6 Days (6) EK

1.8K 73 56
                                    

Jennie's P.O.V

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatitig sa kawalan. Nandito na kami sa hotel, nagpapahinga.

Hanggang ngayon hindi ako makaget-over sa ka-alienang pinairal ni Taehyung kanina. Hindi ba nya naisip na mas lalala lang ang ka-awkwardan dahil sa tinanong nya? Pero napaisip rin ako kung alam ba nya yung nangyayari?

Napatitig ako sa kabilang kama kung nasaan si Jisoo Unnie. Mahimbing ang tulog nya. Napalingon ako sa wall clock at agad nataranta nang makitang 30 minutes nalang susunduin nanaman kami ng van.

"Shit!" Napamura ako at agad na ginising si Jisoo Unnie.

"Unnie! Gising! 30 minutes nalang andyan na yung van!" Panggigising ko sakanya. Napabalikwas rin siya sa higaan nya at nagmadali na kaming maghanda.

Nagmamadaling nagtotooth brush si Jisoo Unnie habang ako nagmamadaling magbrush ng buhok. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa naisipang maging fuzzy ng buhok ko?!

Napalingon kami sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad samin ang hingal na hingal na sila Rosè at Lisa habang dala ang maleta nila.

Napabuntong hininga akong sumakay ng van. Nagkagulo gulo ang sitting arrangement namin dahil sa mga late kaming nagsidatingan kaya ang ending, katabi ko ngayon tong alien na to.

Rinig ko pa ang buntong hininga nya habang inuunat ang leeg nya.

"Uy Jennie, ikaw pala yan" sabi nya sakin at nginitian ako. Nginitian ko siya ng tipid at tinanguan bago lumingon sa labas ng bintana.

Naramdaman kong may kumakalabit sakin habang nasa gitna ng byahe kaya napalingon ako sa katabi ko. Bumungad sakin ang nakangiti na si Taehyung habang inaalok ang isang earphone nya.

"Gusto mo?" Tanong nya. Nagdalawang isip pa ako pero dahil bored ako at nakalimutan kong icharge ang phone ko, tinanggap ko nalang yon.

Yes you're my only girl
neoneun naege choego
neoui harureul algo sipeo,
neoui hansumi doego sipeo
Yes you're my only girl
neoneun naege choego
yeonghwa sogeseona isseul
geotman gatdeon geu saram

nalssimajeo ttak joheunde
neowaneun ttak indeutae nan
gachi georeobolkka hamkke georeobolkka
nalssimajeo ttak joheunde
nawaneun ttak indeutae neon
soseol sogeseona isseul
geotman gatdeon geu saram
baro neoya

Napangiwi ako sa kanta. Talaga nga namang ang cheesy nung kanta ha, pero hindi ko maitatanggi, maganda yung kanta.

Napadilat ako nang maramdaman kong may umaalog sakin.

"Jennie! Huy! Andito na tayo!" Napalingon ako kay Taehyung na wagas maka-alog sakin.

Grabe maka-alog?!

"Tsk oo na nga! Galit na galit mang-alog eh!" Inis na sabi ko at tinabig ang kamay nya na inaalog ako.

Nagkibit balikat lang siya at dinala ang bag nya pa-labas ng van.

Inis kong kinuha ang bag ko at lumabas na kasunod ni Rosè. Pagkababa namin, nilibot ko ang paningin ko. Nasa labas palang kami kaya wala pa akong masasabi about sa lugar pero mukha namang maganda.

Pumasok kami sa entrance, malamang alangang sa exit di naman kami tanga duh. Sa entrance, tinatakan kami at kinabitan ng kung ano sa wrist bago tuluyang makapasok.

Pagkapasok namin, sumalubong saamin ang cameras na nakaset up. Sinabihan kami ng isang staff ng Travel buddy na maghanda na dahil magsstart na ang shooting. Hinila kami ng mga makeup artists sa isang tent na nakaset up at sinimulan kaming ayusan.

Matapos ang madaming ka-ekekan, nagstart na ang shooting. Nakatayo kami ngayon sa harap netong nakaviolet na witch ata to na kamukha ni Dumbledore habang todo ngiti gaya ng sabi ng direktor.

To be honest, nagulat ako dahil wala manlang inexplain samin na dapat naming iexpress or kung paano dapat kami sa harap ng camera. I guess, dito sa show na to, kung anong ugali mo, yun talaga ang ipapakita mo and i'm surprised. Sa mga variety shows lagi kaming dinidiktahan kung paano aakto sa harap ng media kahit variety show na yon, pero iba ngayon. Espesyal nga ata ang show na to.

"Rolling!!" Sigaw ng direktor.

Nakangiti lang kami habang nagpapakilala ang BTS, sumunod naman kami. Pagkatapos ng introduction, nagsimula ng iexplain samin ang gagawin.

"So, may mga rides kaming ibibigay sainyo at bago nyo masakyan ang rides nayon, may obstacle muna or question. Walang aatras sa mga rides na ibibigay namin. May mga bagpacks kaming ibibigay sainyo kung saan nakalagay ang mga kailangan nyo para macomplete ang obstacles. Pagkatapos nyong sakyan ang ride, may magbibigay sainyo ng envelope kung saan naman ang next ride ninyo. You will be paired up boy and girl but since apat lang ang girls natin, may isang team na tatlo ang members. Bubunot kayo girls ng papel mula dito and kung sinong mabunot nyo, sila na ang partner nyo. Kung sino ang tatlong matitirang walang kapartner, sila sila na ang magiging team. The pairings today will be the permanent pairings in every challenges. Mayroon rin kaming ibibigay na go pro sainyo para marecord nyo ang kaganapan sainyo kahit meron ng camera na nakaset up para mamonitor ang ginagawa ninyo. Naintindihan ba ang rules?" Paliwanag ng isang staff habang binibigyan kaming apat ng bagpack at go pro.

Nanigas ako sa pairings. Boy and girl?! Oh no!

Nagsitanguan kami kahit labag sa kalooban namin ang pairings. Bumunot na ako at sunod sunod na kaming bumunot.

Napabuntong hininga ako sa pangalan na nakasulat sa papel na nabunot ko.

"Okay! The final pairings are:

Lisa and Jungkook,
Rosè and Jimin,
Jisoo and Yoongi,
Jennie and Taehyung and last but definitely not the least, Jin, Namjoon and Jhope!"

I guess, i'm stuck with this alien.


6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now