heights.

"Hyung jebal! Nanginginig na ako!"

Napahilot ako sa batok ko nang batukan ako ni Rapmon Hyung.

"Ano ka ba naman, Jhope! Nasa Ferris Wheel na nga lang tayo nagd-drama ka parin dyan!"

"EHHHH HYUNG!"

"Jhope ihuhulog kitang baba ka" pagbabanta ni Jin hyung kaya napatahimik ako. Bad eomma and appa T.T

Napatingin ulit ako sa view sa labas. Medyo kumalma na ako dahil sa nakita ko. Kahit maaraw pa, nakakatuwa kasi may mga puno akong nakikita, nakakarefresh.

Actually, gusto kong dalhin dito yung girlfriend ko. Yung kahit takot ako sa heights gusto ko parin siyang madala dito. Ang gusto ko kasing date yung tawanan lang, kaya sure ako kahit takot ako, tatawa lang ako hangga't kasama ko siya.

Ang cheesy alam ko pero hindi ko rin naman mapigilang mapaisip tungkol sa lovelife. Syempre, tumatanda na ako, gusto kong maranasan mainlove. Kaso, masyadong busy eh. Walang oras, career muna. Sa sobrang dami ng shiniship sa BTS, hindi ko maiwasang may matype-an syempre. Pero secret muna. Wahahaha.

Napatingin ako kay Jin Hyung na pangatlong beses nang bumuntong hininga.

Nakaka-touch din to si hyung eh. Nagawa nyang magparaya para lang kay Yoongi. Mabuti talaga siyang Kuya. Hindi ko magawang mag-tanong ng kung ano-ano ngayon dahil nakarecord parin kami.

Matapos ang ilang minuto, nakababa narin kami. Actually ito na ang second ride namin. Natapos na namin ang una tapos eto na ang pangalawa, kaya pabalik na kami don sa witch na kamukha ni Dumbledore para tapos na kami. Nakaka-enjoy rin ang araw na to, madami akong nagawa pati na rin dahil kasama ko sila Hyung kahit lagi nila akong inaapi.

Nang marating namin si Dumbledore na naka-violet, natagpuan namin sila Jennie at Taehyung na nag-aaway. Baka magka-world war 3 kapag hindi napigilan ang dalawang yon.

"Uy Tae!!" Nakipag-apir ako kay Taehyung.

"Okay, halos sabay lang ang grupo ninyong dumating pero mas nauna ng 2 minutes and Taennie. 1st group to arrive is Taennie next is NamJinSeok"

NamJinSeok? At kailan namin ginawa ang group name na yon?

Nag-apir apir kaming tatlo kahit hindi naman kami sure kung para saan ang pag-rarank ng unang dumating. Kahit na nauna sila Taehyung at Jennie, hindi sila nag-apir imbes ay nag-irapan pa. Wow. Ang saya nila ha?

"Pwede na kayong mag-rides. Akin na ang mga bag at go pro, free na kayo for today. Congrats!" Announce ng isang staff kaya agad kaming nagsitakbuhan paalis.

Hay! Makaka-relax narin ng walang camera or anything! Wooh!

Jennie's P.O.V

"Ano? Susundan mo lang ako?" Hinarap ko si Taehyung na kanina pa sunod ng sunod saakin.

"Huh? Wag kang feeler, sadyang dito lang rin ako pupunta" sagot nya.

"Psh. Tara, dahil ikaw lang ang nakikita kong pwede kong isama. Tara, kain tayo" aya ko sakanya.

Agad siyang ngumiti ng malapad, "Tara game! Gutom na rin ako eh!" Tumakbo siya papunta sa tabi ko at tinignan ako habang hindi inaalis ng ngiti sa labi nya.

Pwede bang lagyan ng regalo ang bibig nya at lagyan ng ribbon? Box na box eh. Kasya ata Anchor's Away sa bibig nya eh.

"Bato bato pick tayo. Kung sino ang matalo, siya ang magbabayad" confident na sabi ko sakanya. Lagi akong nananalo sa bato bato pick kaya siya ang pagbabayarin ko.

