6 Days (18) - Inlove yan?

86 3 2
                                    

THANK YOU ALL! Sobrang sorry sa pagkasuper late HAHAHA di ko inexpect na may mga nagbabasa pa pala nito. Sorry na din dahil halos nakalimutan ko na toh hehe. Maraming salamat sa mga nanghihingi ng update! Super appreciated! Kahit may isa lang o kahit wala nang magbasa nito, okay lang saakin. Maraming salamat sa mga nag-antay! Stay safe sainyong lahat!
😊💜

RM's P.O.V

Bakit ang sarap ng halo-halo?

Yan lang ang tanong ko sa mga panahong to. Tapos na yung mission namin at nagkaron ng himala. Nanalo sila Yoongi! Akalain mo yun? Nakakaakit pala ng isda yung pagong na yun?

"Hyung pakiabot naman nung evap" kinalabit ako ni Jungkook at tinuro ang lata ng evap sa harap ko.

Napatigil ako sa paghahalo ng halo-halo ko nang mapansin ang naglalandiang mga maknae sa harap ko. Pinipicturan ni Lisa si Jungkook at ito namang si ilong, kung makapose wagas tapos magtatawanan at maghaharutan. Nasa kabila naman sila Yoongi at Jisoo na nag-aasaran. Nilalagyan ni Jisoo ng yelo si Yoongi sa ulo na pilit namang tinatanggal ni Yoongi sa ulo niya. Sa kabila naman ay sila Rosé at Jimin na nagshesheare sa isang halo-halo sa di ko malamang dahilan. Para lang siguro maglandian!

Aba! Malala na tong mga to. Parang saglit palang kaming nagkakasama ah?

Napabuntong hininga ako bago ilabas ang cellphone ko. Buti pa sila!

Samantalang yung jowa ko hindi manlang ako nirereplyan. Miss ko na siya!

Gulat kayo noh? May jowa ako? Di kasi ako binibigyan ng matinong POV ni author!

Napapailing nalang ako habang tinitignan ang sunod sunod na messages ko sakanya simula pa kaninang umaga. Huminga muna akong malalim bago magtext ulit.

To: Love ♡
Kumain ka na?
Reply ka na pleaseee
Miss youuu

Oo, may jowa ako. Non showbiz. Ayaw nyang malaman ng kahit sino kaya tinatago namin. Matagal nang kami, almost 2 years na rin. Hindi alam ng mga members ko yun dahil siya na mismo ang nagsabi na secret daw muna.

Hays.

Andami-daming mga problema ng mga members ko sa lovelife at kadalasan ako ang takbuhan nila pero pag ako na may problema, di ko magawang manghingi manlang ng tulong.

Bakit ba ang unfair ng buhay?

"Huy! Nagd-drama ka nanaman mag-isa dyan"

Nabalik ako sa wisyo nang hagisan ako ni Jin hyung ng yelo.

"Ano nanaman?" Irita kong tanong sakaniya pero umupo lang siya sa tabi ko.

"Sweet nila noh?" Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa direksyon nila Yoongi.

Napangisi ako bago tumawa. "Sus! Kunyari ka pa! Nasasaktan ka rin naman" sabi ko at tinulak siya.

Tumawa lang siya at umiling. "Mas okay na yung ganito" sabi pa niya bago sumubo ng halo-halo. "May itatanong lang ako sayo pero wag kung ano anong isipin mo dyan ah" seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin.

Bakit parang sobrang seryoso naman ata nito?

"Oo na. Ano ba yon?"

Napahinga siya ng malalim bago ilapag ang halo-halo niya sa lamesa.

"Anong gagawin mo kung may umamin sayo na gusto ka niya ng biglaan pero hindi ka pa nakakamove on sa ex mo at alam mo na kapag nireject mo siya, magkakalayo na kayo pero ayaw mo namang mangyari yun kasi importante siya sayo?" Tuloy-tuloy niyang tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

6 Days [ Blackpink & BTS ]Where stories live. Discover now