Chapter 12

14 2 0
                                    

Aira's POV

"Sis, two months na lang gagraduate na tayo ang bilis ng araw no?" Malungkot na saad ni Ericka habang nakatalikod ako sa kanya at pinaglalaruan ang buhok ko.

"Sa dami naman nang papansinin 'yung araw pa. Tingnan mo nangyari sa noo ko." paglalambing ko sa kanya habang nakanguso.

"Katangahan kasi tawag diyan kaya hindi ko na pinapansin." Hinila ko nang bahagya ang buhok niya dahil sa sinabi niya. Tinigil niya ang paglalaro sa buhok ko at pumunta sa harap ko para pag usapan ang nangyari.

"Tinulak ako ni Matthew kahapon nang pumunta ako sa bahay niya dahil nga sabi niya may sakit siya. Takot siya sa karayom kaya pumantong ako sa nakahubad niyang katawan at tiyaka ko ininject ang gamot, at ayun tinulak niya ko at tumama ang ulo ko sa paa ng mesa na katabi ng kama niya." Pagkukuwento ko na may action para intense.

"Pumatong ka sa kanya? My gosh anong pakiramdam, may bumakat ba? Este malalagot sa'kin yang lalaki na yan hindi ka man lang ginahasa... I mean ginalang bilang babae. Humanda sa'kin yan!" Natatawa niyang litanya samantalang ako, gigil na gigil na sa mga pinagsasasabi niya. Gusto ko siyang sakalin sa inis. Nagawa pang mag-isip ng kung ano-ano.

"I'm not joking, Ericka! Ang sakit kaya halos mahilo ako dahil sa buwisit na pagkakatama ng ulo ko. Tiyaka..." Nahinto ako sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Lumayo ako nang bahagya kay Ericka at sinagot ang tawag.

"Hello, Aira, can you go to my place pagkatapos ng klase mo? I need you..." Ha? Anong he needs me? Baka nagising ang pagkalalaki niya nung dinaganan ko siya? Wala naman akong naramdamang bumakat noong mga oras na 'yon.

"Aira, can you?" Natigil ako sa pag iisip ng mga posibilidad kung bakit kailangan niya ko nang bigla siyang nagtanong. Teka bakit mukhang kagagaling sa iyak ng lalaking kausap ko?

"Teka nga, ano ba ang nangyari sa'yo, nagsusuka ka pa rin ba? Sasamahan kita sa Ospital para sure ano?" Napatakip ako ng bibig nang may narinig akong mga nababasag, at may isang kalabog na pakiramdam ko na binato niya ang phone niya.

"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo? Hoy! Sumagot ka kinakabahan ako sa'yo!" Wala akong nakuhang sagot hanggang nawala na ang linya niya. May final meeting pa naman ang mga graduating students ngayon at mandatory ang pumunta. Ano ang uunahin ko? Ginulo ko ang buhok ko at napaupo sa sa sahig ng classroom kung nasaan kami ni Ericka. Nadagdagan tuloy ako ng mga iniisip dahil sa Matthew na'to eh. Kung wala lang talaga akong atraso sa kanya hahayaan ko siyang magwala.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Aira? Bakit bigla ka na lang naglulupasay diyan?" Tinignan ko lang siya nang seryoso at napahilamos sa mukha ko.

"Ano bang uunahin ko? Mukhang may malaking problema 'tong si Matthew at nagbabasag na ng gamit, baka mamaya kasi magpakamatay na 'yun, kaso nga lang may meeting tayo diba?" Ngumiti lang siya at hinawi ang maikli niyang buhok.

"Ako na ang mag aattendance sa'yo, puntahan mo na yang future husband mo! Este yang pasyente mo." Nabuhayan ako ng loob at inayos ang buhok ko, pinagpagan ko ang pantalon ko dahil sa dumi at tinapik si Ericka sa balikat para magpaalam na aalis na 'ko. Tumango lang siya at ngumiti.

Hindi na ako nag aksaya ng oras. Pagdating na pagdating sa gate ng campus, pumara agad ako ng tricycle papunta sa paradahan ng  jeep, papunta sa subdivision kung saan nakatira si Matthew.

Ano na kaya ang nangyayari sa taong 'yun? Masuwerte pa pala ako kahit papaano dahil ako, may kaibigan na malalapitan at may pamilyang masasandalan, samantalang itong si Matthew wala atang magulang na kasama o kahit kaibigan man lang.

Tumingin ako sa labas ng jeep para abangan kung malapit na ako dahil hindi ako mapalagay ngayon. Pagkakitang pagkakita ko sa pangalan ng subdivision, malakas kong sinigaw na bababa  na ako dahil maraming binging jeepney driver ngayon. Sasabihin mo para sila naman laban lang sa arangkada ang ending lagpas ka na! Gigil si ako bess.

Pagbaba ko, sumakay ako ng tricycle para finally makapunta sa bahay niya. Binaba ako ni manong sa mismong tapat ng bahay ni Matthew, muntikan ko pang hindi maiabot ang bayad buti na lang na remind ako ni manong.

"Binuksan ko agad ang pinto niya at bumungad sa'kin ang nagkalat na parte ng basag na flower vase at picture frames. Nilibot ko pa ang mata ko at napanganga ako nang nakita ko ang mga patak ng dugo sa hagdan. Hindi ko na naisipan pang isara ang pinto at sinundan ang mga patak ng dugo.

"Matthew! Matthew! Nasaan ka na ba?" Wala siya sa kwarto niya kaya lumabas ako at narinig kong nakabukas ang shower sa banyo. Binuksan ko at bumungad sa'kin ang basang basang si Matthew na nakasuot ng T-shirt at short. May mga sugat ang paa't kamay at sumasabay sa tubig ang mga dugo na lumalabas sa mga sugat niya.

Pinatay ko ang shower at kinuha ang tuwalya na nakasampay sa gilid. Pinunasan ko siya at bigla niya akong niyakap.

"Aira, help me I don't want to live anymore." Kahit mabigat siya, pinilit ko siyang tulungang tumayo at pinaupo sa sofa sa may sala at tiyaka ko siya pinagpunas ng katawan niya. Tinulungan ko siyang iakyat sa taas para makapagbihis at makausap na rin sa kung ano ba talaga ang nangyari. Tinalian ko na rin muna ang mga sugat para hindi magdugo ng sobra.

Pagkatapos niyang magbihis, Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Dumudugo pa rin ang mga sugat niya pero kiber lang hindi ko naman ikamamatay ang dugo niya.

"Wala na si mommy, she's dead! Siya na lang ang meron ako at ngayon wala na siya, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko."  Hinimas ko ang likod niya trying to ease his pain. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay at talagang hindi mo kakayanin.

"Don't say that you have nothing, you have me and Antonette, we can be your friends."

"Antonette called me before I call you telling that she has a boyfriend. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact kasi wala naman akong karapatan, ikaw ang naisipan kong tawagan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong umiyak dahil para akong bading pero dumoble ang sakit." Nag usok ang ilong ko sa sinabi niya! Napaka manhid naman ng Antonette na 'yan para hindi maramdaman na gusto siya ng tao. Niyakap ko nang mahigpit si Matthew dahil nararamdaman ko sa mga oras na ito ang nararamdaman niya.

"I want to go back to seminary pagkatapos ilibing ni mommy. Ibebenta ko na rin ang bahay na'to at kung gusto mo sa'yo na ang kotse ko. Kung sakaling mamamatay ako, sa seminaryo may tutulong sa'kin. Aira, thank you for coming here dahil kung wala ka baka wala na rin ako." Tinanggal ko siya mula sa pagkakayakap sa'kin at pinitik ang ilong niya.

"Hoy ikaw, makinig ka, alam kong masakit ang nararamdaman mo pero hindi rason ang pagpapakamatay! Tiyaka kapag bumalik ka sa seminaryo, malulungkot ako! Hindi pa huli ang lahat para sa inyo ni Antonette akong bahala." Kinindatan ko lang siya at pinunasan ang luha niya. Sa totoo lang namamangha ako sa kanya dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak nang sobra.

"Siguraduhin mong hindi mo ako iiwan ah. I don't want to be alone anymore."

"Hindi kita iiwan hanggang magkaanak ka, hanggang magka asawa ka. I will always be here no matter what. Just call my name and I'll be here!"

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now