Kabanata 13

6.1K 151 2
                                    



Kabanata 13
Pabigat

Levi's POV

"Just what do you think you're doing, Lian?"

Nandito kami sa lugar ko. This is my own private area here in this beach and resort. This is my own paradise. Walang ibang nakakaalam tungkol sa lugar na ito except my employees and me. And now, Lian. Dito ko siya dinala para naman mahimasmasan siya sa nangyari kanina. At ngayon? Behold, Lian, my bestfriend, had her own decision to get drunk.

"I always drink whenever I'm depressed." maikling salita niya. Kanina pa siya ganyan. Halos magi-isang oras na kami dito sa lugar ko. Sinulyapan ko ang phone niya na nasa tabi ko at tinignan iyon. Maraming missed calls galing sa tropa.

Tinignan ko ang lahat ng iyon pero ni isa sa mga iyon, hindi ko nakita ang pangalan ni Ace. Tinignan ko si Lian. Hindi siya umiiyak. Kahit kanina. Tahimik lang siya at para bang nasa ibang mundo ang utak niya. Ngayon ay naaawa ako sa bestfriend ko. Earlier, she begged me to bring her to some place where no one can find her. Even my twin sister, Lovi. Sila ang madalas na magkasama these past few months at masasabi kong close talaga sila. After all, Lian, is also a model like my sister.

Napakadaming missed calls ni Dale at ni Lovi. Tumawag din sa kanya si Luan. So she's friends with this psycho? Ha!

"Lian, everyone is worried about you. We should return." sabi ko sa kaniya. Siya naman ay patuloy lang sa pag-inom ng wine. Oo wine ang iniinom niya at hindi naman malaki ang alcohol content nun kaya hinahayaan ko lang siya. She knows how to handle herself naman.

"No. I don't want to. If we return, there is a high possibility that I can see Ace. Right now, I can't even bear to hear his voice, Levi. Please understand me for now." pagmamakaawa niya. Tumabi ako sa kaniya at nagsalin ng wine sa baso ko. It's better to join her getting drunk than just watching her.

"Okay. Do you want to stay here all night?" sabi ko sa kanya.

"Yes. Maybe tomorrow, I'll be better." sabi niya at mapait na ngumiti.

"Hindi mo ba ipapaalam kina Lovi na ayos ka lang? Their still worried about you. Even Luan." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at maya-maya, hiningi niya ang phone niya.

"But what if they track my location?" tanong niya ng may bahid ng pag-aalala. Ngumisi naman ako.

"Have you forgotten that your bestfriend is a hacker? Tutulungan kita para hindi ka nila mahanap. Pero ngayon lang, Lian. By the time that you get better, babalik na tayo." sabi ko at pumayag siya. Binuksan niya ang phone at nag-text sa iba na ayos lang siya pero hindi niya pinaalam kung nasaan siya.

Ilang sandali pa ay tumawag ang kakambal ko. Jesus. Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Napaisip ako sandali. No. Goodness. Alam niya ang lugar na ito!

"Lovi?" tawag ni Lian ng sagutin niya ang tawag.

"Yes. I'm fine. No. I'm with someone. What? No way. Lovi! Please don't tell them. Okay. Bye." binaba ni Lian ang tawag at sumulyap sa akin.

"Anong sabi niya?" curious kong tanong.

"Kinumusta niya lang ako. Pero sabi ko wag niyang sabihin na tumawag ako sa kanya." paliwanag niya.

Maya-maya naman ay may narinig kaming nagsisigaw sa labas. Isang matining na boses.

"Wait..... is that Lovi?!" gulat na tanong sa akin ni Lian.

"Unfortunately, yes. Alam niya ang lugar na ito at mukhang alam niya rin na dito kita dinala." paliwanag ko. Napabuntong-hininga siya. Ako naman ay pumunta sa pintuan at pinagbuksan siya.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now