Kabanata 23

7K 152 3
                                    




Kabanata 23
Allegro

Ace's POV

Agad akong dumiretso papunta sa Cebu gamit ang chopper ko. Shit. Bakit nawawala si Lianna?! In just minutes, nakarating kami sa Cebu at nagmamadali akong pumunta sa lugar na sinabi ni Heather kung nasaan sila. Umiiyak sila ng kaibigan niyang si Andy.

"What happened?!" nag-aalalang tanong ko. No, this is not happening.

May binigay sa akin si Heather na bagay. Yung tali na binigay ko sa kanya pati na rin ang singsing.

"Someone saw her near the sea pero hindi daw niya ito pinigilan dahil akala niya lalangoy lang daw si Lianna. Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. For Pete's sake! It's already 4 in the morning! Hindi siya tatagal ng ganun sa dagat! Una sa lahat, malamig ang tubig at baka.... baka..." hindi na natapos ni Heather ang sinasabi niya at tuluyan siyang napahagulhol.

May lumapit naman sa aming rescue team.

"I'm sorry, pero wala talaga kaming makitang trace ng taong sinasabi ninyo. Lahat ng magagaling na divers namin, pinasunod na namin doon para hanapin siya. Sinama na rin namin sa paghahanap ang kabilang isla, pero wala. Walang katawan." sabi niya. Kinuwelyohan ko siya.

"Hindi pa patay si Lianna! You fucker! Hanapin ninyo siya! Babayaran ko kayo kahit magkano, hanapi niyo lang si Lianna!" sigaw ko. Ng umalis siya, napaluhod ako. Lianna won't leave me alone. She won't do this to me.

----------

Malapit na muling mag-gabi. Nandito pa rin ako sa Cebu. Sila Heather at Andy ay pinagpahinga ko muna dahil kanina pa rin sila dito. Pinaalam ko na rin sa magulang ni Lianna ang nangyari. As expected, sobta silang nag-aalala pero hindi pa sila pwedeng umuwi dahil may aasikasuhin sila. Pero sabi nila, gagawin nila ang lahat para makauwi as soon as possible.

Tumingala ako sa kalangitan. Nothing can explain the sorrowness that I'm feeling right now. Pero tila nabuhayan naman ako ng may biglang nagsalita sa aking tabi.

"Sir! May natanggap ho kaming balita na may babaeng napadpad sa Isla Allegro. Medyo may kalayuan ho iyon dito. Gusto sana naming ipaalam na pupunta kami roon ngayon para tignan." sabi niya sa akin.

"Sasama ako! Tara na!" sabi ko at dumakay na kaming lahat sa bangka papunta sa Isla Allegro. Wait for me, Lianna. I'll come to you no matter what. I'll chase you now. And when I do, I won't let you go anymore, baby.

----------

Lianna's POV

I'm breathing. I can feel it. Am I alive? Did I survive? Nahihirapan man, sinubukan ko pa ring imulat ang mga mata ko. May narinig naman akong mga taong nag-uusap sa tabi ko.

"Gising na ba siya?"

"Pagka-gandang bata naman niya."

"Saan mo ba siya nakita, Alas?"

"Sa may dalampasigan ho. Ang taas nga ng lagnta niya kanina, buti naagapan. Grabe din ang putla ng mukha niya kanina. Akala ko nga patay na siya eh."

"Buti nasagip pa ang batang iyan."

"Ang ganda ng kutis. Baka taga-ibang bansa siya?

"Mukhang may lahi pa nga eh. Pero hindi maipagkakaila na Pilipina pa rin ang dating niya."

"Sana naman ay magising na siya."

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon