6 Days (7) Baba ni Jhope

1.7K 67 45
                                    

Jisoo's P.O.V

Napanganga ako ng literal nang marinig ko ang kapartner ko. Pero kahit papaano, nagpapasalamat ako na hindi si Jin ang nabunot ko dahil kung hindi, baka wala ng buhok yon pagtapos ng show na to. Choss. Di na nga ako bitter! Ano ba. Pero, si Suga? Partner ko? Baka maihulog ko nalang bigla yon sa rides!

"Okay, go to your partners and we'll start in just a few minutes" announce ng direktor kaya nagsipuntahan naman kami sa tabi ng boys kahit awkward.

Inayusan ulit kami dahil ayon sa staffs, kahit daw magmukhang loshang kami sa kalagitnaan ng pagfifilm, wala na silang care kaya last na ayos na nila to. Jusme. Baka mahimatay naman ako sa maging istura ko lalo na't sasakay kami ng rides baka magulat nalang ako yung ilong ko nasa braso ko na.

"OKAY, PLACES EVERYONE! AND..

ROLLING!!!"

Hindi ko mapigilang mapapikit sa lakas ng sigaw ng direktor. Gusto ko rin siyang sigawan ng 'galit na galit bes?! Wala kami sa kabilang bundok!' Kaso baka mapalangoy ako pabalik ng Korea ng wala sa oras.

Binigyan na kami ng envelopes at winish kami ng goodluck bago kami pinagmadaling lumayas. Minsan napapaisip ako kung galit ba sila samin o may problema sila samin. Makasama palang ang BTS torture na tapos may parides rides pa. Eh kung itali ko kaya sila sa roller coaster.

Mukha tuloy kaming tanga ni Suga na tumatakbo papunta sa kung saan.

"Teka nga! Buksan mo muna kaya yung envelope para malaman mo kung san tayo pupunta. Nagmumukha kaya tayong tanga!" Angal ko sakanya habang hingal na hingal.

Tinignan lang nya ko ng poker face at binuksan ang envelope. Antagal ko siyang tinitigan, nagaantay na basahin nya yon kaso mukhang wala siyang balak ishare sakin yung nakasulat don. Bored nya akong tinignan at iniabot ang envelope.

"I-on mo yung go pro. Hindi yan design" bored na sabi nya habang naglakad na.

Napairap ako sa kawalan at padabog na binasa ang nasa loob ng envelope.

First Ride:
-EKstreme Tower

You'll see a staff waiting for you when you arrive.

Note: always remember to turn on your go pro!

Goodluck!

Napakunot noo ko. Napalingon lingon ako sa paligid at napansin kong walang ibang tao kundi kami lang at mga staffs. Ang yaman naman pala this show para arkilahin tong amusement park na ito. Iba din eh.

Naalala kong may kasama pala akong mukhang pagong kaya agad kong hinanap ang nilalang na yon. Wow lang. Andon na siya malayo na siya at prenteng naglalakad.

"Hoy Yoongi!" Sigaw ko at agad siyang hinabol habang in-oon ang go pro.

Naon ko na sa wakas at nahabol ko narin siya sa wakas. Awkward kong hawak ang go pro habang hindi makatingin sa katabi ko.

"Wait. Walang nakalagay don sa envelope na location ng ride na yon. Paano natin yun hahanapin?" Basag ko sa awkward na katahimikan.

"May bag ka at utak. Try mong gamitin" walang lingon lingon sakin nyang sagot.

Kung hindi lang nakaon tong go pro baka nasapak ko na to. Nakakabeast mode siya ha.

Naparoll eyes ako at ngumiti sa go pro, "Hawakan mo muna. Manghahalungkat lang ako ng bag"

Iniabot ko sakanya ang go pro na hawak ko at inis naman nya itong tinanggap.

Aba, iba rin tong mukhang pagong na to! Ang tamad nya ha! Ako na nga may dala ng bag na to imbes na siya dahil siya ang lalaki! Konti nalang talaga baka makalbo ko to!

Nakakita ako ng mapa sa loob ng bag kaya agad ko iyong tinignan. Medyo nahilo ako don sa mapa kaya napabuntong hininga ako.

Ano na kayang nangyari sa iba?

Jhope's P.O.V

"Hyung saan mo ba kasi nilagay yung envelope! Naman eh!" Angal ni Rapmon habang nagkakamot ng ulo sa inis.

Pano, kanina pa kami paikot-ikot dito dahil namisplace ni Jin hyung yung envelope. Oh taray english yon! First POV ko to kaya ipupush ko to!

Yuyuko na sana ako para tignan sa may paanan ko nang pigilan ako ni Jin hyung.

"Jhope wag! Baka matusok ka ng baba mo, nakakamatay!"

Kung hindi lang talaga nakakatanda sakin to si Jin hyung baka natusok ko na to ng baba ko matagal na. Mapang-api eh.

"Okay na yung mahaba baba kesa broken hearted"

"Ohhhh" sabat ni Rapmon habang pasimpleng tumatawa.

"Ikaw tapyasan kita ng baba dyan ah" sinamaan nya ako ng tingin.

"Nagiging mabuting kuya lang siya, diba hyung?" Inakbayan ni Rapmon si Jin.

"Tsk! Tigilan nyo nga ako. Maghanap nalang tayo" inis na inalis ni Jin hyung yung akbay ni Rapmon.

Tignan mo lang. Inasar ako sa baba ko tapos pag siya na yung inasar, mapipikon. Baka tusukin ko siya dyan!

"Pero seryoso hyung, hindi ka ba nababahala? I mean, kasama kaya ni Yoongi si Jisoo" seryosong tanong ko habang naghahanap.

"Bakit naman ako mababahala? Diba yun naman ang dahilan ng lahat. Gusto ko lang namang maging masaya sila, kahit masaktan pa ako"






6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now