Kabanata 14

6.1K 120 1
                                    


Kabanata 14
His Parents

Levi's POV

Namumutla si Lian.

"Tigilan niyo ng dalawa iyan." saway niya sa amin habang nakangiti. Paano niya nagagawang ngumiti sa sitwasyong ito?

"Lian..." tawag ko sa kanya.

"Tara na, Levi..." aya niya sa akin saka namin iniwan si Ace na mag-isa roon. Sinulyapan ko siya.

"Pawis na pawis ka, Lian." sabi ko sa kanya.

"T-tumakbo ako. Napagod kasi ako sa kakahanap sa iyo." sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Alam mong lumabas ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko agad nalaman. Nalaman ko lang nung nauhaw ako tapos uminom ng tubig. Hinanap kita pero hindi kita nakita." paliwanag niya.

"Narinig mo ang lahat ng pinag-usapan namin kanina?" tanong ko sa kanya. "No. Kakarating ko lang at kung ano yung sinabi ko kanina, yun lang ang narinig ko." paliwanag niya sa akin.

"Take me out of here, Levi." sabi niya bigla at napahinto kami.

"Hindi ko na kayang nakikita si Ace. Lalo akong nasasaktan. Hindi mo ba narinig kanina? Sabi niya isa akong malaking pabigat. Tao rin ako, Levi. Nasasaktan." sabi niya. Hindi na siya umiiyak ngayon.

"Iuwi mo na ako, Levi. Not in Ace's house. Wala sila mom and dad sa bahay nila dahil may kailangan silang asikasuhin sa ibang bansa." pakiusap niya sa akin.

Nang makarating kami sa mansion ko, pumunta ako sa kwarto at ginising si Lovi. Pinaalam ko sa kaniya na iuuwi ko na si Lian. Baka sa bahay muna namin siya tutuloy para maasikaso siyang mabuti.

"Ayos na ba ang lahat ng gamit?" tanong ko sa kanila. Pinakuha ko na kanina sa mga empleyado ko ang gamit ni Lian sa kwarto nila ni Ace.

"Yep." sabi ni Lovi. Lumabas na kami ng resort at sumakay na sila sa kotse ko. Bago iyon ay nagpaalam na muna si Lovi sa tropa na aalis na kami. Hindi na sila nagtanong kung bakit.

Tulog lang si Lian buong biyahe at ginising lang siya ni Lovi ng makarating kami sa bahay.

"Señorito, nakahanda na ang kwarto na pinahahanda ninyo." bati sa amin ni Manang Carol ng makarating kami sa mansyon.

"Salamat ho." sabi ko sa kanya saka kami pumasok.

"Levi, iho. Buti at dumating na kayo. Sino ang kasama ninyo?" tanong ni mom ng makarating kami.

"Si Lian po. Bestfriend ko." sabi ko kay mom.

"Mukhang pagod na pagod kayong lahat. Gusto niyo ba muna ng makakain?" alok sa amin ni mom.

"Ikaw Lian? Gusto mo ba munang kumain?"

"Ayos lang ba? M-medyo nagugutom na rin ako. Hindi tayo kumain ng---"

"Kakain kami, mom! Gutom na gutom na ako mula kanina pa." singit ni Lovi.

"Hahahahaha! Tamang-tama, kapapahanda ko lang ng pagkain. Kumain na kayo." sabi ni kom sa amin. Pero bago kami makapunta sa dining area, pinigilan kami ni mom.

"Pwede ko bang kausapin si Lian?" tanong niya. Tumingin naman ako kay Lian na gulat na gulat.

"Mom. Mamaya mo na--"

"It's okay, Levi." saway sa akin ni Lian. Napabuntong hininga ako saka kami dumiretso ni Lovi sa dining area. Kung ano-ano na naman ang tatanungin niya kay Lian.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now