Kabanata 24

6.9K 132 1
                                    



Kabanata 24
Advice

Ace's POV

Ganoon na lang ba iyon? Halos mamatay ako sa pag-aalala sa kanya tapos makikita ko siyang may kayakapang iba? Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Bakit ko ba ito nararamdaman?

"Ace, mali ang nakita mo. I-it means---"

"It means what, Lianna? Na kaya ka nawala dahil kinatagpo mo ang lalaki mo? Na kaya pala ganoon ka na lang kadaling bumitaw dahil may iba ka na? Dahil lumalandi ka na sa iba? Tell me! Hindi ba ako sapat, Lianna? Kailangan mo pa bang maghanap ng iba? Sabihin mo sa akin, hanggang saan na ang narating ng paglalandian niyo? Naangkin ka na ba niya? Masarap ba? Habang ako, halos mamatay na sa pag-aalala sayo, nakikipaglandian ka lang naman pala sa iba?! Sana hindi mo na lang ako pinag----"

Hindi na niya ako pinatapos magsalita at may nanuntok sa akin. Who the fuck is this man?!

"Anong karapatan mong sabihin iyan?" galit na tanong nito sakin. Tumayo ako at hinarap ang lalaking ito.

"Ikaw? Ano ang karapatan mo para gawin sa akin iyon?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Dahil nambabastos ka na! Hindi mo ba alam kung ano ang hirap ni Lianna ng makita ko siya sa dalampasigan?" sigaw niya. At ako pa talaga ang nambabastos?!

"I'm just stating the fact. Malay ko ba kung ano na ang nangyari nung nandito siya? Ginapang mo na ba ang girlfriend ko?" hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kanya. Nakita ko naman ang sakit sa mata ni Lianna. Pero mas nagulat ako nung sinampal niya ako.

"Alam mo ba ang pakiramdam ng sabihan ka ng mahal mo na malandi? Ganun ba ang tingin mo sa akin? G-ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin? Isang m-malandi? Kung malandi ako at pinagpalit kita, sana hindi mo na ako nakikita ngayon." sabi niya. Napatulala lang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na sobrang putla ng labi niya. Sobrang lalim ng mata niya. I-is she sick? What's happening to her?

"Alam mo ba na ikaw ang bukambibig sa akin ni Lianna magmula ng magising siya dito sa isla? Ang lungkot niya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para magkaayos kayo. Sinisisi niya pa ang sarili niya dahil hindi ka daw muna niya pinakinggan bago siya nagalit. Buong araw na nandito siya, ikaw lang ang nasa isip niya. Hindi mo ba alam na alas-tres ng madaling araw, nakita ko siya sa dalampasigan. Putlang-putla at nanginginig sa sobrang lamig. Akala ko mamamatay siya dahil sobrang taas ng lagnat niya. Nung dinala ko siya sa bahay, pinaalagaan ko kaagad siya kina manang. Doon ko lang napansin na ang dami niyang pasa sa katawan. May mga sugat din ang binti niya. Paggising niya nung umaga, ni hindi niya magawang maidilat ng maaayos ang mga mata niya sa sobrang sakit ng katawan niya, tapos pagdududahan mo lang? Anong klaseng tao ka? Wala ka bang puso para sabihan siyang malandi? Baka nakakalimutan mo, kaya siya napunta dito, dahil sayo! Kung hindi mo sana siya binalewala at mas inuna mo pa ang mararamdaman ng ex mo kaysa sa kanya, hindi sana niya ito mararanasan! Hindi siya masasktan. Now tell me, are you still worth it for her love?"

Napatigil ako at napadako ang tingin ko sa katawan ni Lianna. Sa loob ng isang araw, nakita ko na bigla siyang pumayat. Ang dami niya ngang pasa sa braso. Puro sugat din ang binti niya. Ni hindi siya makatayo ng maayos. Ako nga ba talaga ang may gawa nito?

"Ayoko na." nagulat ako ng magsalita si Lianna. Napatingin sa kanya yung lalaki.

"Dapat pala hindi na lang ako nabuhay. Sobrang sakit na eh. H-hindi ko na talaga kaya." umiiyak na sabi niya. Napakurap ako ng makita kong nawlaan siya ng balanse at nasalo siya nung lalaki.

"Alas, ayos lang ako. Kaya kong tumayo mag-isa." Alas? Iyon ba ang pangalan niya?

"Mataas ang lagnat mo, Lianna. Hindi mo kaya." sabi nung Alas.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now