"Game!" Nginisian nya ako.

"Bato bato pick!"

Nanlumo ako nang makita kong talo ako. Tinignan ko ang nakangiting si Taehyung.

"Talo ka. Pano ba yan? Ikaw magbabayad ha!" Masiglang sigaw nya habang nagtatakbo papunta sa bilihan.

"Isip bata" bulong ko bago siya sundan.

"Limang taon ka bang hindi kumain?" Angal ko sakanya dahil grabe makakain ang alien na to. Parang limang taon nang hindi pinapakain eh.

"Libre eh, sulitin na" maikling sagot nya habang patuloy parin sa pagkain. Napabuntong hininga na lang ako.

Dapat hindi na ako nakipag-bato bato pick eh! Aish!

"Tara, bili tayo cotton candy" aya ko sakanya dahil gusto ko ng matamis at tapos naman na siyang lumamon.

Tumango lang siya at sumunod sakin. Tahimik lang kaming naglalakad.

"Ikaw nalang pala bumili, busog na ako" basag nya sa katahimikan habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng cotton candy.

"Wow. Nabubusog ka pala?" Inirapan ko siya pero tinawanan lang nya ako.

Isa lang talaga ang binili ko dahil ayaw daw nya eh, edi ako nalang. Naisipan kong mag-selfie dahil trip ko lang at kulay pink ang cotton candy, nagagandahan ako.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinapat ang cotton candy sa bibig ko na parang kakagatan ko. Bago ko pa mapindot ang capture, nakisali si Taehyung at nakikagat sa kabilang side kaya nasama siya sa picture.

Binaba ko agad ang cellphone ko at tinignan siya.

"Epal ka? Kita mo namang nag-seselfie ako diba? Epal to!" Inis na sabi ko sakanya at tumalikod para hindi na siya makisali sa selfie ko.

"Ayaw mo nun? May kasamang gwapo sa picture mo? Ipost mo ah! Ang pogi ko kaya don!" Pang-aasar nya.

Inirapan ko siya at dahil nakakawala sa mood ang isang to, hindi na ako nag-selfie. Psh. Epal kasi.

Inubos ko nalang ang cotton candy habang pasulyap sulyap sakanya. Nakangiti lang siya habang naglalakad kami. Ang weird talaga neto. Ewan ko ba kung may saltik siya o ano.

"Alam ko namang gwapo ako pero baka matunaw ako"

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagka-feeler nya.

"Wag kang assuming. Sa clouds kaya ako nakatingin" inirapan ko siya.

"Ay ganon? Mas maganda bang view yung clouds kesa sakin? Psh" kunyari inis nyang sabi at inirapan ako.

Nakaka-ramdam naman pala siyang hindi siya pogi.

"Talaga. Mas maganda pang titigan ang clouds kesa sa pagmumukha mo"

Tumingala ako at tinitigan ang clouds. Kulay orange na siya dahil mag-gagabi na.

"Alam mo ba, dream date ko to" nabaling ang atensyon ko sakanya nang magsalita siya. "Dream date ko ang pumunta sa amusement park kasama ang girlfriend ko"

"Tinanong ko?" Inirapan ko siya. Ewan ko ba kung anong trip nya at bigla bigla nyang sinabi yon.

"Grabe ka naman. Sinabi ko lang!" Dahilan nya at mahinang binangga ang balikat ko ng braso nya.

"Luh?" Inis na angal ko at binangga ang braso nya ng mas malakas.

"Aray. Grabe ang lakas non ah" angal nya habang hinihimas ang braso nya.

"Psh" singhal ko at binilisan ang paglalakad kaya nauna ako sakanya.

"Wait lang huy!" Rinig kong sigaw nya pero hindi ko siya pinansin.

Sana sunduin na siya ng kaplaneta nya at iuwi na siya.

I don't think i can survive 5 more days with him. Hays.









6 Days [ Blackpink & BTS ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora