Special Chapter

10.2K 215 14
                                    




"Say daddy." sabi ni Ace habang kinakausap ang aming bunsong anak na si Alein Riel. Alein came from our combined names. Alexander and Lianna.

"Dada." sabi naman ng pitong buwang gulang gulang na anak namin. Mahinang tumawa si Ace. Kamukhang-kamukha niya si Ace. He got his eyes from me, but his aura literally shouts from his father.

It has been almost two years since we're married. I can say that our married life is not easy. But when we're together, we can easily solve any problems.

"Mommy! Mommy! Can I see Alein? He's so handsome like me!" sabi naman ni Cavin Xander, ang panganay namin.

"Of course he's handsome, kiddo. Tatay niyo ako kaya natural lang na pogi ang magiging anak ko." pagmamalaki ni Ace at tumawa. Simula nung ikasal kami, mas ngumingiti na si Ace. Bihira na lang siya magsungit. Although mas cute siya kapag nakakunot ang noo, ayos na rin na nakangiti siya.

"Dada.... paysh paysh..." sabi ni Alein.

"Mommy what is paysh paysh?" nagtatakang tanong ni Cavin. Maski ako, hindi ko rin alam kung ano ang hinihingi ni Alein.

"I don't know sweetie." sagot ko na lamang pero nagulat kami ng pilit tinuturo ni Alein ang french fries ng jollibee na binili namin ni Ace kanina.

"You want this, kiddo?" pang-aasar ni Ace saka nyatinapat sa bibig ni Alein ang fries. Pero ang pikyong si Alein ay kinain agad yun. Si Ace ay walang magawa kundi ang matawa sa ginawa ng anak namin.

"I can see kung kanino ka nagmana sa katakawan, Alein." sabi ni Ace at sumulyap sa akin.

"Bakit sa akin?" inosente kong tanong.

"Sino pa ba ang matakaw dito?" natatawang tanong niya. Sinimangutan ko siya.

"Ah ganun? Porket tumataba na ako dahil sa pagbubuntis ko, pangit na ako? Kung sasabihan mo rin naman pala ako ng pangit kapag nagbuuntis, sana hindi mo na lang ako binuntis diba?" galit kong sambit sa kanya. Nagbago naman ang reaksyon ng mukha niya at agad-agad na lumapit sa akin.

Yeah, right. I'm three months pregnant. Hindi naman ako ganun kataba at hiyang ako sa pagbubuntis ko. Eh maaly ko ba kung napapangitan na sa akin si Ace?

"No, baby. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin." sabi niya.

"Eh ano? Ano ang gusto mong iparating? Natural lang naman na kumain ako ng marami eh. Kug hindi ako kakain, baka maging sakitin ang magiging anak natin! Ganun na ba ako ka-pangit? Maghahanap ka na ba ng iba?"

"Don't say that, baby. Maganda ka pa rin sa paningin ko. Kahit ano man ang mangyari, hinfi mababago nun na mahal pa rin kita. Kahit pumangit ka o ano, mahal pa rin kita. Hindi ganda ang minahal ko sayo, Lianna. At mas minamahal kita dahil sa pag-aalaga mo ng mabuti sa mga anak natin at sa magiging anak natin. You are a great mother and wife for me."

I can't help but to melt with his sweet words. I admit na madalas ng pabago-bago ang mood ko dahil nga sa buntis ako. I'm glad that he is a great father to our children. Sana hindi kami magbago kapag matanda na kami. Sana ganito pa rin kami kasaya.

Hinalikan niya ang noo ko at sabay na kaming kumain ng meryenda.

----------

Third Person's POV

Ilang buwan na ang nakalipas at hindi mapigilan ni Ace ang mag-alalang muli dahil nasa loob ang kanyang asawa, na nanganganak para sa kanilang bunsong anak.

Halo-halo ang nararamdamang emosyon ni Ace. May saya, takot, at kaba. Pero nangingibabaw ang saya dahil sa wakas, mahahagkan na niya ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now