Kabanata 25

8.9K 157 1
                                    




Kabanata 25
Ring

Ace's POV

"Alas, salamat. Hihintayin ko lang magising si Lianna at babalik na kami sa kabilang isla." sabi ko.

Matagal din ang naging usapan namin ni Alas. Humingi siya ng paumanhin dahil masuntok niya ako kanina. Sa akin naman, ayos lang. Mukhang nagising din ako sa suntok niya kanina.

"Walang anuman, pero wag mo sanang kalimutan na bumalik dito sa isla. Magiging masaya muli ang mga bata dito kung makikita nilang muli si Lianna." sabi niya.

"Babalik kami dito." paninigurado ko sa kanya. Pumasok na kami sa bahay nila at nauna akong pumunta sa kwarto. Nagulat nan ako ng makita ko si Lianna na gising na. Nakasandal siya sa headboard ng kama at nakatingin sa may bintana.

"Iwan ko muna kyong dalawa dito." sabi ni Alas saka lumabas at sinara ang pinto ng kwarto.

"Baby..." sabi ko saka ko siya nilapitan at hinawakan ko ang kamay niya. Nakatingin lang siya rito at hindi ako pinansin. She's cold. I can't take this.

"Baby, talk to me please..." pagsusumamo ko sa kanya. Tinignan niya ng walang emosyon ang mga mata ko.

"Sa pagkakatanda ko hindi ganyan ang tawag mo sa akin kanina. Para ngang malandi ang tinawag mo sa akin eh." wala akong mahanap na emosyon sa boses niya.

"Baby, I'm so sorry. Nadala ako ng selos kanina. You don't know how jealous I am when I saw you hugging another man." sabi ko at pinipilit ko siyang tignan niya ako ng mata sa mata. Pero iniwas niyang muli ang tingin niya.

"Then do you even know how jealous I am when I saw you hugging a different woman that day? I turned my back, you know? It didn't even reached ten steps but I still turned my back but all I saw just made me feel like I'm the worst. Nung sinabihan mo akong malandi, parang gumuho na ang mundo ko. To think na ang mahal ko pa ang nagsabi sa akin nun? Hindi ko kaya eh. Pinagdudahan mo ako." humihikbi niyang tugon.

"I'm sorry, Lianna. Let me make it up to you. Oo gago ako. Oo nasaktan kita ng sobra-sobra. Pero give me one last chance. I will never let it ho to waste, baby." sabi ko. Unti-unti namang namumuo ang luha ko. Fuck, I know this is gay. But I just can't stop my freaking tears!

"I don't know..." mahina niyang sabi pero sobrang lakas nun sa pandinig ko.

"Baby... give me one last chance. Yun na lang at kung hindi man mabago ang isip mo, hindi pa rin ako titigil hangga't hindi ka nagiging akin. Hindi ko kakayanin kung mapupunta ka sa iba, Lianna. I might die. Nung makita ko nga lang kayo bi Alas kanina, halos mawalan na ako ng kaluluwa eh. Paano pa kaya kung makita ko na may mahal ka ng iba? Baka ikamatay ko na." sabi ko habang lumuluhod. Napansi ko na napadaing siya sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso niya.

"If I could just take away the pain I'm causing to you right now. Handa akong saluhin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, huwag ko lang makitang nasasaktan ka. Doble ang nararamdaman kong sakit sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka." sabi ko. Tumulo ang luha mula sa mga mata niya at agad ko iyong pinahid gamit ang mga kamay ko.

"Don't cry, baby. It's hurting me to see you crying." sabi ko at niyakap siya. Mas lumakas ang narinig kong hikbi mula sa kanya.

"I don't wanna cry. B-but it keeps on hurting me, Ace. I can't help but to c-cry." nahihirapang sabi niya.

"Just give me one last chance, Lianna. And I promise I'll do my best. I promise not to make you cry anymore. This time, I really mean it." sabi ko.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Where stories live. Discover now