6 Days (12) Palawan

1.3K 38 60
                                    

Taehyung's P.O.V

"Tae! Huy! Gising na!"

Tinabig ko ang kamay na kanina pa pinipitik ang noo ko. Buset naman oh!

"Tsk! Ano ba yan eh!" Angal ko bago humarap sa kabilang side kaso naalala kong sa upuan sa kubo lang pala ako natutulog kaya nahulog ako. "Aray! Shet ansakit!" Hinimas ko ang braso ko na tumama sa sahig.

"Ayan, katangahan kasi" pailing-iling pang sabi ni Jin hyung na bihis na bihis na "Ikaw na kasi yung memake-upan kaya tumayo ka na dyan! Wag tamad!" Pangaral nya bago bumaba ng kubo.

Napatayo ako nang marealize kong sunrise na.

"Woah, ang ganda" manghang manghang sabi ko habang nakatingin sa langit.

"Taehyung, bilisan mo na!"

Napailing ako nang marinig ko ulit ang sigaw ni Jin hyung.

"Oy, hyung! Buti naman gising ka na" nakasalubong ko si Jungkook habang papunta ako sa isang kubo kung saan sila nagme-makeup. Nginitian ko siya. "Ang ganda dito sa Palawan, noh?" Manghang-mangha nyang sabi habang minamasdan ang langit na kulay orange sa taas ng dagat.

"Oo nga eh. Ang refreshing" nakangiti ulit na sabi ko. Natutuwa ako dahil napaka-ganda nga rito sa Palawan. Nakaka-enjoy at magaganda naman ang mga napuntahan naming lugar dito sa Philippines. This trip isn't as bad as i expected it to be.

"Puta naman! Taehyung! Isa pang sigaw ni Jin hyung ako na mismo ang hahatak sayo papunta dito! Natutulog ako, ang ingay ingay!"

Nanlaki ang mga mata namin ni Jungkook nang boses naman ni Suga hyung ang marinig namin. Shet! Si Suga hyung na yung sumigaw ikamamatay ko kung di ako susunod!

"Hala ka, hyung. Huling araw mo na ngayon" Pang-aasar sakin ni Jungkook habang pailing iling pa pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Tanggalan ko siya ng ilong dyan, eh.

Nagmadali na akong tumakbo papunta sa kubo kung saan sila nag-memake up. Muntikan pa akong madapa sa isang bato na nakakalat sa buhangin pero buti nalang nakabalance agad ako.

"Taehyung oppa!"

Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang tawag sakin ng isang babaeng pamilyar ang boses. Huminga muna ako ng malalim bago siya harapin habang nakangiti.

"Uy, Lisa!" Bati ko sakanya at kinawayan siya.

"May gagawin ka ba? Kung okay lang magpapa-picture sana ako sayo. Busy kasi sila unnie eh. Ayon oh, nagpipictorial na si Jennie unnie" nahihiyang tanong nya bago ituro si Jennie na nakatapak sa mababaw na parte ng dagat habang nagpopose.

Wala naman sigurong mangyayari kung malelate ako sa pictorial ngayon diba? Ngayon lang naman ako malelate eh.

(A/N: Caught in a lieeeee)
Hoy, Author wag kang epal dyan ah.
(A/N: Eto na nga eh. Lalayas na nga akez. G na g eh)

"Oo naman, sure!" Nagdadalawang isip kong sagot. Oo, nagdadalawang isip pa ako sa lagay na yan.

Si Lisa kasi to diba. Yung crush ko. Kaya mo bang humindi kay crush? Diba mahirap? Edi gawin nalang.

Pumalakpak siya bago iabot saakin ang cellphone nya. Pumunta siya sa kagaya ng pwesto ni Jennie pero malayo kay Jennie para hindi siya mahagip ng camera bago ako ngitian.

"Kasama yung orange sky, Tae oppa. Thank you~" excited na sabi nya. Tinanguan ko lang siya kaya nagpose na siya.

Nakangiti kong cinapture ang photo.

"Isa pa, pwede?" Tanong pa ulit nya kaya tumango lang ulit ako. Nginitian nanaman nya ako bago magpose ulit.

Pwede ba, Lisa? Wag kang ngiti ng ngiti, nakakafall.

6 Days [ Blackpink & BTS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon