6 Days (16) Heartless Duo

868 31 60
                                    

HAPPY 12K READS!!! YEYYY! DI KO EXPECT NA MAY MAGBABASA NETO!

THANK YOU SO MUCH!

THANK YOU SO MUCH!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


👀❤ 👀 ❤ 👀

Jhope's P.O.V

"Nababaliw ka na ba? Bakit ngiti ka ng ngiti dyan?" Tanong ni RM hyung sakin.

Tinignan ko lang siya ng sandali bago ibalik ang tingin sa cellphone ko.

"Ano ba yang pinapanuod mo?" Dagdag pa nya bago akmang sisilipin ang cellphone ko pero agad ko namang nilock ang screen. "Bakit ayaw mong ipakita? Porn ba yan?" Tanong nya ulit kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Yoongi hyung na katabi nya.

"May mga babae" pangaral ni Yoongi hyung bago samaan ng tingin si Namjoon hyung.

"Tulog naman sila eh" nakasibangot na sabi ni Namjoon hyung bago umayos ng upo.

Nasa van na kami ngayong lahat at bumabyahe kahit madaling araw palang. Papunta kami ngayon sa port para sa next destination namin. Tulog lang yung mga babae sa pangalawang seat kung nasaan ako at kami lang ni Taehyung ang napasama sakanila dito habang si Jin hyung ang nasa tabi ng driver.

Sinigurado ko muna na wala nang makakakita sa pinapanuod ko bago ko isuot ang earphones ko at iunlock ang phone ko. Tulog rin si Taehyung kaya sure ako na wala nang mang-aabala sakin.

BB cream papapa
lipstigeul mammamma
kamerae damabolkka yeppeuge

Nakangiti akong nag-s-scroll sa recommended videos na puro fancam ni Momo habang pinapanuod ang isa nyang performance nang makita ko ang fancam ng sayaw nya at ni Dino sa 2016 Gayo Daejun na agad nagpawala sa ngiti ko.

Naaalala nyo ba yung sinabi ko sainyo na may natatype-an ako nung nasa Ferris Wheel kami?

Kilala nyo na?

Oo, si Momo yun.

Kung tutuusin, pwede naman kaming maging close dahil close naman si Namjoon hyung sa Twice kaya lang hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya nang hindi nya ako aasarin ng aasarin kay Momo kagaya ng ginawa nya noon kay Jin hyung nung umamin siya na gusto nya si Jisoo.

Sinandal ko ang braso at ulo ko sa bintana ng van kaya medyo nakaharap na ako sa side nila Jisoo at kitang kita ko ang biglang pagbagsak ng ulo ni Taehyung sa balikat ni Jennie na nakasandal naman ang ulo kay Lisa. Sandali ko muna silang pinagmasdan nang biglang may nagflash mula sa harap.

"Cute" sabi ni Namjoon hyung habang pinapakita sakin ang phone nya na may picture nila Taehyung. "Selos ka?" Pang-aasar nya kaya kumunot agad ang noo ko.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon