Kabanata 10

6.7K 146 2
                                    



Kabanata 10
First

Lianna's POV

"Ano bang problema mo? Kausap ko pa sila Lovi oh."

"I need you right now. Spare me some time." sabi ni Ace sa akin. With matching pretty eyes pa siya.

"Oh ano ba yung kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

Sumakay naman kami sa elevator ng makarating kami sa hotel. Pinindot niya yung 5th floor. "May sarili ba akong kwarto?" tanong ko sa kanya. "Wala. Hati tayo. Mas magastos kung tig-isa pa tayong dalawa." sabi niya sa akin.

"Bahala ka." yun lang ang sinabi ko. Wala na naman akong magagawa eh. Kapag sinabi ni Ace, kailangan mong sundin.

Malaki yung kwarto namin. Ang ganda. Perfect para sa bakasyon. Nakakatuwa naman ito. Inikot ko ang buong kwarto. Ang elegant niyang tignan.

"Lianna?" tawag pansin sa akin ni Ace. "Yes?" tanong ko. Kumurap siya ng ilang beses bago naman ako sagutin. "W-wala. Gusto mo bang magpahinga muna oh magsu-swimming ka na?"

"Gusto kong mag-swimming." sabi ko saka ko kinuha sa maleta ko yung swim suit na susuotin ko. It's a black two piece na perfect para sa katawan ko. I want to flaunt my body dahil wala namang kahiya-hiya sa katawan ko pero nag-suot muna ako ng shorts at shirt para takpan ang katawan ko. Mamaya na lang kapag maliligo na. Tinali ko ang buhok ko in a messy bun at sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Ayos naman.

Lumabas ako ng banyo at tinignan ako ni Ace bago naman siya ang pumasok sa banyo para mag-palit.

Habang nasa loob siya ay naglagay ako ng lotion at ng sun block para hindi ako umitim. Maya-maya pa ay lumabas siya. Holy mother of cheesecake!

Ang abs mga bes, pak na pak! Binilang ko yun isa-isa pero hindi ako nagpahalata. Mga bes, 8-pack abs lang naman ang meron si Ace. Nasaan ang hustisya doon?!

"Wag mong tignan. Baka biglang maglaho." narinig kong sabi niya saka tumawa ng kaunti. Ghad! Bakit ang gwapo niya diyan? Hinawi niya pa pataas yung buhok niya kaya nagmukhang messy. Why oh why? Bakit ang gwapo niya bigla ngayon? Unti-unti siyang lumapit sa akin habang naka-ngisi. Anong balak gawin ng isang ito? Sheez. Bakit parang may gumagalaw sa tiyan ko? Parang may naglikiparan sa loob. Oh God. Abnormal na ba ako?

"I told you. Don't look." sabi niya using his husky voice. Medyo matagal bago pa ako naka-recover. Pambihira kasi yung abs niya eh. Napasandal na lamang ako sa pader at kinulong naman niya ako sa braso niya.

"H-hindi naman ako tumitingin eh." sabi ko sa kanya. Good. Why am I stuttering?

"Anong tawag sa ginawa mo? Sight-seeing?" tanong niya. Bakit ba ang husky ng boses niya ngayon? Bipolar talaga siya! Nakakinis!

"H-hindi nga... ang kulit mo naman eh." pagpupumilit ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at nilapit ang bibig niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Ang init. Bakit biglang uminit dito?

"Next time, sabihin mo na lang sa akin kung gusto mong titigan, Lianna. I'm willing to show it. Anytime." mahinang bulong niya sa akin. Pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang isang maling galaw ko lang ay baka may mangyari. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Willing siyang ipakita sa akin yung abs niya? Anytime?? Wow--- ano ba iniisip ko?! Wow. I must be crazy.

"Ang kulit mo naman. N-napadaan lang y-yung mata ko." pagdadahilan ko sa kanya. Sana bumenta.

"Is that so?" nilapit niya pa ang mukha niya sa tenga ko at bumulong muli. Ghad. Ang init ng hininga niya. Amoy na amoy ko yung mint.

"O-oo." sabi ko. Bakit ba ayaw niyang umalis? Ang awkward ng position namin.

Halos mahimatay naman ako ng binaba niya ang mukha niya papunta sa leeg ko. Ghad! A-anong gagawin niya? Parang inamoy-amoy niya iyon saka siya nagsalita habang nasa leeg ko pa rin ang mukha niya. "You smell good, Lianna." sabi niya. Sheet of paper. Ang hot talaga ng boses niya.

Inangat niya ang kanyang mukha at tinitigan ako ng mata sa mata. Ngayon ko na lang ulit nakita ng malapitan ang maamo niyang mga mata. Parang hinihila ako nun papalapit sa kanya. Tinanggal niya ang pagkakaharang ng mga braso niya sa magkabilang gilid ko at ang isa ay ginamit niya para hapitin ako papalapit sa kanya. Nagulat ako at walang magawa. Bakit hindi ako makapalag?

Bumaba ang titig niya sa ilong ko. Nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin. Ang nakakagulat pa ay hindi ako umalma. What is happening to me?!

Bumabang muli ang kanyang mga titig sa labi ko. Ako naman ay wala ng nagawa kundi tignan din ang kanya. Ang pupula ng mga labi niya. Kasing pula ng dugo. Lumapit muli ang mukha niya sa akin.

Bakit parang hinihila ako nun papalapit sa kanya? Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang susunod na nangyari. I shouldn't be doing this. This is not me. Pero bakit parang gusto kong mangyari?

Naramdaman ko ang malalambot niyang labi sa akin. A-ang lambot. Ginalaw niya ang labi niya and I did an unexpected thing. I responded to his kisses. It was like a passionate kiss. Halos mga isang minuto niya akong hinahalikan ng bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.

Sht. Bakit ganito ang feeling? Itinagilid ko pa ang ulo ko to give him more access. Ugh! I hate myself. Pero hindi ko siya mapigilan.

"Hmm..." I moaned softly. Mas hinapit niya ang bewang ko at ipinagpatuloy ang paghalik.

This is my first kiss. He's my first freaking kiss! And now he's kissing my neck?! Pero ang sarap ng ginagawa niya. Kumapit ako sa magkabila niyang balikat.

"Enough." sabi niya. Inalis niya ang braso niya na nasa bewang ko. Tinignan niya ako ng diretso at nakita kong seryoso na naman siya.

"I'm sorry. I should've controlled myself." sabi niya.

"I-it's okay." sabi ko sa kanya. Oh come on. Okay?! Ayos lang para sa akin yon?! Waah! I must be crazy.

"Mauna na ako." sabi niya saka ako iniwang mag-isa sa kwarto.

Okay? What the hell?! Pagkatapos ng ginawa niya, iiwan niya akong mag-isa dito? Without even explaining to me why did he do that?

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now