6 Days (5) Philippines

1.7K 75 21
                                    

Lisa's P.O.V

"Ang bagal nyo mag-impake jusme! Malelate tayo sa flight! Sabi ko kasi sainyo mag-impake na kayo kagabi eh andaming arte!" Angal ni Jisoo Unnie habang tinutulungan si Rosè magimpake.

Natataranta na lahat tapos sumasabay pa si Jisoo Unnie! Ngayon na kasi ang flight namin papuntang Philippines, kagabi pa nya kami pinag-iimpake kasi nga maaga ang flight pero hindi namin siya pinansin. Hays. Minsan dapat pala talagang nakikinig sa nakatatanda. -_-

"Tara na! Andyan na yung van, lagot nanaman tayo kay manager!" Sigaw ni Jennie habang hinihila ang maleta niya palabas ng pinto.

Tumakbo na ako habang hila hila ang maleta ko. Grabe. Ang aga-aga haggard na haggard kami. Wala na kaming time maglagay ng make up dahil sa sobrang rush.

"Girls, bilis! Nandun na ang bangtan!" Pagmamadali samin ni Manager habang tinutulangan kaming iakyat sa van ang mga maleta.

Pagkaupo namin, lahat kami naghahabol ng hininga. Hay sa wakas! Kinuha ko sa maliit na bag na dala ko ang suklay at salamin ko. Mukha akong bruha!

Nagsuklay ako at naglagay ng lipstick. Para kahit pano maayos naman itsura ko hindi yung mukha akong sinabunutan ng limandaang tigre.

Pagkadating namin, andaming cameras sa paligid. I took one last glance of my reflection and wore my legendary smile before stepping out of the van. Sumalubong agad samin ang puro flash ng camera.

Ngiti lang kami ngiti kahit nakakasilaw ang mga flash ng camera. Nakita namin ang bangtan na busy sa loob. Mukhang may inaayos pa sila. Nagsimula narin kaming ayusin ang mga dapat ayusin.

I can feel the awkwardness sa pagitan namin. Mamamatay ako kung ganito kaawkward ang buong six days namin doon. Sanay ako sa tahimik pero wag naman yung ganitong atmosphere.

Matapos lahat ng dapat ayusin, nag-aantay nalang kami dito. Tinatry naming mag-act casual pero ang hirap eh. Parang hindi ko matake.

Matapos ang ilang oras na pagaantay at pagpepeke ng ngiti sa media, sa wakas ay nakasakay narin kami sa eroplano. Katabi ko si Jennie at nasa kabilang seat naman sila Jisoo Unnie at Rosè.

Natulog nalang kami dahil masyadong boring kung mananatili kaming gising.

Napadilat ako ng mata nang marinig ko ang announcement na maglalanding na kami
Naexcite ako bigla at nagsimulang tumingin sa labas ng bintana. Namangha ako sa nakita ko. Dahil madaling araw kaming dumating, madilim pa ang langit kaya kitang kita ko ang mga ilaw ng mga buildings at mga bahay.

Nang makababa kami ng eroplano, as usual, mga cameras ang sumalubong saamin sa airport. Minsan naiinis nadin ako dahil konting galaw lang namin, pinipicturan na nila.

Nanlumo ako nang malaman kong iisang van ang sasakyan namin ng BTS papuntang hotel.

Awkward kaming nakaupo sa loob ng van. Pano ako makakasurvive neto. Nasa front seat si Jin pati si Rapmon tapos nasa likod kaming girls pero dahil hindi kasya yung limang boys sa likod, kasama namin si Suga sa harap na walang pakealam sa mundong nakaupo katabi ni Jisoo unnie. Tulog lang siya habang nakikinig ng music.

"Bakit ang tahimik? Parang di tayo magkakakilala ah. Jin hyung ayaw mo sa tabi ni Jisoo unnie? Di mo--" hindi na natuloy ni Taehyung ang sasabihin nya nang pasakan ni Jhope ang bibig nya ng kinakain nyang biscuit.

"Kumain ka nalang. Ang ingay mo. Pagod lahat" sabi ni Jhope bago ngitian si Taehyung.

Napapansin ko pa ang weird na tinginan nila Jhope at Rapmon mula sa harap. Ang weird talaga nila.

Hindi nalang ako umimik at natulog nalang rin. Pagod ako eh. Tsaka nakakaantok ang byahe.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now