Chapter 19

13 1 0
                                    

Aira's POV

"Matulog ka na. Bakit hindi ka ba makatulog?" Dito siya sa kwarto ko natulog pero katulad ng iba siya sa baba at ako sa kama.

"Hindi ko lang maisip na hindi ko man lang nayakap ang nanay ko sa huling pagkakataon." Naramdaman ko ang lungkot niya sa mga oras na 'to. Sino nga ba ang hindi malulungkot na mawalan ka ng isang mahal sa buhay? Kahit na hindi niya nakasama nang matagal ang nanay niya, nanay niya pa rin 'yon.

"Mahal ka no'n ano ka ba? Naiintindihan niya kung bakit hindi mo siya agad napuntahan. Sigurado akong panatag siya ngayon sa kung nasaan man siya dahil alam niya kung paano ka naging matatag kahit wala sila." Ngumiti siya nang bahagya na nagpalabas nanaman ng ka-cute-an niya.

"Sana nga ganoon ang nararamdaman niya. Eh, ako, mahal mo ba ako, Aira?" Bigla akong napalunok ng laway sa sinabi niya na para bang kinagimbal ng sistema ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot hindi ako makatingin sa kanya parang lahat ng parte ng katawan ko tumitibok dahil sa kaba.

"Ano bang mga tanong 'yan? Matulog ka na nga alam kong pagod lang 'yan tiyaka tigilan mo ako baka mamaya may mangyari sa'tin dito sige ka parehas pa tayong mapapatay ni mama," natatawa kong biro. Pinipilit kong basagin ang katahimikan dahil hindi ako handa sa mga ganitong sitwasyon masyado akong marupok baka bigla akong bumigay.

"So, hindi mo nga ako mahal?" Naka-pout niyang pangungulit. Iniintindi ko na lang baka kasi napi-pressure lang 'to ng mga sakit na nararamdaman niya.

"Sa totoo lang hindi kita mahal sa kahit na anong aspeto, pero nagtitiwala ako sa'yo. Siguro 'di, ba ang tao hindi naman agad mamahalin ang taong kailan niya lang nakilala?" Sumeryoso ang mukha niya at yumuko. Umupo siya sa tabi ko rito sa kama habang kinakamot ang batok niya.

"Naiintindihan ko. Kaya siguro lagi akong nasasaktan ang bilis ko kasing magmahal. Maramdaman ko lang na komportable ako sa tao,minamahal ko na kasi nagiging parte siya ng buhay ko kahit alam kong darating ang raw na iiwan din nila ako. Parang ikaw mahal na agad kita..." Napatagil at napahinto siya nang hinampas ko ang braso niya dahil sobra na akong naiilang sa mga sinasabi niya. Masyadong mabilis ang pangyayari parang nagagasgas na ang matres ko at umiimpis ang suso ko sa kabang nararamdaman ko. Ang pagkakaalam ko tulay lang ako tungo sa maganda niyang buhay.

"Baliw! Kung ano man 'yang nararamdaman mo, mali 'yan! M.A.L.I mali 'yan kaya itulog mo na lang 'yan. Pagod ka lang, okay?" mariin kong saad na naging sanhi para makita ko ang pagpatak ng luha niya habang nakayuko siya.

"Aira, mali bang magmahal? Pakiramdam ko kasi buong buhay ko 'yon ang solusyon para maging masaya. Mahal kita bilang isang totoong kaibigan pero bakit pakiramdam ko lahat ng taong mahalaga para sa'kin nahihirapang sabihing mahalaga rin ako." Biglang nawala ang antok at pagod ko sa sinabi niya. Napaisip ako bigla at nakonsensya. Masama nga bang magmahal? Tiningnan ko siya pero walang lumalabas na salita mula sa akin kaya hinimas ko ang likod niya trying to ease his pain. Masyado akong nag-assume. Hindi ko naman alam na 'yon pala ang ibig niyang sabihin.

"Salamat sa pagpapa-realize ng mga bagay. Talunan nga talaga ako dahil lagi akong mali sa mga desisyon ko. Akala ko kasi madali lang ang sumaya, akala ko kasi nandiyan lang 'yan kapag kailangan mo. Mali pala ako kaya pasensya ka na." Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya from behind. Nakayakap ako sa bewang niya habang nakahiga ang ulo ko sa balikat niya. Hindi muna ako nagsalita at hinayaan ko munang maramdaman niyang may karamay siya.

