Chapter 11

23 2 0
                                    

Aira's POV

"H'wag mong ilalapit sa'kin yan!" ngumisi ako dahil mas lalong namuti ang mukha niya. H'wag niyang sabihing sa laki ng katawan niya takot siya sa karayom?

"Okay sige hindi na kita tuturukan, but you  have to answer my question for diagnosis okay?" Umupo ako sa tabi niya at tiyaka naglabas ng notebook. Nagtanggal din siya ng kumot na nakabalot sa katawan niya na naging sanhi ng paglaki ng mata ko.

His body... Ah... This is not true may mga pantal siya. Pinatalikod ko siya to check kung madami. Oh God ano bang nangyayari sa lalaking to?

"Why are you looking at my body intensely as if you want touch it. Go ahead I won't judge you." ngumisi ako kasabay ng paghubad ng sapatos ko. Sumampa ako sa kama at gumapang papalapit sa kanya. Pumatong ako sa kanya at humiga sa dibdib niya. I felt the warm of his breath and his calmness unti unti kong nilalapit ang kamay kong may hawak ng syringe; I injected him the medicine to stop him from vomiting.

"Damn! Go away from me!" Tinulak niya ko nang sobrang lakas. Tumalsik ako at  tumama ang ulo ko sa paa ng lamesa sa tabi ng kama niya.  Hinawakan ko ang ulo ko, its bleeding. Kinabahan ako dahil makikita to ng mama ko at higit sa lahat magkakapeklat ako.

Hindi ako makatayo dahil sa pagkahilo. Napatayo rin siya sa ginawa niya at natatarantang pumunta sa lugar kung saan ako tumilapon. Sobrang dami na ng dugo sa mukha ko.

"Sorry! Your head... Its bleeding." Tinayo niya ako at inalalayan pababa papuntang sala.

"Are you okay? You want to go to the hospital? Look at me, I'll wipe the blood... I'm really sorry." Humarap ako sa kanya at pinunasan niya ang tumutulong dugo galing sa sugat. Mas lalo siyang kinakabahan dahil ang dami talagang dugong lumalabas. Madugo talaga kaag sa ulo ang sugat.

"I'm okay kuha ka na lang ng yelo para tumigil yung pagdurugo." he went to refrigerator to get some ice and packed it with clothes.

"Here ako na maglalagay." dinampian niya ng yelo 'yong sugat ko hanggang sa hindi na nagdugo. Kahit na umampat ang dugo nararamdaman ko pa rin ang pagkahilo.

"Okay na 'yan lagyan mo na lang ng bandage para makauwi na rin ako. Just call me kapag sumuka ka pa rin okay?" Wala ako sa mood makipag-usap dahil nahihilo ako. Siguro magpapa-check-up ako bukas to make sure na okay lang ako.

"Aira, I'm really sorry. Hindi ko sinasadya takot lang talaga ako sa karayom. I'll go with you tommorow para makapag pa check-up ka." Umiling ako bilang tugon.

"Kaya ko ang sarili ko. Oo nga pala, nasabi ko na kay Antonette ang pinasasabi mo. Sige na I have to go." Nilapag ko sa lababo niya ang yelo at tumungo na sa pinto para lumabas.

Bago pa ko makarating sa pinto natumba ako dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko.

"Shit! Wait kukuha lang ako ng damit and we will go to the hospital." Hindi na rin ako nagbalak pang tunayo dahil pakiramdam ko umiikot na ang paningin ko. Hinawakan ko rin ang sugat ko at dumudugo nanaman.

Maya-maya, may naramdaman akong natigas na braso na bumuhat sa'kin at dinala ako sa parking lot at isinakay ako sa kotse.

"Put this ice pack to stop that from bleeding." kinuha ko sa kanya ang Ice pack at dinampi sa ulo ko. Nararamdaman ko na ang kirot, hindi ko alam kung makakapasok pa ba ako bukas.

"H'wag na tayong pumunta ng Ospital hatid  mo na lang ako sa'min. Mawawala rin ang pagkahilo ko kaya you don't have to worry." Isinandal ko na lang ang ulo ko sa backseat para medyo makapahinga.

"Sige I'll drop you home at hihingi rin ako ng sorry sa mom mo." He start the engine at dali-daling umalis. Natuwa ako nang nakita siyang pinagpapawisan kahit na naka aircon ang sasakyan dahil indication yun na bumababa ang lagnat niya.

Habang nagdadrive siya nakamasid lang ako sa labas at paminsan-minsang nangingiwi dahil sa kirot ng sugat. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Mama.

"Dito ang bahay niyo, right?" Hindi ko napansin na nandito na pala kami dahil natutulala ako sa nangyari. Sa lahat naman kasi ng tatamaan sa mukha pa nabawasan pa tuloy ang ganda ko.

"Aira, are you listening?"

"Ay! Oo dito nga." Lumabas siya at pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan na maglakad papasok. Para akong buntis na ina-alalayan ng mister ko.

"Aira, anong nangyari sa'yo bakit may sugat sa noo mo?" Pagpasok na pagpasok namin sa loob, boses agad ni mama ang sumalubong sa'min.

"Sorry po tita... My fault, tinulak ko po siya at tumama po siya sa paa ng lamesa kaya po siya nagkasugat, but I'm willing to shoulder hospital bills and medicine para magamot ang sugat niya, bibili rin po ako ng pampawala ng peklat para po sa kanya pasensya na po talaga." Nakayukong hingi ng sorry ni Matthew.

Inangat ni mama ang mukha niya at pinagmasdan na akala mo imbestigador sa sobrang OA magmasid.

"Brother Marcus ikaw ba 'yan?" Nagulat na tugon ni mama. Mas inintindi niya pa kung sino ang tao kaysa sa kalagayan ko? Like... Seriously?

"Yes but I am not a brother anymore, tita. Umalis na po ako." Dahil sa sinabi niya sumimangot si mama na animoy may matinding kaaway.

"Panindigan mo ang anak ko!" Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkakasabi niya. Bakit may ganun? Anong akala niya nabuntis na ako ng guwapong nasa harap niya.

"Yes I will." Inosenteng sagot ni Matthew.

"Anong yes I will? At anong dapat panindigan? Hindi ako nabuntis at walang nangyari sa'min. I'm completely okay and I can handle myself." Tinalikuran ko sila pero hinawakan ni mama ang wrist ko.

"Aira, diba noon nakita niya ang katawan mo? Tapos ngayon sinugatan pa niya ang ulo mo what do you expect from me? Sa palagay mo okay lang sa'kin lahat?" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at gusto kong himatayin.

"Ma, naka bra at panty ako nu'n! Alam kong gusto mo lang na magka boyfriend ako kaya mo 'to ginagawa. Ma, I can handle myself darating din tayo diyan. Matthew, sige na umuwi ka na okay lang ako tatawagan na lang kita kapag nakahanap na ako ng paraan para sa inyo ni Antonette. Ingat ka ah." Umakyat ako sa taas na pakiramdam ko na walang espesyal sa'kin.

Humiga ako sa kama nang nagvibrate ang phone ko.

"The luckiest person in the world is the person having  a woman like you. Fighting!" Sa lahat naman ng text ni Matthew dito lang ako natuwa. Nakakakilig pero hindi naman ito ang hinahanap ko. I know my worth, pero hindi mapigilang magtanong kung ano pa bang kulang?

"H'wag ka nang mangbola!" I replied.

"No I'm not joking. Kung una nga lang kitang nakilala liligawan kita. Hahahahaha." Lalaki nga naman.

"Mas lalo lang akong naiinsulto!" I replied Immediately. Hindi na siya nag reply pa kaya ipinikit ko na lang ang mata ko nang hindi ko rin maramdaman ang kirot ng sugat sa noo ko.

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now