6 Days (3)

1.9K 80 31
                                    

Rosè's P.O.V

"Lisa, bakit nakalock yung kwarto ni Unnie?" Takang tanong ko kay lisa na kalalabas lang ng kwarto niya.

Naiwanan ko kasi yung gitara ko sa kwarto ni Unnie Jichu kanina habang nagjajamming kami don, kukuhain ko na sana kaya lang nakalock yung pinto niya.

"Huh? Eh hindi naman naglolock yun?" Tanong rin niya pagkasara ng pinto ng kwarto niya.

"Oo nga eh"

Tinry naming katukin si Jisoo pero nag-alala kami ng buksan niya ito. Tumambad samin ang umiiyak na si Jisoo.

"Unnie! Anyare?" Nagaalangang tanong ni Lisa habang niyayakap si Unnie kaya nakiyakap nalang rin ako. Mas lalo pang lumakas ang pagiyak niya.

"What's happening guys?" Tanong ni Jennie at nakiyakap nalang rin kahit wala siyang idea sa nangyayare.

"B-break na kami ni Jin" paliwanag ni Unnie habang nakaupo sa kama niya at nakakatatlong box na ng tissue.

"HA?!" sabay sabay na tanong namin. Sino ba namang di magugulat eh ang pagkaka-alala ko maayos pa naman sila at mahal na mahal nila ang isa't isa. Wala akong nakikitang dahilan para mag-break sila to be honest.

"Hindi ko alam kung bakit. Tinawagan lang niya ako kanina at nakipag-break through call. Nagkulang ba ako?" paliwanag ni Unnie. Hinimas ni Jennie ang likod niya.

This is the reason why i hate boys. They are too impossible to understand, and the fact na nakipag-break siya through call that's just simply unreasonable. Kahit ganon, hindi ko magawang magalit kay Jin, maybe he has his reason. Pero nasasaktan ako para kay Unnie, lalo na't magkakasama kami sa isang variety show.

Who knows? maybe things will get better.

Days passed and wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-rehearse and keeping ourselves occupied, lalo na si Unnie. Nakikita naman naming unti unti na siyang nagiging better after their unexpected break up pero siyempre, ramdam mo parin yung sakit niya. We're trying our best to support her. Honestly, namimiss na namin yung Unnie Jichu namin na chicken lang ang laging bukambibig. I hope to see that Jisoo again.

"Tara padeliver tayo chicken!" napalingon kaming lahat kay Unnie Jisoo na umiinoom ng tubig. I unintentionally smiled. Mukhang bumabalik na ang aming 4D Chikin.

"Tara!" sabay sabay naming sagot. Kinuha na namin ang mga bags namin at nagpahatid na pauwi sa dorm namin. Pagkadating na pagkadating namin, may kanya kanya na kaming pwesto. Ako nasa sofa, si Lisa sa sahig katabi si Jennie na nag-aaway pa dahil nasisikipan sila habang si Unnie naman umoorder na ng chicken.

Hays. Sana lagi kaming ganito..

Jennie's P.O.V

Ang sarap tadyakan neto ni Lisa! Ayaw umusog eh sikip na sikip na nga ako dito. Ang laki laki naman don sa gilid niya.

"Aray! Try mo kayang umusog! Pabo maknae!" Asar na sigaw ko sakaniya. Nginitian lang niya ako at nakipagsisiksikan ulit.

Napabuntong hininga nalang ako. It's really hard to deal with her childishness, i swear. Inis na inis pa naman ako sa mga childish. I mean, duh! Don't get me wrong pero naiirita talaga ako sa way kung pano sila kumilos. Hindi na kami bata for pete's sake!

"GUYS ANDITO NA YUNG CHICKEN!"

Nagkatinginan muna kaming tatlo bago nagunahan sa pagtakbo papuntang kusina kung saan dinala ni Jisoo Unnie ang chicken na inorder niya.

Nagkakatulakan na kami habang tumatakbo pero wala akong pake. Gutom na ko duh! Basta pagkain, i will risk everything.

"Woooh nauna ako!" I said panting habang umuupo sa stool na katapat ng counter.

Isa isa na kaming nagkainan nang maalala ni Unnie yung cake na binake niya kanina. Kinuha niya yun sa ref. Honestly, wala akong pake dahil busy ako sa pagkain ko.

Napalingon ako sa tabi ko nang may malamig at malagkit na something ang dumapo sa pisngi ko. Nakangisi si Jisoo unnie habang may icing ang index at middle finger niya.

I forgot, miski pala tong so called oldest member namin ay childish. Tinitigan ko muna siya masama kaya tinawanan lang niya ko.

Binaba ko ang chicken na kinakain ko at pinahiran rin siya. Dun na nagsimula ang pahiran namin ng icing. Aaminin ko, minsan nakakatuwa ring maging childish.

How i wish we can always stay like this.

Monday ngayon at naghahanda na kami papunta sa building na pagshoshootingan ulit ng Travel Buddy. Today is the day we'll meet BTS, ang makakasama namin sa bakasyon.

Kinakabahan ako para kay Jisoo Unnie dahil baka kapag nakita niya si Jin, mas mahirapan lang siya sa sitwasyon.

Bumuntong hininga ako. Well, wala naman siyang mapapala kung iiwasan lang niya si Jin. Better face him than run away from him forever. Malay mo, magkaliwanan na sila.

Tahimik kaming sumakay ng van. Ramdam ko yung kaba ni Unnie. Well, sana maging maayos naman.







6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now