6 Days (15) Ayreng

987 33 24
                                    

Yoongi's P.O.V

Kunot-noo kong pinapanuod ang bawat galaw ni Jisoo na mukhang hirap na hirap na sa buhay nya. Nagbabalot siya ng hipon sa tempura batter dahil may mga natira kaming hipon na hindi namin napansin nung nagluluto kami ng buttered shrimp. May nakahiwalay pa palang onting hipon sa ibang plastic at tapos na naming mailuto nung nakita namin.

Napabuntong hininga siya bago lingunin ang lababo kung saan nagsisiksikan sila Lisa sa paghuhugas ng mga nagamit nila.

"Ano ba kasing buhok to buset" inis nyang ginalaw ang ulo nya habang nakataas ang mukha para lumadlad sa likod niya ang mga buhok nyang humaharang sa mukha nya.

Natanggal yung tali nya nung nagbabalot siya ng hipon kaya iritang irita na siya. Hindi naman nya magawang magtali ng buhok dahil puro arina ang kamay nya at hindi siya makahugas ng kamay dahil nagsisiksikan pa sila Lisa doon.

Natawa ako sa hirap na hirap nyang itsura kaya nakatanggap ako ng masamang tingin galing sakanya.

Umiling ako bago lumapit sa likuran nya. "Kawawa ka naman" sabi ko sakanya bago ipunin ang buhok nya sa likod at hawakan yon.

Napalingon siya sakin na gulat na gulat.

"Anong ginagawa mo?" Namumula nyang tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Tinutulungan ka. Ayaw mo? Okay" sabi ko at binitawan ang buhok niya kaya nagsibagsakan ulit sa mukha niya.

"Oo na sige na! Pakitali nalang kesa hawakan mo lang!" Inis siyang bumalik sa ginagawa nya kaya tinawanan ko lang siya.

Pabebe pa, eh. Kinikilig naman.

Nilapitan ko ulit siya at pinulot ang ipit niyang nasa sahig. Nakangiti kong kinuha ang mga buhok niya at tinali yon.

Nagmumukha na akong tanga. Bakit ba ganito ang epekto sakin ng babaeng to?

"Aray naman! Sinasabunutan mo ata ako eh!" Angal nya nang hilahin ko ang buhok nya para higpitan ang pony tail.

"Ehem!" Napalingon ako kay Jimin na umuubo nang peke habang dumadaan sa likod namin. Tumingin siya saakin at kinindatan ako. Tss. Mang-asar siya kapag lumaki na daliri nya.

Napailing nalang ako bago pagmasdan uli si Jisoo na tuloy parin sa ginagawa nya.

May pagka-wife material rin naman pala siya, hindi lang talaga halata.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang ginagawa nya dahil sa mga naiisip ko kaya hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sakin habang nakakunot ang noo.

"Parang mahal na mahal mo yung hipon kung makatingin ka ha?" Pang-aasar nya bago tumawa.

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.

Napansin mo kung pano ako tumingin sa hipon pero sayo hindi. Hindi mo tuloy namamalayan na mas mahal kita kesa sa hipon na yan.

Jimin's P.O.V

Nakangiti akong bumalik sa tabi ni Rose na kakatapos lang maghugas. Nakita ko si Yoongi hyung na humohokage kanina. May patali-tali pa ng buhok akala mo marunong siya. Bagay sana sila kung hindi lang magkarelasyon si Jin hyung at Jisoo.

Binababad ko sa tubig yung sotanghon na kinuha ko habang nakangiti parin nang mapansin ko si Rose na busy sa pagtitimpla ng sabaw. May black ink siya sa kaliwang pisngi nya kaya napangiti ako.

Ang cute.

Hindi nya siguro napapansin na may dumi na siya sa pisngi dahil focused na focused siya sa niluluto nya. Kung hindi lang siya cute kanina ko pa siya tinawanan.

"Pwede na ata yan?" nakataas ang kilay niyang tanong pero tinitigan ko lang siya habang nagpipigil ng tawa. "Ano bang problema mo?" Inis nyang tanong.

Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa at binasa yon ng kaunti. Nilapitan ko siya bago pahiran ang pisngi nya na may dumi. Medyo umatras siya pero hinawakan ko ang braso nya para hindi siya gumalaw at pilit na nililinis yung black ink sa pisngi nya.

"May dumi pala ako sa mukha hindi mo manlang sinabi" nahihiya nyang sabi habang kinukuha ang panyo mula sa kamay ko.

Tinawanan ko lang siya bago kindatan. "Tinulungan mo ko nung nasa EK tayo, ako naman babawi ngayon"

Nag-iwas siya ng tingin at binalik saakin ang panyo ko. "Thanks" walang tingin-tingin nyang sabi bago ituloy ang pagluluto.

Namumula ang pisngi nya dahil sa diin ng pagpahid nya para malinis yon.

Tuwing nakikita ko siya, napapangiti ako. Ang cute cute kasi! Yung tipong ang sarap alagaan.

Bakit ganito yung nararamdam ko?

Gusto kong ako na ang mag-alaga sakanya simula ngayon.

Jin's P.O.V

"Ano? Di kita marinig" sagot ko sa kausap ko sa phone.

Kakatapos lang namin magfilm at inuubos na namin ang mga natira naming niluto for dinner nang may tumawag saakin.

"Hyung! Mamaya na yan! Kainin mo na to, nilalangaw na oh" sigaw ni Jhope mula sa lamesa na kinakainan namin kanina. Nilingon ko siya at nag-wait sign.

"Bingi ka ba?"

"Ayan. Naririnig na kita! Kanina sobrang chappy" tumatango na sabi ko kahit alam kong hindi naman nya ako nakikita. "Ano nga uli yung sinasabi mo?" Tanong ko dahil ngayon lang kami nagka-intindihang dalawa.

"Yung jacket na hinahanap mo dito dati sa dorm namin, natatandaan mo pa?"

"Ahh. Yung black? Ano meron don?"

"Nakita ko na!" Medyo pagalit nyang sabi.

"Yun lang yun? So tumawag ka lang para don?" Nakakunot noo kong tanong.

"Satingin mo worth ka ng load at time ko?" pagtataray nya mula sa kabilang linya.

"Aray ha. Pero ano ba kasing meron sa jacket na yon at nagsayang ka pa ng precious time at load mo para tawagan ako?"

"May kwintas ba sa loob yon?"

Nagulat ako sa tinanong nya at dahil na rin sa naalala ko.

May kwintas nga ako don sa jacket na yon. Kwintas na regalo saakin ni Jisoo.

"Oo. Bakit?"

"Nalabhan kasi yung jacket mo tapos wala namang nakakaalam na may kwintas yon. Napigtal yung kwintas"

Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit pati yon bumitaw na? Pati ba naman simpleng kwintas mawawala na sakin?

"Kuhain mo nalang paguwi nyo. Mag-move on ka na at tanggapin mo nalang na tanga ka talaga. Wag kang mag-iingat dyan at sana makain ka ng pating"

Tuloy-tuloy nyang sabi bago ibaba ang call. Natawa ako sa huli nyang sinabi. Napaka-harsh talaga magsalita non.

"Hyung, sino yung kausap mo?" Tanong ni Taehyung pagkaupo ko sa tabi nya.

"Si ayreng" nakangiti kong sagot.

Nakakamiss rin naman palang kausap yung babaeng yon kahit napakasakit magsalita.

"Sino si ayreng? Ang cute naman ng nickname nya" Tanong ni Lisa habang busy sa pagbabalat ng hipon.

"Si Irene"

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now