6 Days (10) Reason

1.4K 51 16
                                    

Yoongi's P.O.V

"Ayan! Sa kabagalan mo last tuloy tayo!"

Napahinga ako ng malalim dahil sa pagkarindi ko sa kanina pa angal ng angal na kapartner kong to.

Kung hindi ko lang mahal to kanina ko pa nahulog sa rides to. Ang ingay eh. Mas maingay pa sa rides ang bibig.

"Ako pa ang may kasalanan? Eh sino kaya yung nag-inarteng ayaw hawakan yung hamster?" Inis na tanong ko sakanya.

"Wow! Ayan na ata ang pinakamahabang nasabi mo sa mga oras na magkasama tayo. Achievement yan!" Sabi nya at pumalakpak pa.

Nginisian ko siya. Nang-aasar ka ah.

"Asan prize ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang napalingon sakin.

"Huh? Prize?" Nginitian nya ako bigla at pinanliitan ng mata. "Kiss gusto mo?" Pang-aasar nya.

Pigilan nyo ko, ikikiss ko talaga to.

"Joke, hahaha! Bakit namumula ka? Uy ikaw ah, crush mo siguro ako?" Pagpapatuloy nya at binangga pa ang braso ko gamit ang balikat nya.

"Psh. Pano pag sinabi kong oo?"

Napatigil siya sa tanong ko.

"Joke. Asa ka. Pano ba yan? Namumula ka rin. Patas na tayo" nginisian ko siya bago inunahan maglakad.

Pag ako hindi nakapag-pigil baka kung ano ano ang masabi ko. Mabuko pa ako mahirap na.

"Oy Yoongi! Gabi na wag mo kong iwan, oy!" Rinig ko ang pagtakbo nya papalapit sakin.

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko sila Jhope na naghihilahan sa entrance ng isang ride.

"Uy, Yoongi!" Tawag ni Rapmon tinanguan ko lang siya. "Tara sama ka sa ride!" Aya nya pagkalapit nya sakin.

"Hay sa wakas nahabol rin kita" napalingon kaming dalawa ni Rapmon sa kakadating lang na Jisoo. Nginitian nya si Rapmon.

"Uy guys! Andyan pala kayo!" Napatingin kami kay Jhope na palapit habang hinahabol siya ni Jin.

"Hoy Jhope!!" Sigaw ni Jin na agad namang napatigil nang makita kami.

"Jisoo, tutal andito ka naman tara sama ka sa rides!" Aya ni Rapmon kaya agad kaming napatingin sakanya.

Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinunot naman ng noo nya.

"Okay lang naman ku-" hindi na pinatapos ni Jisoo ang sasabihin ni Jin.

"Sige ba! Basta thrilling yan ah!" Confident na sabi nya habang nakangiti pa.

Nagsimula na silang maglakad papunta sa entrance at sinadya ko ang paunahin sila. Dinadaldal lang nila Jhope at Rapmon si Jisoo habang si Jin naman tahimik lang sa tabi ni Rapmon.

Napaface palm nalang ako at napabuntong hininga. Ang awkward neto, shit.

Nagulat ako nang may humatak sakin. "Pagong ka talaga! Bilisan mo naman kaya tayo last eh!" Napailing nalang ako at hinayaang hatakin ni Jisoo.

Nakasakay na kami sa ride at sigaw ng sigaw to si Jisoo pati na rin si Jhope at Rapmon habang si Jin naman walang imik at deretso lang ang tingin sa harap.

Sino nga namang makakapagsalita kung kasama mo yung ex mo at ang secret lover nya?

Hindi ko alam kung bakit ba nakipag-break si Jin kay Jisoo. Pinipigilan ko na ang nararamdaman ko para kay Jisoo para lang hindi ako makasagabal sa relasyon nila kahit nasasaktan ako pagkatapos malalaman ko nakipag-break lang siya.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now