Broken Devotion

223 10 1
                                    


In The name of the Father, the Son and the Holy Spirit... Oh My God Amen.

Lord, bakit siya pa? Sana iba na lang. Bakit siya pa ang tinawag niyo?

Anghel ba siya o baka naman perpektong wangis ni Lord? Hindi ko maalis ang titig ko sa lalaking nasa altar, katabi ng pari. Bakit ang pula ng labi niya, ang kinis ng balat niya, at bakit ang guwapo niya? Minsan lang naman ako makakita ng ganito, 'yong bawal pang hatakin.

Lord, parang awa mo na sa akin na lang siya. Lord, baka naman mapag-usapan natin 'to.

"Hoy, kakain ka ba ng ostiya?" Natigil na lang ako sa mga pantasya ko nang sitahin ako ni mama. Sa hindi ko mapigilang tumitig sa nilalang na 'yon.

Pinili kong magpahuli para makapila sa lane kung saan siya ang nag nagsusubo ng ostiya.

"Miss, okay ka lang?" Ang lalim ng boses niya. gusto kong sumigaw na, 'Sige po isubo mo sa'kin yan, Isubo mo 'yang ostiya.'

Lord kunin niyo na po ako. Okay na 'ko dumampi na ang daliri niya sa labi ko. Kung pwede lang umulit humingi ng ostiya gagawin ko, basta isubo niya lang ulit sa'kin.

"Hoy Aira, umalis ka na diyan sa gitna nakakahiya ka!" Napansin ko rin na ako na lang nga ang nasa gitna ng simbahan at tinatawanan na 'ko ng mga tao.

Tandaan mo sisirain ko 'yang debosyon mo maging akin ka lang. Sayang 'yang lahi mo kung walang makikinabang. Sana maintindihan ako ni Lord.

A/N

This story contains a lot of errors kaya pagpasensyahan niyo na. Heheheheh

Broken DevotionWhere stories live. Discover now