"Huwag ka nang umiyak nalulungkot din tuloy ako. Tama ka naman, walang mali sa pagmamahal, mali lang tayo ng taong pag-aalayan. Thank you for loving me and considering me as your true friend. Sige na mahal na kita bilang isang totoong kaibigan. Okay ka na?" Inangat ko ang ulo ko mula sa balikat niya, pakiramdam ko kasi nakatingin siya sa'kin dahil damang-dama ko ang hininga niya mula sa ulo ko.

"Bakit parang napilitan ka lang?" Pagpapacute niya habang ako hindi pa rin tinatanggal aang pagkakayakap sa bewang niya. Hindi ko alam pero I also trust him parehas nang ibinibigay ko sa mga kaibigan ko.

"This time hindi na kaya huwag ka nang umiyak. Alam mo ba ikaw pa lang ang kaibigan kong lalaki na nayakap ko ng ganito. Ikaw lang din 'yong kaibigan ko na umiyak sa harapan ko. I'm grateful na nagtitiwala ka sa'kin at--" Bigla akong napabitaw nang yakap sa kanya nang biglang pumasok si mama kwarto ko.

"Anong ginagawa niyo bakit hindi pa kayo natutulog? Aira, umayos ka." Hindi ako makaharap kay mama dahil hindi ko sigurado kong nakita niya akong nakayakap kay Mathew.

"Tulog na po siya, tita, ginising ko lang po kasi may tumatawag sa phone niya mukhang importante," mahinahong tugon ni Mathew. Tinaasan lang siya ng kilay ni mama at umalis na rin agad at ni-lock na ang pinto. Nakalimutan ko nga palang i-lock kaya siya nakapasok.

"Sige na tuloy mo na ang sasabihin mo." Iniangat niya ang dalawa niyang braso na nagpalabas sa malaki niyang biceps, Nagtataka lang ako bakit hindi niya ibinababa akala ko mag-uunat lang siya.

"Anong ginagawa mo bakit nakataas ang mga braso mo?"

"Hindi ba't nakayakap ka sa'kin kanina habang nagkukuwento kaya ituloy mo na." Binato ko siya ng unan at sumandal ako sa head board.

"Hoy, walang ibig sabihin 'yon kaya huwag kang mag-assume! Marami na rin akong nayakap ikaw nga lang ang lalaki sa mga nayakap ko." Nakasimangot ako ngunit siya napakalawak ng ngiti na para bang hindi siya nagdrama kanina. Pumatong siya kama at lumapit sa'kin. Sumandal din siya sa headboard at inakbay ang isang kamay sa balikat ko.

"Ipagdarasal ko na sana mahanap mo ang taong mag-aalaga sa'yo at magmamahal sa'yo nang todo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa taong manloloko sa'yo kasi hindi mo 'yon deserve." Naluha ako sa sinabi niya dahil naramdaman ko ang concern niya sa'kin.

"Salamat. Alam mo ba napakadrama natin salitan tayo ng pag-iyak baka mamaya ikaw nanaman ang iiyak tapos sasamantalahin mo nanaman para makakuha ng free na yakap." Tumawa lang siya at tinanggal ang pagkakaakbay sa balikat ko at tumayo para matulog na sa tulugan niya.

"Wait, dito ka na lang sa tabi baka lamukin ka riyan." Hinawakan ko ang kamay niya bago pa siya makaalis sa kama ko. Hindi naman siya nagdalawang isip at kinuha ang unan niya at agad na tumabi sa'kin. Kinapalan ko na ang mukha ko. Inihiga ko ang ulo ko sa braso niya at inilagay ang palad ko sa dibdib niya.

"Hanggang ngayon lang 'to, ah kasi nakakailang mga ginagawa natin daig pa natin ang mag-jowa." Hindi naman siya nagreklamo hanggang sa nakatulog ako nang mahimbing.

Bago ang lahat sa'kin. Naranasan kong magkaroon ng lalaking kaibigan pero halos lahat sila pusong babae. Ngayon lang ako nakaranas na magkaroon ng kausap na lalaki talaga kasi nga halos lahat ng lalaking lumalapit sa'kin puro bulaklak at pagpapasikat ang alam. Sa panahon ngayon, hindi pa pumapasok sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend kaya okay na muna na may kaibigan akong katulad ni Mathew.

"Sana ikaw na lang siya. This is what I need."

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now