Kabanata 12

6.5K 144 1
                                    



Kabanata 12
Disgusting

Lianna's POV

"Balik na tayo doon. Malapit ng mag lunch time." yaya sa akin ni Luan pabalik sa cottage. Pumayag naman ako saka kami bumaba sa bato at dumiretao na sa cottage. Naabutan naman namin ang iba na nag-aayos na ng kakainin. Boodle fight. Gusto ko itong subukan noon pa pero hindi ko magawa dahil masyado akong busy.

"Oh? Buti naman dumating na kayo. Tamang-tama at kakain na. Pumunta na kayong dalawa dito." sabi sa amin ni Kuya Dale. Sinunod namin siya at dumiretso naman ako kung saan nakapwesto sina Lovi at ang iba. Napadaan ang tingin ko kay Ace at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Agad ko namang iniwas ang paningin ko at tinuon ang pansin sa iba. Ang awkward. Paano na kaya mamaya? Aish. Ano bang gulo ang pinasok ko?

"Hey, Lian. Tabi tayo." sabi ni Levi at tumabi sa kanan ko. Nasa kaliwa ko naman si Lovi. Napapaggitnaan ako ng kambal. Hayyyts.

"Kumain ka nito." sabi ni Levi saka niya inilapag sa kainan ko yung sugpo. Sa dahon kami ng saging kumakain ngayon at nagka-kamay kami. Although hindi pa ako gaanong marunong.

"Hindi ako marunong magbalat ng sugpo." sabi ko sa kanya. Kahit nga hipon hindi ako marunong eh. Ayoko talaga ng mga pagkaing binabalatan.

"Nako ang bestfriend ko. Oo na ipagbabalat na kita kamahalan. May bayad ito ah." sabi niya sa akin. "Ngek! Sapak gusto mo?" pananakot ko sa kaniya. "Sabi ko nga joke lang eh. Kiss mo na lang ako." sabi niya sa akin saka niya nginuso yung labi niya. "Eh kung ikiskis ko kaya yang mukha mo sa bato?" pananakot kong muli sa kanya.

"Joke lang! Grabe ka naman sakin.." nagtatampo kunwring sabi niya. " Ajujuju nagtatampo ang Baby Levi..." sabi ko saka ko kinurot ang pisngi niya.

"Bakit mo kinurot pisngi ko? Eh pinangkakain mo yan eh! Tapos tinawag mo pa akong baby Levi? Mas matanda ako sayo!" reklamo niya.

"Ang arte mo ah." komento ko.

"Nyahahaha sorry na." sabi ni Levi saka ako inakbayan. "Ito na po yung sugpo mo, kamahalan. Subuan na rin kita. Nakakaawa kang tignan hindi ka marunong magkamay." sabi niya saka kumuha ng kanin at ulam saka ito isusubo sa akin.

"Ano iyan?" tanong ko saka turo sa kamay niya. "Ano sa tingin mo? Malamang kamay ko at may hawak na pagkain. Anong tingin mo? Kamay ni Hulk?" sarcastic niyang sabi. Buset naman to. Akalain niyong naging kaibigan ko ang isang ito?

"Kainin mo na lang kasi. Nagrereklamo ka pa." sabi niya saka naman sinubo sa akin yung pagkain. Ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!

"Ano yun? Ang sarap." sabi ko sa kanya.

"Hahahaha! Kanin lang yun saka talong tapos may sugpo. Alam mo ba kung bakit naging masarap?" tanong niya.

"Dahil kinuskos ko muna yung kamay ko sa buhanginan." buling niya sa akin at natulak ko siya dahil doon. Hindi naman ganoon kalakas.

"Langya ka, Levi! Kadiri ka! Ang dugyot mo! Pinakain mo sa akin yan? Tutuhugin talaga kita!" pagbabanta ko sa kanya. "HAHAHAHA! Easy ka lang, Lian. Binibiro lang kita. Ikaw naman." sabi niya saka pinisil ang pisngi ko.

"Ahm guys? May tao pa rito." tawag pansin sa amin ni Kuya Dale. Kami naman ni Levi ay napatingin sa lahat. Lahat sila ay nakatitig sa amin. Okay? What's going on?

"Anong nangyayari?" tanong ni Levi.

"What? Hello? Nagkukulitan lang naman kayong dalawa diyan. May tao pa po rito ah. Mamaya na yan. And kuya, would you please stop flirting with Lianna? You're kinda creepy." sabi ni Lovi sa amin.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora