Chapter 1

115 6 2
                                    

Aira's POV

"Good Morning students, so our dean requested to have your practical evaluation exam at the seminary dahil gusto niya sanang makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng check-up sa mga seminarista." bumagasak ang balikat ko pagkarinig ko ng venue. Naiinis ako dahil sa lahat naman ng pupuntahan eh doon pa. Anong mahihita ko doon, mga lalaking walang interest sa pag-aasawa?

Puwede namang sa gym, sa mga lugar kung saan may guwapo at mga pwedeng alam mo na... Pang poreber.

"Aira, ready ka na ba? Wala kang mahahanap na guwapo doon at kung meron man, hindi kayo puwede." Napalingon ako sa bitter na taong 'yon at sumimangot.

"Bwisit ka, Brando! Wala ka nang ibang ginawa kundi mang-asar! Ano naman kung wala at least nakatulong ako!" Nakakainis talaga bakit kasi hindi pa ako nagkaka boyfriend, eh. Hindi pa rin ako nakakahimas ng Abs. Ano ba bigyan niyo naman ako kahit pang isang buwan lang maranasan ko lang.

"Big Word, Aira, ang bait mo ah Magkita-kita na lang tayo sa S E M I N A R Y!" Sige ipamukha mong sa seminaryo tayo pupunta. Badtrip na buhay 'to! Kung hindi lang ako nakapagtimpi babasagin ko ang itlog ng bading na 'yun.

So, wala naman akong choice kaya kailangan i-ready ang mga bagay na kailangan. Nagdala na rin ako ng mga gamot. Gusto ko sana magdala ng gayuma para kung sakaling makita ko si Mr. Right na magiging icing ng cupcake ko, eh mapainom ko agad.

Since bukas pa naman 'yon at marami pa kong kailangan kunin sa bahay na mga gamot at kung ano-ano pa, I decided na umuwi muna para rin makapag pahinga kahit papaano.

Pagdating ko sa bahay nanibago ako. Lumabas ako at tinignan kung bahay ba talaga namin ang inuwian ko o baka ito na ang seminaryo. Bakit ang tahimik? Bakit parang walang ingay?

"Ma, Bakit hindi ka nag iingay ngayon namimiss ko tuloy! Ay sorry po." May nagba-bible study pala. Shet naman talaga napaka epic fail naman nang pagpasok ko. Hindi maipinta ang mukha ng nanay ko sa pagsigaw ko.

Naglakad ako papunta sa hagdan at napatingin sa mga nagba-bible study. Bakit nandirito siya? Bumalik ulit ako at nakisali sa pagbabible study at landi muna tutal may time pa naman.

"Alam niyo ba na blah blah blah" hindi ko na maintindihan ang nagsasalita dahil nakafocus ako sa lalaking katabi niya. Yung lalaking nakita ko sa simbahan. Kapag ngumingiti siya pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.

"Aira, mag Aama namin na humawak ka na kay Brother Marcus." Nabigla ako kaya napatayo ako at nahihiyang hinawakan ang kamay nitong lalaking katabi ko. Marcus pala ang pangalan niya yare ka sa'kin.

Nang natapos ang pagbabible study, hindi ako makatingin nang diretcho sa lalaking katabi ko kahit kinakausap niya 'ko.

"Saang seminary kayo naka assign?" Tanong ko na para bang nahihiya. Kailangan pabebe para hindi halatang maligalig.

"Sa may Bulacan, Holy Angel Seminary." napatango na lang ako at nag-excuse kasi may kailangan pa akong gawin at hindi ko talaga kaya siyang tingnan. Nakakaputok matres ang hitsura at tindig niya. Hindi naman mataas ang standards ko sa lalaki pero nakaka-shet kaning malagkit ang aura niya. Lord, siya na lang please.

Sayang talaga ang taong 'yon malaki pa naman ang biceps, ang katawan ano pang hahanapin mo kaso bwisit at mapupunta lang sa wala. Malalanta na ang talong niya at hindi man lang niya magagamit. Hindi naman talong ang habol ko what I mean is hindi man lang siya magkakapamilya.

"Aira anak, aalis na sila." biglang binuksan ni mama ang pinto ng kuwarto ko at napasigaw ako dahil naka bra at panty lang ako at kasama niya pa si Marcus.

"Mamaaaaaaa nagbibihis ako, eh!" halos maluha na ko sa kahihiyang dinulot ng araw nav'to ano na lang ang mukhang maihaharap ko kapag nagkita kami?

"Sorry, nak, hindi ko alam. Wala naman kaming nakita!" bwisit talaga mang-aasar pa talaga. Nagbihis na 'ko dahil pupunta pa ko sa school para sa orientation ng mga kailangan naming gawin sa kung saang seminaryo kami mapunta. Huwag sana sa seminaryo nila Marcus nakakahiya.

"Ma, I have to go." inis kong paalam kay mama. Napatingin lang sa'kin yung pari na nagsasalita kanina. Akala ko ba umalis na sila. Chineck ko muna ang bag ko kung may naiwan ba ako nang may biglang lumapit sa'kin.

"Aira, pasensya ka na kanina hindi 'yun sinasadya ng Mama mo. I already pray for what happened." ngumiti lang ako at umalis sa harapan ng Marcus na'to. Magiging akin ka rin. No Aira! I threw that thought masyadong mahalay. tiningnan niya lang ako habang papaalis. ayoko muna madagdagan ang badtrip ko.

Habang papalapit ako sa kalsada para mag-abang ng masasakyan, nang may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Aira!" hinanap ko kung sino ang tumatawag sa'kin at napalingon ako sa kanto, nandoon ang isa sa mga classmates ko.

"Sumabay ka na sa'kin nagagalit na raw si sir bakit daw wala pa tayo!" tumakbo ako at sumakay na sa kotse niya.

"Salamat ah nakakasira kasi ng araw ang mga tao ngayon buti na lang dumating ka," pang uuto ko. Ngumiti lang siya at nagtanong.

"Sino ba kinaiinisan mo, 'yung Boyfriend mo? Naku Aira, h'wag mo nang pakawalan 'yun baka maghanap ng iba." napasimangot ako at humarap sa kanya.

"Gaga wala akong boyfriend!"

"Wala mamatay ka man? eh sino 'yong lalaking mukhang masarap kanina na kausap mo? You look so sweet pa nga together eh." ang arte naman nito magsalita dinaig pa si bimby.

"Hoy ikaw, h'wag ka ngang mag imbento! 'Yong lalaking nakita mo, magpapari 'yon at walang pag-asa na mag-ka-girlfriend 'yon. Sayang nga, eh." Napailing na lang ako at napapitik sa hangin. Ilang nilalang din ang pwede niyang mabauo pero piniling magpari badtrip!

"Bakit hindi ka gumawa ng paraan para masira ang debosyon niya? Ano ka ba kapag nagawa mo 'yon ikaw na talaga! And besides, maganda ka naman suplada nga lang." kaya gusto ko 'tong babaeng kasama ko ngayon eh may pagka plastic.

"Alam ko naman na maganda ako, pero hindi ako gagawa ng way para ma-in-love sa'kin ang tao. Mag papari na 'yon, at 'yon ang passion niya maging pari. Naiintindihan mo? Kaya h'wag mo na akong demonyohin!"

"Okay. Basta para sa'kin, ganun ang gagawin ko sayang din 'yun. Isa pa magandang lahi ang maibibigay nu'n sa'kin. Maputi, matangos, mukhang magaling sa kama, matangkad, ang ganda ng hugis ng mukha. Hindi ko lang nakita ang mga mata at labi niya dahil na sa malayo ako, eh." ibang klase rin talaga mag pantasya 'to. Wala bang tinatagong kahihiyan 'tong bruha na 'to? Binatukan ko para magising na sa katotohanan.

"Hoy tantanan mo 'yang pag papantasya mo sa'kin lang 'yon!" nagulat rin ako sa sinabi ko kaso hindi ko na mabawi.

"See, sabi ko na eh may hidden agenda ka rin eh. Pero there's nothing wrong about that talaga namang makaputok matres ang tao na 'yon." bigla na lang siyang tumawa at binilisan ang takbo ng sasakyan para makarating kami agad sa school.

Pagdating namin sa school, nakita ko na tapos na ang orientation at hindi na kami nakaabot. Ang landi ko kasi eh nakisali pa ko sa bible study hindi naman ako nakinig.

"kayong dalawa Miss Estrella at Miss Agoncillo, magtanong na lang kayo sa mga classmates niyo para alam niyo ang gagawin." buti na lanag hindi mainit ang ulo ni sir at hindi kami napagalitan. Kung nagkataon bokya ako sa practical chu chu na 'to.

"Ikaw kasi kung ano-ano pa pinagsasabi mo!" sisi ko kay Ericka. Oo nga pala nakalimutan ko siya ipakilala siya 'yung kausap ko kanina. Pesensya na maganda kasi ako eh.

To be Continued...

Ang istoryang ito ay mabagal mag update dahil may tinatapos pa kong story.

at ang mga lugar at tauhan na nabanggit ay hindi Nag eexist sa totoong buhay, ito ay bunga lamang ng imahinasyon ng may akda. kaya Kung ito man ay may pagkakatulad sa mga kilalang tao, buhay o patay at sa mga totoong pangyayari at mga lugar, ito'y nagkataon lamang.

Broken DevotionWhere stories live. Discover now