Kabanata 20

6.7K 135 3
                                    




Kabanata 20
Answer

Lianna's POV


Tumingin siya sa phone niya at bumalik ang tingin niya sa akin. "I'm sorry, Lianna. I have to go na ha? Marami pa akong kailangang gawin." paalam niya sa akin.

"Oh sure. It was nice meeting you, Layla." sabi ko sa kanya. "Same here, Lianna. See you!" sabi niya ng may malaking ngiti sa kanyang labi saka siya umalis palabas ng pool area.

Halos isang oras din kaming nag-usap ni Layla. Ang saya niyang kasama. Hindi gaanong ka kwela pero mahahawa ka sa mga ngiti at tawa niya. Isang malaking kagaguhan ang ginawang pag-break sa kanya ng boyfriend niya. Tsk tsk.

"Lianna! Sorry natagalan kami ah. Etong si Heather kasi eh." salubong sa akin ni Andy at pumunta sa pwesto ko.

Si Heather naman ay seryoso lamang. What happened to her?

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lamang si Andy. "May kinausap siya sa isang cafe doon. Ni hindi nga ako pinapasok ni Heather eh." sabi niya sa akin.

Sinulyapan ko si Heather at nakita kong nakabusangot ang mukha niya.

"Let's swim guys." sabi ni Heather at dumiretso sa pool. Kami naman ni Andy ay sumunod lamang sa kanya. Siguro wala lang siya sa mood. Maybe we'll just ask her later.

Lumusong kami sa tubig at in-enjoy ang pagkakataon para magsaya.

Ang saya nga dito. Bakit ba kasi hindi ko ito sinubukan noon?

Pero siguro mas masaya kung kasama ko ngayon si Ace. Ano kayang ginagawa nun? Nakaka-miss din pala ang loko.

Pumunta kami sa parang sauna sa loob at nag-relax. Parang nagsilabasan ang lahat ng pawis ko sa katawan. Sinunod namin ang pagpunta sa hot spring. Nakaka-relax talaga.

Parang wala kang problema at kapag pumunta ka sa isang hotspring, wala kang stress na mararamdaman.

"I'll go first, guys." paalam sa amin ni Heather at umahon na sa tubig. Hindi naman namin namalayan ni Andy na wala na pala si Heather sa paningin namin.

Mukhang bad mood talaga ngayon si Heather. Sa mga oras na ganito, hinahayaan lang namin siyang mag-isa at saka lang namin siya kakausapin kapag alam naming maayos na siya.

Laging ganoon lang ang ginagawa namin. Hinahayaan muna namin siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya at saka namin gagawin ang trabaho namin. Ang pagaanin ang loob niya.

"Andy, sa tingin ko dapat mo munang sundan si Heather doon." sabi ko sa kanya.

"Magbabanlaw lang ako saka ko siya pupuntahan." sabi ni Andy at umahon na sa hotspring.

Laging si Andy ang unang mag-aapproach kay Heather dahil hindi ako sanay na magpagaan ng loob ng isang tao. Saka na ako susulpot kapag alam kong maayos na ang pakiramdam ni Heather.

Umahon na rin ako sa hotspring at nagbanlaw. Maya-maya susunod na rin ako sa kanila.


-----------


Gabi na at pinuntahan na ni Andy kanina si Heather.

May tumawag naman sa phone ko at agad ko iyong sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller, pero may hinala na ako kung sino ang tumatawag.

"Hey, babe."

Sabi ng boses na iyon. I knew it. Si Ace nga ito.


"Yes?" tanong ko sa kanya. Agad na sumilay sa mukha ko ang ngiti.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now