Kabanata 15

6.3K 134 0
                                    



Kabanata 15
Ex

Lianna's POV

It's exactly one week after that incident. Wala akong naririnig na balita mula kay Ace at wala na rin akong balak na alamin pa. I admit, I miss him so much. Pero wala akong magawa.

Isang linggo na rin magmula ng makitira ako dito sa bahay nila Levi. Sa loob ng isang linggo, naging masaya ako kasama sila. Lagi lang akong napapatawa nila Tito at Tita. Lalo na kapag nag-aasaran silang dalawa. Parang ang swerte nila sa isa't isa. Walang makakatibag sa pagmamahalan nila.

"Hey sweetheart. Malapit ng lumubog yung araw. Pumasok ka na at baka mahamugan ka pa." tawag sa akin ni tita mula sa garden. She really treats me like her own child. Magtatagal pa ako dito. Nung isang araw lang kasi, nakatanggap ako ng tawag mula kay dad na isang buwan pa ang itatagal nila sa ibang bansa. Nakwento ko na rin sa kanila ang nangyari. Sabi nga nila uuwi daw kaagad sila dito pero pinigilan ko sila. Sinabi ko na ayos naman ako dito sa bahay nina Tita Leni. Nabanggit ko rin sa kanila na alam ko na magkaibigan sila kaya hindi na sila nag-alala pa.

"Opo papasok na po ako." sabi ko kay Tita saka ako sumunod sa loob.

Pinaakyat muna ako sa kwarto ni Tita at tatawagin na niya lang daw kami kapag nakahanda na yung pagkain. Sobrang bait ng pakikituring nilang lahat sa akin. Ramdam na ramdam ko na welcome ako dito sa bahay nila.

"Lian? Can I come in?" kumatok sa pinto ko si Levi.

"Sige." sabi ko na lamang at iniluwa ng pinto si Levi na hawak hawak ang phone ko. Naiwan ko pala yan sa kwarto niya?

"You left your phone. Someone's calling earlier. Sa tingin ko ay importante iyon." pahiwatig niya saka ibinigay sa akin ang phone ko. Tinanggap ko naman iyon at agad na tinignan kung sino ang tumawag. Si Andy. This girl. Tch ilang buwan din iyang hindi nagparamdam sa akin. And the same goes for Heather too.

"Babalik na ako sa kwarto ko ah. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi ni Levi at lumabas na ng kwarto ko.

Agad ko namang di-nial ang number ni Andy. Hindi naman nagtagal at sinagot niya ito.

"Hey! Hindi ka nagparamdam ng ilang buwan tapos tatawagan mo ako ngayon?!" bulyaw ko sa kanya.

"I'm sorry okay? Busy lang talaga ako these past few months. I have good news for you." sabi niya sa akin.

"Ano yun? Siguraduhin mo lang talagang good news iyan ah." sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Nasa airport ako ngayon. Sunduin mo ako, dear. Nakarating na ako sa Pilipinas." banggit niya. Napatigil naman ako dahil doon. Is this even real??

"Totoo ba yan? Nandito ka na sa Pilipinas?!" tanong ko sa kanya. At halata sa tono ng pananalita ko ang excitement.

"Oo kaya bilisan mo na. Pagdating mo dito sa airport, may surprise pa ako sayo." sabi niya saka ako binabaan ng linya.

Tignan mo ang isang ito. Ni hindi man lang hinayaan na magpaalam ako sa kanya. Lumabas ako ng kwarto at sakto naman ay lumabas din si Levi.

"You look like you're going somewhere." sabi niya sa akin.

"Oo. Dumating yung kaibigan ko galing ibang bansa. Sabi niya sunduin ko daw siya." pahiwatig ko. Napa-tango naman siya.

"Hatid na kita." pag-aalok niya. "Nako wag na, Levi. Magpahinga ka na lang dito ako na yung susundo sa kanya." sabi ko sa kanya. Nahihiya na kaya ako. Pinatira na nga nila ako lahat-lahat tapos magpapahatid pa ako? May hiya pa rin ako kahit papano.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن