Chapter 3

31 6 0
                                    

Aira's POV

"Bakit naisipan mong mag doktor?" Tanong ni Marcus habang nililibot niya kami sa kumbento. I thought this Seminary is like a Standard hospital, but I'm wrong. This was spacious, and clean. Mas maganda pa siya sa mga eskwelahan. Nakakabingi nga lang ang katahimikan. Halos huni ng ibon lang naririnig ko at ang mga yabag namin.

"Hmmm, Miss Aira." Napatingin naman agad ako sa kanya at sinagot ang tanong niya.

"Ay oo nga pala sorry namamangha lang ako sa lugar na 'to. Anyways Ako bakit nag doktor? Naisipan ko mag Doktor kasi this is my passion. Since I was a kid I already dreamt to be a Doctor. And I'm materializing that dream right now." inakbayan niya ako at tiyaka kinamayan. He was smiling at me as if the two of us are closed friends. Nginitian ko na lang din.

"That's a good reason in the name of Jesus may your carreer  be successful as what you wanted it to be." Tinanggal niya rin agad ang pagkakaakbay niya sa'kin at tinuloy na ang paglilibot sa'min sa seminaryo. Baka marinig mo ang boses ni Lord kapag dito ka talaga nagdasal.

"Marcus, I mean brother, nagka girlfriend ka na ba?" Napatakip ako ng bibig sa naitanong ko. Pakiramdam ko napaka desperada ko sa move na 'yon dahil sobrang personal na 'yon.

"Ano 'yon, Doc? Pasensya na hindi ko masyadong narinig. Sino ang tinutukoy mong girlfriend?" para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil hindi niya narinig ang nakahihiya kong tanong.

"Ahh... Hmmm Bakit hindi kayo pwedeng mag-girlfriend alam mo na po partner in life? Ayaw niyo ho bang magkapamilya?" Pinunasan niya ang labi niya tiyaka siya sumagot. Pwede bang labi ko ang pumunas sa labi mo? Namula ako sa mga iniisip kong kababuyan.

"Kasama 'yon sa debosyon namin. Our partner is God at wala ng iba pa." napatango na lang ako sa mga paliwanag niya hanggang sa makarating kami sa magiging room namin for three days. Masarap siyang kausap hindi boring.

"Here is our room." Nanlaki ang mata ko sa OUR ROOM. Ibig sabihin kasama namin siya rito sa kwarto? Teka nga naman Lord sobra naman ang blessing na ito. Lord huwag muna anak, ah.

"Brother Marcus, let me disturb you, are you saying that you are going to stay here... with us? Sorry I just want to clarify things out." napatingin kami lahat kay Ericka. Hindi naman na dapat kami nagtanong, besides malaki ang room at aircon naman. Tiyaka lima lang kami at puro babae at binabae.

"Hmmm... Kung hindi okay sa inyo I'm..." pinigil ko siya sa pagsasalita kasi nakakahiya na kung ganun ang mangyayari.

"No Marcus. I mean Brother, we're okay and we're just asking to clarify everything. Sorry for you to think that way." Tugon ko habang hawak ang kamay niyang malambot. Nang nahalata ko na parang awkward na, agad ko namang binitiwan. Pakiramdam ko nalalaglag nag panty ko sa sobrang hiya ko o sa kalandian ko basta both.

"Sige babalik na lang ako rito kapag may kailangan kayo. And since sama-sama naman tayo rito ako na ang mag-aasikaso ng pagkain niyo." Tinignan ko lang siya habang papalayo pagkatapos niyang magbilin. Bakit kasi ang bait niya masyado? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sirain ang debosyon niya para lang magkaroon ng tiyansang magkapamilya pa siya.

"Alam niyo mga, sissy, I kinda get confused or let say I'm curious why those handsome creatures like Brother Marcus ended up with this kind of profession or devotion whatsoever. Aminin naman natin sa hindi, puputok talaga ang matres mo at malalaglag ang panty mo sa ganoong hitsura." Pag ko-confess ni Ronaldo, ang kontrabida kong friend na lagi na lang nangingialam sa love life ko.

"Siguro they don't want their you know na kumalat ang lahi nila o baka isa sila sa mga dumaraming tulad niyo."

"Ericka mag isip ka nga yung ganung hitsura ba sa palagay mong ayaw magpakalat ng lahi? Kung kalahi naman namin siya, hindi ko lang alam pero hindi ko pa naman naaamoy" Pangbabara ni Ronaldo.

"Aira, may na-receive ba kayong text ngayon lang coming from the administration?" Pag-iiba ng topic ni Celine, isa sa mga kasama namin.

"Wala naman bakit?" tanong ko.

"Ako meron telling na ililipat daw ako sa holy Angel seminary ngayon and mag eextend daw ang practical for 1 week." Ang gara naman bakit sila lang dalawa ni Celine at Max ang malilipat? Tatlo na lang kami ni Ericka at ni Ronaldo?

"Excuse me, Doc Celine and Doc Max, the administration of your academe decided to transfer you at Holy Angel Seminary." Lahat kami napalingon kay Marcus na nag-eexplain. Pagkatapos niya magsalita kasama niya na sila Celine at Max para raw sunduin ulit ng bus.

"Okay na rin na wala sila rito. Mapaghahatian natin si Brother Marcus." kinikilig na saad ni Ronaldo habang ibinagsak ang katawan sa isa sa mga kama roon.

"Tama ka d'yan bakla mukhang makatitikim na tayo ng masarap na ULAM! Capslock para intense!" Panggagatong pa ni Ericka. Akala mo mga ngayon lang nakakita ng poging nilalang sa tanang buhay nila. Tiyaka eeww nalak nilang pagsaluhan si Marcus? Kadiri Threesome?

Kung sabagay sino ba ang hindi magtatanong kung anong lasa ng ulam na 'yon.

Brain, please don't betray me!

"Kayo ngang dalawa, tantanan niyo na ang pagpapantasya sa Baby ay este kay Brother Marcus. Galangin naman natin siya." I blurted those words without knowing na nasa likod ko pala si Marcus.

"What do you mean na galangin ako? Am I not worthy of respect?" Naku naman, Aira, bakit ngayon ka pa nag-binuang hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Definitely not. What I mean is... your age was the same as our age and we kinda get awkward calling you BROTHER." Lumapit siya sa'min at umupo katabi ni Ronaldo.

"You don't have to call me Brother when we are together if it is awkward to you. Pero kapag kaharap ang mga pari, Brother talaga ang kailangang itawag, okay?"

"Sige, Marcus. Pasensya na talaga na-curious lang kasi kami kung bakit ka nagpari samantalang ang ganda mong lalaki alam mo na tipikal na hanap ng babae." Natawa siya sa sinabi ni Ericka at napailing pa.

"Mamaya ikukwento ko sa inyo. Marami pa akong aasikasuhin para sa gagawin niyong check-up bukas."

"Gora na Marcus h'wag na intindihin ang mga babaeng ito. Follow your passion and the desire of your heart; avoid temptations." hinampas ng mahina ni Marcus si Ronaldo na nasa tabi niya. At maya-maya may sinenyas si Marcus kay Ronaldo at hindi pa nakuntento binulong pa mismo. Gusto ko rin na bumulong siya sa'kin. Lord, sana akin na lang siya.

"Sige-sige. Umalis ka na baka marami ka pang gagawin." pagpapaalis ni Ronaldo kay Marcus. May pagpisil pa sa braso naiinis ako. Nang tuluyan nang umalis si Marcus at wala ni ano pang presensya niya, biglang nagtatatalon si Ronaldo sa tuwa dahil naka-jackpot siya.

"Maiinggit kayong dalawa! Power ang pagbulong sa'kin ni Marcus. Let me tell you this one... ANG BANGO NG HININGA NIYA... SOBRA." nakakainggit naman. Tinamaan na talaga ako. Alam ko parang crush lang pero parang hinahanap ko palagi ang ugali niya whenever I saw a handsome guys. Iyong tipong walang papasa sa'yo maliban sa kanya.

"Hoy, Aira, anong nangyayari sa'yo bakit parang napagsakluban ka ng langit at lupa?" Tanong ni Ericka pero wala talaga akong ganang sumagot.

Tatanda na lang siguro akong dalaga nito. Patuloy lang na magkakalumot ang pearl of the sea ko.

"Naiinggit ako!"

To be continued...

Broken DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon