Kabanata 19

6.2K 110 3
                                    



Kabanata 19
Layla

Lianna's POV

"Goodmorning." bati sa akin ni Ace ng makita niya akong gising. Pagkatapos ng kagabi ay natulog ako sa room niya. Halos buong gabi niya ata akong yakap-yakap at paulit-ulit na binubulong sa akin na mahal na mahal niya ako.

Ganito pala kasarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng mahal mo.

"Goodmorning, Ace." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Bumangon siya at tumawag sa telepono. May kinausap siya roon at saglit lang at binaba niya na.

"I ordered breakfast, baby." sabi niya. Gosh. Bakit ba ang husky ng boses niya. Ang messy ng buhok niya at ang sando na suot niya, bakat na bakat ang abs niya. I'm sorry. I just can't get enough of his abs.

Umupo ako sa kama at ganoon din siya. Kinulong niya ako sa braso niya at hinalikan ang ulo ko.

"So this is the feeling of waking up with your love in your arms." sabi ni Ace saka ngumiti ng napakalapad.

"Parang hindi pa tayo nagkatabi sa kama ano?" sarcastic kong tanong. Tumawa siya.

"Iba yun. Hindi naman kita kayakap nun eh. Eh ngayon, sobrang lapit mo sa akin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko, Lianna. You are tempting me." sabi niya at namula ako.

Tumayo ako sa kama at tumawa ng malakas si Ace.

"M-magbabanyo lang ako." sabi ko saka dumiretso sa cr.

Nakakahiyang humarap sa kanya ngayon. Gulo-gulo ang buhok ko at sobrang haggard ko.

Agad naman akong naghilamos at nagsepilyo. Aish! Nakakahiya talaga!

"You look beautiful." bati ni Ace ng makalabas ako ng banyo.

"Naka-drugs ka ba, Ace?" sabi ko sa kanya. Nakangiti siya na parang ewan. Nakaupo siya sa kama halatang hinihintay akong makalabas.

"You are my drugs, Lianna." sabi niya. Gah! Baliw na po siya.

"Nababaliw ka na? Gusto mo bang ipasok na kita sa mental?" di makapaniwalang sambit ko sa kanya.

"Kung ikaw ba naman ang doctor na magpapagaling sa akin, why not?" nakangising sabi niya.

"I can't believe you, Ace..."

"Lika nga dito." sabi niya saka lumapit sa akin at hinila ako pahiga ng kama. Sobrang lapit ng mukha sa akin. Ramdam na ramdam ko ang amoy-mint niyang hininga.

Mint?

"H-hindi ka ba magto-toothbrush?" tanong ko. Mukhang nagulat siya.

"Kaka-sepilyo ko lang, baby..." maakit na sabi niya sa akin.

Oh my God... ang init na naman...

*ding dong*

Saved by the bell! Wooh!

"Fck that room service." mahinang sabi ni Ace saka siya tumayo para pagbuksan ng pinto ang nagdala ng pagkain namin. Kinuha niya ang breakfast namin at bumalik sa kama.

"Kain na tayo." malamig na sabi niya. Bipolar ba si Ace? Ang cute mehehehe.

----------

"Bagay nga kayo ni kuya. Pero sinasabi ko sayo, Lianna ah. Magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo. Baka sa sobrang pagmamahal mo kay Kuya Ace, makalimutan mo ng magtira para sayo."

Ayan na naman si Heather sa kakaasaway sa akin. Kanina pa siya puro ganyan lang ang sinasabi niya. Naririndi na nga kami ni Andy dito sa tabi niya eh. Naging kaibogan ko ba talaga ang isang ito?

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now