6 Days (4) Plans

1.8K 83 142
                                    

Jimin's P.O.V

"Jimin, ang bagal mo!" Angal ni Taehyung mula sa labas. Napabuntong hininga nalang ako.

Lumabas ako ng banyo na basa pa ang buhok. Inirapan lang ako ni Taehyung at pumasok na sa banyo dala ang twalya niya.

"Alien talaga" bulong ko sa sarili ko.

Natagpuan ko sa sala ng dorm sila J-Hope, RapMon, Suga at Jin Hyung na mukhang seryosong seryoso sa mga buhay nila.

Problema nila?

Palipat lipat ang tingin nila J-Hope at Rapmon Hyung kayla Jin at Suga Hyung na mukha namang magpapatayan na.

Luh? Sasali na ba si Jin Hyung sa Cypher pt. 5? Baka bigla nalang ipaabduct ni Taehyung si Jin Hyung kung nagkataon!

"Huy, magpapatayan na ba kayo?" Pagbasag ko ng katahimikan.

Bigla naman silang umayos ng upo at nagtinginan sa malayo.

Nag-ddrugs ba sila? May hindi ba sila sinasabi samin?

"Oh Jimin! Andyan ka pala. Hanapin mo nga si Jungkook! Sabihin mo paalis na tayo" sabi ni Namjoon Hyung.

Oo nga noh. Nawawala si kuneho. Pero naiinis parin ako don! Inaasar ako wala daw akong jams, puro pandesal lang. Atleast ako naunang pinanganak sa Busan!

Ngayon na kami pupunta dun sa Travel Buddy para magplano tungkol sa mga gagawin sa bakasyon. Sa totoo lang, hindi na kami masyadong naeexcite na mameet ang Blackpink dahil nameet naman na namin sila. Syempre, girlfriend ni Jin Hyung si Jisoo noona eh. Ibang klase rin si Hyung eh, akalain mo yung matakaw na yun napasagot ang isang kagaya ni Jisoo noona. Ahm, excuse meeee?!

Pero kahit ganon, di ko maiwasan ang kabahan kahit pa nameet naman na nila kami dahil pano kung di nila kayanin ang kaweirdohan namin? Lalo na't mas matagal pa kaming magkakasama.

Hays.

Well, baka sakanila ko na mahanap ang long lost jams ko.

Jisoo's P.O.V

Nanginginig akong bumaba ng van.

This is it. Makikita ko siya ulit. Mahirap pero kailangan ko siyang harapin. Besides, okay naman na ako ng kaunti. Medyo nakakamove on naman na ako dahil sa tulong nila Jennie, mas naramdaman ko na madaming nagmamahal sakin. To be honest, lumipas narin ang galit ko kay Jin. I'm sure he has his own reason. Pero hindi ko parin naman maiwasang masaktan. Pero, keri na. Fighting Jisoo!

Inaayusan na kami ngayon at alam kong nag-aalala sila para sakin based sa mga pagsulyap nila. Natawa nalang ako kaya napalingon sila sakin na parang nakarinig sila ng alien.

"Guys, okay lang ako promise! Wag na kayong mag-alala. Isa pa, baka mabutas mukha ko kakatingin niyo ah. Alam ko namang maganda ako pero iniingatan ko kasi alam mo na, baka masira" pagla-lighten up ko ng mood.

Tinawanan lang nila ako at inilingan. I stared at my reflection on the mirror at ngumiti.

Ang ganda ko talaga!

Jin's P.O.V

Nakangiti akong lumabas kung saan nakaset up ang camera kasama ang BTS.

"Hana dul set. Annyeonghaseyo, we are BTS!"

Napalingon ako sa kabilang side ng emcees kung saan nakatayo ang Blackpink. Buti naman mukhang masaya na siya. Sana masaya siya...

Nagexplain pa ng kung ano ano ang emcee pero wala akong maintindihan. Hindi ako makaconcentrate. Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko ng harapin siya matapos ng ginawa ko pero.. antanga mo Jin.

Antanga tanga mo.

Nahagip ng paningin ko si Suga na tinititigan si Jisoo.

Kahit masakit, pinilit kong magparaya.

Napayuko ako ng bahagya para itago ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, nasasaktan ako..

Sana maging masaya siya. Sana maging masaya sila.

Taehyung's P.O.V

Antagal naman! Kanina pa ako gutom eh. Alam nyo guys, kanina ko pa tinitiis to eh.

Napabuntong hininga ako nang marealize kong bukas pa ata matatapos tong emcees sa kakadakdak. Ieexplain rin naman samin yan bago kami magboard ng eroplano!

Napatitig ako sa kabilang side ng kwarto kung saan nakatayo ang Blackpink at excited na nakikinig sa mga emcees.

Ang ganda talaga ni Jisoo Noona, bagay na bagay talaga sila ni Jin Hyung!

Hindi ko sinasadyang mapatitig sa katabi ni Jisoo noona. Ang ganda talaga ni Lisa.

Guys, may secret ako.

Secret lang ah?

Papaliparin ko kayo sa Mars kapag nag-ingay kayo. De joke lang! Labyu army!

Ang totoo kasi nyan, crush ko si Lisa. Shhh! Ang cool kasi nya. Yung tipong tatayo lang siya ang cool na niya pero may cute side rin siya.

Ganon kasi ang type ko sa isang babae eh. Cool outside, sobrang cute inside.

Matagal ko na siyang crush actually, alam to nila Hyung kaya nga kinakabahan ako baka asarin nila ako kapag nakaroll yung camera. Malaman pa ng lahat. Hays. Mga abno pa naman sila Hyung, idagdag mo pa yung kaparehas kong 1995 nabuhay pati yung kuneho na yon. Tsk tsk.

Pero guyseu, pinagkatiwalaan ko kayo ah. Wag kayong ano. Nandyan na yung kaibigan ko sa Mars, handa kayong sunduin anytime.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkatitigan kami ng saglit. Bigla namang nalipat ang tingin ko kay Jennie na katabi ni Lisa dahil bigla siyang nagsmirk. Tinignan niya ako na para akong isang alien na napadpad sa earth at biglang inirapan.

Inirapan niya ko?!

Sa gwapo kong to?

Sinong magbabalak umirap?!

Pero di ko sure kung inirapan niya ba talaga ako or baka naman may pumasok lang sa mata niya tapos mangingitlog dun tapos magkakaschool na sa mata niya. Ang astig siguro non!








6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now