Kabanata 18

7.1K 136 3
                                    



Kabanata 18
Mahal

Lianna's POV

"So ganun? Ganyan ka, Lianna eh. May jowa ka lang hindi ka na sasama sa amin?" nagtatampong sabi ni Andy.

"Where the hell is Kuya Ace?! I'll kill him! Bonding nating tatlo ito eh! Bakit ngayon siya sisingit??" nanlulumo si Heather.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kanina. Para silang kinilig na ewan. Kesyo daw Papa Ace yan sabi ni Andy. Si Heather naman sabi niya panira daw si Ace.

"I didn't know na kaibigan mo pala si Lianna, Heat." biglang sulpot ni Ace at kinausap si Heather.

"Stop calling me Heat, Kuya Ace. I'm not a kid anymore. Bahala kayong dalawa! Basta make sure to return her ha? Kailangan buo pa si Lianna!" banta ni Heather kay Ace.

"Tara na, Heather! Diba gorabells sa tayo? Oh ano pang ginagawa niyong dalawa dito? Shupe na!" sabi ni Andy saka niya kami tinulak palayo ni Ace.

Hapon na rin at kumonti ang mga tao sa beach. Siguro mga pagod na. Pinagpalit ako ng damit ni Ace. Ngayon ay naka t-shirt at shorts na naman ako. Si Ace ay naka black sando at beach shorts. Bakat na bakat ang kanyang mga muscles kaya naman panay pa rin ang mga tingin ng babae sa kaniya. Eh kung dukutin ko kaya ang hiyas nila ng matauhan sila?!

"Saan tayo pupunta, Ace?" tanong ko sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at inintertwine ang kamay naming parehas. Ang init ng kamay niya.

"Ang gulo ng buhok mo." sabi niya. Medyo mahangin kasi dito sa beach kaya naman nililipad ang buhok ko. Wala naman kasi akong panali eh.

May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita iyon sa akin.

"I saw this earlier near the rocks. Hindi ko alam kung sino ang may-ari kaya kinuha ko na." sabi niya at nakita ko naman ang isang panali na may nakalagay na 'A•L'.

Para itong nakaburda sa panali. Ang cute tignan. Ace and Lianna.

Pumunta siya sa likod ko at inangat ang buhok ko para itali iyon. Nagulat ako sa ginawa niya. Para namang tinatambol ang puso ko dahil sa kanya.

"There. I can see your beauty much more than earlier." sabi niya at hinila ako papunta sa kanya. Tinignan niya ako mata sa mata.

"Wala akong alam sa ganitong mga bagay, Lianna. Hindi ko ugali ang magpaka-sweet sa kahit na sino. Pero handa ko iyong gawin para sayo. Handa akong magpaka-corny para lang makuha ko ang matamis mong 'oo'." sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"I'll wait for that moment to come." sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Dinala niya ako sa parang tahimik na lugar dito sa beach. Walang mga tao at napaka-presko lalo ng hangin. Wala kang ivang maririnig kundi ang tunog ng kalikasan. I never thought that Philippines is such a beautiful country.

"Wala pa akong gaanong alam tungkol sayo, Lianna. Ang alam ko lang ay inisin ka. Why don't we start this getting to know each other stage?" alok niya. Mukhang maganda nga. Mas maganda na makilala pa namin ng lubos ang isa't isa.

"Sure." sabi ko na lamang. Nilagay niya ang braso niya sa balikat ko at nilapit ang ulo ko sa dibdib niya.

"I'll ask you a question then you'll answer it. Honestly. Then vice versa." sabi niya. Tumango naman ako. "I'll start." sabi niya.

"Bakit sa California ka lumaki?"

"Dahil nandoon ang business ni dad. It's not like I don't like it here but mas comfortable ako sa California. I used to have great memories there." saad ko.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now