Kabanata 1

26.4K 375 6
                                    




Kabanata 01
Welcome to Philippines

"Will you please stop moving around you dufus? You are disturbing me." saway ko sa isa sa aking mga kaibigan. Hindi man halata pero oo. Kaibigan ko ang isang ito. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya naging kaibigan.

"I'm not moving around, stupid. I'm working out." depensa niya sa sarili. Why am I even talking to this dufus?

"Just so you know, hindi gym ang bahay ko para dito ka magwork-out. Kung pwede ba, alis na. Marami pa akong gagawin." pagtataboy ko sa kanya. Ang akala ko ay susundin niya ang sinabi ko. Pero naalala kong sintu-sinto pala ang isang ito kaya hindi na ako nagulat nang pumirmi lang siya sa kinatatayuan niya.

"Ace, kailan mo ba balak na tumigil sa pagtatrabaho? Mayaman ka naman. Sobrang yaman pa, pero bakit ayaw mong tumigil sa kakatrabaho?" humalukipkip siya. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Mas gugustuhin kong magtrabaho kesa magsayang ng oras sa mga kalokohan niyo." simpleng sabi ko saka ko binalik ang atensyon ko sa mga papeles. Pinagpatuloy ko ang pagpipirma ng mga dokumentong ipinadala sa akin. Sa dami ng mga gagawin ko, hindi ko iyon magawa lahat dahil sa isang 'to! Give me peace, please.

"Makasabi ka diyan ng kalokohan. Akala mo naman hindi maloko." bulong niya pero narinig ko naman. What's with this man? Sa aming lahat, ako ang pinaka-matino. Masasabi na rin na ako ang pinaka-gwapo.

"Mabait ako." sabi ko at pinirmahan ang isang papeles. Being a very considerate friend, hindi ko na sinabi na ako pinaka-gwapo. Bakit ba ngayon tumambak ang napakaraming papeles? Hindi na lang kasi binigay nung isang araw. Edi sana nakakapagpahinga na ako ngayon.

"Mabait? Pakyu, Ace, pakyu. Lamunin mo to." sabi niya sa akin saka akmang ipalalamon sa akin ang kamao niya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya minsan. Umiling ako sa kanya habang natatawa. Siya naman ay mas lalong kumunot ang noo.

"T-tigilan mo ako sa tawa mong iyan, Ace. Di porket bihira ka lang tumawa ay madadala mo na ako sa nga ganyan mo. Ewan ko sayo! Makaalis na nga!" sabi niya saka siya nakasimangot na umalis sa opisina ko. Buti naman at naisipan na niyang lumabas. Paniguradong iba naman ang guguluhin niya. Kung nalaman ko na tawa ko lang naman pala ang makakapagpalayas sa kanya, kanina pa ako tumawa na prang baliw.

Hindi naman sa palagi akong seryoso o ano. Hindi ko lang talaga hilig na bigyan ng pansin ang isang bagay lalo na kung wala naman iyong kuwenta.

Ang isang yun ay si Josh Alcantara, he's a friend of mine. Hindi mo alam kung sadyang trip lang niya na manggulo o may sapak talaga siya sa isip. I'm Alxander Calvin Ethan Montero., but I prefer being called as Ace. A 24-year old CEO of Montero Hotel which has more than thousands of branches all around the world. I also have ten different branches of Montero Construction Company all over the world. And now tell me, sa estado kong ito, magagawa ko pa bang magpakasaya sa buhay ko kung nasa kamay ko ang milyon-milyong empleyado na nangangailangan ng sweldo sa hirap ng buhay ngayon?

Ugh! This frustrates me more than I expected five years ago. And back then, I thought handling our company is just an easy thing. I admire my father for being a very responsible leader to this company. Five years na since ako na ang naging CEO pero pakiramdam ko kulang pa rin ang nagagawa ko para sa kompanya. Hindi pa iyon sapat.

Gusto kong umunlad ang kompanya gaya ng inaasahan ni Dad at alam kong magagawa ko rin yon. But for now, I need to work hard. At that time, tumawag ang secretary ko. Ano na naman ang kailangan niya?

"What do you need?" tanging sabi ko ng sagutin ko ang tawag. I kept my tone in a very formal one.

"May pinapautos po ang Dad ninyo, boss. Something personal." sabi niya. Nagtaka naman ako. Si Dad? Ngayon lang siya magapapautos sa akin. Hindi si Dad ang tipong magpapautos ng tungkol sa mga personal na bagay. Palaging tungkol iyon sa kompanya o sa mga negosyo.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora