Kabanata 6

10.5K 180 5
                                    



Kabatana 06
Keep you safe

Ace's POV

"Lianna! Wake up!" sigaw ko nang makita ko si Lianna na namumutla at pawis na pawis habang tulog. Ganoon din ang ginagawa ni Dale pero ayaw magising ni Lianna.

"Anong nangyari, Dale?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"She slept. Then an hour after she started sweating like crazy. Ginigising ko siya pero patuloy lang siya sa pag-iyak." sabi ni Dale na halatang nag-aalala rin.

"Lianna! You have to wake up!" sigaw ko sa kanya saka ko inalog ang balikat niya.

"N-no... please..." bulong niya. Binabangungot na nga talaga siya. What the fuck is she dreaming about to be scared like this?

"Wake up Lianna! Fvck!" sigaw din ni Dale. He, too, is sweating like crazy. Halatang nag-aalala siya nang sobra kay Lianna. Ilang segundo ang nakalipas at tumigil si Lianna sa pag-iyak.

"Lianna...." sabi ko habang inaalog ang kanyang balikat. Maya-maya pa ay bumukas ang kanyang mga mata.

"Lianna, you're awake." sabi ni Dale. And nagsimula ulit siyang umiyak. Nagulat ako ng bumangon siya at yakapin ako nang sobrang higpit. Nanginginig ang mga kamay niya at halatang takot na takot. Agad ko rin siyang niyakap at pinakalma.

"A-akala ko totoo..." sabi niya habang umiiyak.

"Ang alin?" tanong ko.

"S-si Tito Antonio... pumunta daw siya dito t-tapos p-papatayin niya ako." natatakot na sabi niya.

"Antonio? Tito? Yan ba yung nakwento mo sa akin na nakidnap ka noon? Siya ba yung kumuha sayo?" walang tigil na tanong ni Dale at napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. What the hell? Sinong nakidnap?

"O-oo... nanaginip ako na bumalik siya... hindi pwede yon. Nakakulong siya... natakot ako. Akala ko totoo." sabi niya na umiiyak pa rin. Niyakap ko siya ulit. Damn, I didn't know anything about her at all! How could I be so useless?

"Tama na, Lianna... hindi yon totoo." sabi ko, hoping that it will lessen the fear that consumes her.

"Pero paano nga kung balikan niya ako? Hindi na niya ako pakakawalan. Paniguradong papatayin na niya ako." sabi niya na para bang sigurado na siya sa mangyayari. Oh, that will never happen, Lianna. I will keep you safe. Always.

"Sino nagsabing hahayaan ko yang mangyari?" tanong ko sa kanya at napahiwalay siya sa akin.

"H-ha?" naguguluhang tanong niya.

"Bago ka pa niya makuha, dadaan muna siya sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sayo, Lianna. Subukan niya lang at matitikman niya ang kamatayan." sabi ko ng buo ang loob. Hindi ako nagbibiro. No one messes with anyone who's related to me. No one.

Kung sino man ang lalaking yon, wag siyang magpapakita sa akin. Dahil kapag nagkataon, hindi ko siya sasantohin at mapapatay ko siya mismo sa oras na ito. How dare he make Lianna feel so scared?

"Nandito rin kaming lahat, Lianna. See? Kay Ace pa lang ay panigurado ng tumba ang Antonio na yon. Pero para sigurado, nandoon kaming lahat. Kaming lahat, poprotekta sayo. Wala ka mang kuya pero nandito kami. Kami ang poprotekta sayo sa oras na saktan ka ni Antonio. Kami ang magtatanggol sayo kapag inaway ka ng kung sino. Kahit saan o kahit kailan. Kami ang magsasabi na pangit ka pero mahal ka pa rin namin. Kami ang gaganti para sayo kapag may nang-api sayo. Kami rin ang mapagsusumbungan mo sa oras na sa saktan ka ng taong mahal mo. Kami ang gagawa ng lahat ng bagay na yon na hindi magagawa ng kuya mo." sabi ni Dale na nagpaiyak muli kay Lianna. Pero ngayon, nakangiti na siya. Tinignan ko si Dale. Nakangiti din siya kay Lianna. Mukhang maraming nangyari nung wala ako.

Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon