Chapter 17

18 2 0
                                    

Aira's POV

"Anong nakita mo?" Tanong ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa dibdib ko. Hindi ako makatayo dahil sa kahihiyang ginawa ko. Para akong nag live show nang libre.

"Suotin mo na 'yan tatalikod ako. Hindi na rin naman ako nagulat dahil nakita ko na 'yan noon," walang habas niyang saad na akala mo hindi ako babae na may pinangangalagaang dignidad. Hilahin ko kaya ang shorts niya at sabihing, hindi naman pala 'yan malaki... matutuwa kaya siya?

Nang tumalikod siya, agad kong hinagilap at sinuot ang baligtad kong damit at agad na tumayo mula sa pagkaka-upo ko.

"Humarap ka na," nahihiya kong tawag sa kanya. Hinawakan niyang bigla ang kamay ko at hinila papunta sa harap ng bahay nila. Pinagtitinginan kami ng mga nakikiramay sa labas kulang na lang magtanong kung anong nagaganap sa buhay namin. Ibang-iba sila sa tsimosa sa Manila. Dito napaka-honest ng mga mata hindi man lang magpatay malisya na kami ang tinutukoy nila.

"Diyan ka muna at ihahatid na kita baka kung anong mangyari sa'yo. Baka hindi ka lang mahubaran baka kung sino na ang lumapa sa'yo sa daan." Pumasok siya sa loob ng bahay at nagbihis ng panglakad at kinuha ang susi ng kotse niya.

"Teka, teka, bakit mo ako sasamahan? Mas mahalaga ang pinunta mo rito kaya I can handle myself, gora ka na sa loob huwag mo na akong alalahanin kapag ni-rape ako i-enjoy-in ko na lang para hindi ako mapatay ganorn!" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Nakita ko nanaman ang matatalim niyang tingin na para bang pinapatay ako sa utak niya bakas sa mukha niya ang pagkairita dahil kita ang pamumula ng kanyang pisngi at tainga.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Rape is a serious matter lalo na sa babaeng katulad mo tapos idaraan mo sa biro?" seryoso niyang tugon habang nakakuyom ang kanyang kamao at namumula ang kanyang tainga.

"Kayong dalawa kanina pa kayo hindi magkasundo. Para kayong mag asawang wala nang mautangan. Ano bang pinagtatalunan niyo?" Napatingin kaming pareho sa kuya niya at agad siyang umakbay sa'kin. Nawala rin ang pagkakuyom ng kanyang kamao at agad na bumalik ang maamo niyang mukha.

"Bibili lang sana kami ng makakain natin kaso mukhang may sumpong ang asawa kong 'to," presko niyang tugon na ikinatawa ng kuya niya. Naasimangot ako nang bahagya dahil Ano bang nakatatawa roon?

"Ganyan talaga ang babae pero dapat laging iniintindi. Naalala ko tuloy ang asawa ko, lagi siyang nagagalit sa'kin, pero lagi ko na lang inuunawa. Nakakaasar minsan pero ngayon, gustong gusto kong marinig ang boses niya kaso lang wala na sila ng anak ko dahil hindi naagapan ang sakit niya habang nagbubuntis sa kawalan din ng pera." Tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan para hindi mahalata.

Sobrang hirap ng buhay rito malayong malayo sa nararanasan namin. Bigla akong yumakap kay Matthew at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Napakaswerte mo at hindi mo nararanasan 'yun. Sobra akong magagalit sa'yo kapag inulit mong pagtangkaan ulit ang buhay mo. Kailangan mo pang mapasagot si Antonette." Hindi ko alam bakit ko na lang biglang nabanggit ang tungkol kay Antonette. Gusto ko lang din na sumaya siya kahit na wala na siya sa seminaryo.

"Aira, may boyfriend na siya. Hindi na siguro tama na guluhin pa natin siya. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Pasalamat na lang talaga ako at nakilala ko ang isang ikaw." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Bakit ako? Ang alam ko lang tinutulungan ko siya para sa taong gusto niya pero hindi ako.

"Wala namang ganyanan, mister. Usapan natin tutulungan lang kita pero hindi ako." Natatawa kong tugon habang siya nakangiti lang na nakatitig sa'kin.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang magpasalamat na nakilala kita bago mangyari sa'kin ang lahat ng ito. Siguro kung wala akong kaibigan na tulad mo baka hindi ko kinakaya ang lahat ng ito." Niyakap niya ako na para bang matagal niya na akong kakilala at magaan na magaan ang loob niya sa'kin.

Nararamdaman ko siya. Parehas kaming hindi inaayunan ng tadhana. Lahat ng gusto namin hindi namin nakukuha.

"Huwag ka na umuwi, misis ko baka kung ano pang mangyari sa'yo at kasalanan ko pa. Gusto ko kung paano kita inano ganun din kita aanuhin!" Maloko niyang tugon kasabay ng malawak na ngiti na lalong nagpalabas ng kaguwapuhan niya.

"Sige, mister ko hindi na ako uuwi baka wala ka nang maano kapag naano ako." Natawa ako sa sinabi ko pero bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Aira, dumudugo 'yong ilong mo!" Kumapit ako sa braso niya at napaluhod dahil umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na maiintindihan ang sinasabi ng taong nakapaligid sa'kin ang alam ko na lang may brasong bumuhat sa'kin hanggang sa nawalan ako ng malay.

Minulat ko ang mata ko na parang bagong gising lang ako. Si Matthew agad ang bumungad sa akin na nakahawak sa mga kamay ko.

"Kumusta ka na, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Ngumiti lang ako bilang tugon. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya dahil nasasagwaan ako. Hindi naman kami mag-asawa o boyfriend man lang kaya hindi magandang tingnan.

"Uuwi na tayo mamaya, nagpaalam na ako kay kuya dahil marami pa tayong kailangang gawin sa Manila isa pa baka hindi ko kayanin ang kaba kapag nangyari pa 'to sa'yo ulit. Sa makalawa pa naman raw ang libing ni Mama kaya babalik na lang ako." Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inakbayan siya.

"Ayos ka na ba? Kaya mo na bang bumangon? Huwag mong pilitin ang sarili mo ako ang kinakabahan sa'yo, eh." Habang nakaakbay ako sa kanya, nakaalalay siya sa likod ko bilang gabay.

Kita ko sa mga mukha niya na takot na siyang mawalan ng taong mahalaga sa buhay niya. Naaawa ako sa taong ito at mukhang kailangan niya talaga ng masasandalan.

"Hindi kita iiwan promise ko 'yan sa'yo. You're officially part of my extended family. Kahit na ilang araw pa lang tayo magkakilala, kaya na kitang ituring na bestfriend. Don't hesitate to call me kapag kailangan mo ako o kami nila Ericka." Hinawi niya nanaman ang buhok niya para maayos at inilabas ang kanyang panyo na may bahid pa ng mga dugo at ipinahid sa kanyang pawis.

"This is my first time na makarinig ng ganyan mula sa ibang tao. Simula noon lahat iniiwan ako. Walang kayang tumagal bilang kaibigan ko, 'yong mga taong umampon sa'kin, pagtungtong ko ng kinse anyos pinaalis na rin ako." Namangha ako sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito mula sa kanya. Hindi ko alam pero, I want to hear more about him.

"Saan ka napunta pagkatapos kang paalisin?" Mausisa kong tanong.

"Napunta ako sa isang mayamang negosyante dahil tinulungan ko siyang madala sa Ospital noong nakita ko siyang inaatake sa puso sa parking lot at wala siyang kasama. Akala ko nga umpisa na ng ginhawa ko 'yun pero doon nagsimula ang kalbaryo ko at..." Naghihintay ako ng kasunod pero parang nahihirapan na siyang magkuwento.

"Kapag hindi ka pa ready huwag mo munang ikuwento." I tapped his shoulder  to comfort him.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to pero pinagsamantalahan niya ako. Pinaghuhubad niya ako sa harapan niya at hinawakan niya ang buong katawan ko. Takot na takot ako nu'ng mga oras na 'yon pero wala akong magawa dahil may baril na nakalagay sa bulsa niya. Buti na lang hindi natuloy ang pang-aabuso niya dahil may tumawag sa kanya na naging dahilan para makatakas ako." Puro luha ang mata niya at nakakuyom ang mga kamao niya habang nagkukuwento. Niyakap ko siya dahil ito ang kailangan niya ngayon.

"Huwag mo nang ituloy sa ibang araw na lang. You did a great job today. Basta lagi mong tatandaan na nandirito lang ako kahit na magkapamilya ka na. Basta huwag mo akong kalimutan kapag daddy ka na ng mga makukulit na chikiting." Natawa siya sa sinabi ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Salamat, pero paano kapag dumating ang araw na ikaw ang gusto ko na maging nanay ng mga makukulit na batang 'yon?"

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now