Kabanata 11

6.8K 132 1
                                    



Kabanata 11
Kaya pang pigilan

Ace's POV

Jesus! Why did I do that? Ugh! Hindi ko na-control ang sarili ko kanina. Bakit ba kasi ang hot niya kanina?!

Ugh!

"Ace, buddy. Anong nangyari sayo? Pawis na pawis ka. Namumula pa yang tenga mo." tanong sa akin ni Ali ng makapasok ako sa cottage. Sobrang laki ng cottage na ito at pati ang mga babaeng na kasama ng kambal ni Levi ay pinalipat na dito.

"W-wala." nauutal kong sagot saka umupo sa tabi niya.

"It doesn't look like nothing to me, Ace." makahulugan na sabi niya.

"Wala nga." sabi ko sa kanya.

"Hey. Where's Lian?" sumulpot si Levi saka siya nagtanong.

"Nasa kwarto pa namin." yun lang ang tanging sagot ko. Napasulyap naman ako kay Ali. Shit. I know what he's thinking. Umalis si Levi at naiwan kaming dalawa.

"So nothing happened? It looks like you got a home run." naka-ngisi niyang sabi.

"It's not like that." pabanta na sabi ko sa kanya. "So anong ginawa niyo at pawis na pawis ka? Ano kayo? Nag jak-en-poy? Ha! Lokohin mo na ang lahat pagdating sa bagay na ito, Ace. Wag lang ako. Alam ko na ang lahat na iyan." sabi niya sa akin. Palibhasa kasi ang landi. Ang dami-daming babae palagi.

"Wala ngang nagyari sa amin." pagpupumilit ko sa kanya. "Sige sabihin na nga nating ganoon. Oh eh ano ang ginawa niyo at pawis na pawis ka?" tanong niya sa akin.

"I-i k-kissed her." sabi ko sa kanya. "You what?!" pasigaw na tanong niya pero hininaan niya lang ang pagsigaw.

"I kissed her." sabi kong muli.

"Looks like what happened is not just a kiss, Ace. Kung wala mang nangyari, nag make out kayo panigurado." sabi niya sa akin at nanlaki ang mata ko. Wala akong nasagot.

"I kissed her lips. Then her neck. Pero natauhan ako at umalis. Baka kung ano pa ang nangyari." pag-aamin ko sa kanya.

"Sabi na nga ba eh." sabi niya sa akin. "So you like her?" tanong niya ulit. "What?! Of course not." mabilis kong sabi.

"You don't like her but you kissed her? What nonsense is that? Then tell me why did you kiss her."

"Hindi ko alam." sabi ko. Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya hinalikan kanina.

"Ay abnormal ka pre." sabi niya sa akin saka umiling-iling.

"Sa tingin ko oo." sagot ko sa kanya.

"Kung ano man yan, kung kaya pang pigilan, pigilan mo. Sigurado akong gulo kapag nagkataon, Ace. Alam mo yan."

Alam ko. Kaya nga pinipigilan ko kung ano man ang pwedeng kong maramdaman.

Lianna's POV

"Hey Lianna." nagulat ako ng may tumawag sa aking pangalan. Si Luan lang pala.

"Luan." tawag ko sa kanya.

"Pwedeng tumabi sayo?" tanong niya sa akin. Nandito kasi ako sa may isang malaking bato malapit sa dagat. "Oo naman. Para may makasama ako." sabi ko sa kanya.

"Magkapatid pala sila. Kambal pa." bigla niyang sabi. Sina Lovi at Levi ba ang tinutukoy niya?

"Sino yung tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Sa ating dalawa lang ito ah." sabi niya sa akin. "Sige." sabi ko naman.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin