Chapter 18

10 1 0
                                    

Aira's POV

"Ma'am, ma'am, 560 po lahat. Ma'am, kukunin niyo po ba?" Bumalik ako sa reyalidad nang lumakas ang boses ng cashier sa harap ko.

"Ate, paano kapag dumating ang panahon na ako ang magiging nanay ng anak niya?"

"Ma'am, may problema po kayo?" Tinitigan ako maigi ng cashier. Bigla akong natauhan at ibinigay ang bayad sa cashier. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng sabihin niya, ang posibilidad na maging nanay ako ng mga anak niya ang nabanggit niya?

"Aira, ano nakabili ka na? Halika na baka hinihintay ka na ng mama mo." Napatingin ako sa boses ng lalaking kanina ko pa iniisip.

"Ma'am, siya po ba 'yong tinutukoy niyong magiging tatay ng..." Hindi ko napigilan natakpan ko ang bunganga ng cashier at inilabas ang pinakamalawak kong ngiti. Sumingkit naman ang mata niya na lalo kong kinakaba.

"Hindi mo pala nakalimutan 'yong sinabi kong pwedeng ako ang magiging tatay ng  mga anak mo. Hindi ka naman mapapagod kasi hanggang tatlo lang ang limit ko." Kampante at mayabang niyang saad. Naubo ako na parang bumara lahat ng laway ko sa lalamunan ko.

"Aira, are you okay?"
"Ma'am buntis ka pala, eh"

"Hooooy! Kayong dalawa, huwag niyo akong pagtulungan! Tiyaka ikaw na lalaki ka, hindi ka ba nadidiri sa mga sinasabi mo? Come on I have my standards." Natahimik silang dalawa at bumalik siya sa pagiging seryoso.

"Halika na, umuwi na tayo kanina pa ako kinukulit ng mama mo." Kinuha niya ang mga dala ko kahit hindi ko binibigay dahil siya na raw ang magdadala.

"Teka paano mo nalaman number ng mama ko? Umamin ka nga matagal mo na ba akong sinusundan?" Ngumiti lang siya at kinurot ang pisngi ko na para bang hindi pa ako naiinis sa mga sinabi niyan

"Kinuha ko number ng mama mo bago tayo umalis. Ayoko namang may nag-aalala sa'yo kapag malayo ka. By the way, thank you sa lahat ng tulong mo." Hinampas ko siya nang mahina sa braso dahil wala lang naman sa akin ang mga ginawa ko. Nawala bigla ang inis ko.

"Saan ka ba galing bakit ba bigla kang nawala?" concern kong tanong. Nahihirapan akong tumingin sa mata niya kasi parang nakangiti rin kasabay ng mga labi niya pero pinilit ko pa rin ang sarili ko kahit na nakaiilang.

"May binili lang din akong importanteng bagay. Tara na at baka mabulyawan pa ako ng mama mo dahil late na tayo."

"Mga mag-asawa nga talaga away bati." Natawa lang kaming pareho sa sinabi ng cashier at tinungo agad namin ang kotse niya sa parking lot ng mall. Agad kaming sumakay at walang sinayang na oras para bumiyahe. Pinagbuksan niya ako ng pinto katabi niya sa harapan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe narinig kong kumalam ang sikmura niya. Napatingin siya akin at ngumiti na parang nagpapaawa na nagugutom na siya.

"Nakalimutan pala nating bumili ng pagkain mukhang wala pa namang malapit na stop over dito." Dinukot ko ang isang banana cake at delights sa pinamili ko at binuksan ko para makakain siya.

"Say ahhhh. Ito oh alam mo namang ayokong nagugutom ang mister ko." Nagulat siya sa ginawa ko at nakangiting kinagat niya rin ang tinapay na pinapakain ko sa kanya.

"Sarap naman pakinggan no'n. Masyadong maalaga ang misis ko." Humagalpak ako ng tawa at nahinto ako nang napawi ang kanyang mga ngiti na napalitan ng nakasimangot na mukha.

"Huwag mo akong tawaging mister kung tatawanan mo lang ako kapag tinatawag kitang..." Pinasakan ko ulit ng banana cake ang bunganga niya para matahimik baka mamaya mabangga pa kami sa kalandian niya.

Huminto siya saglit sa gilid para inumin Ang delights na binigay ko. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi niya ako kinakausap kaya hindi ko rin siya kinakausap. Bumaba ako ng kotse nang hindi siya hinarap. Nagulat ako nang bumaba rin siya at tumayo sa harapan ko.

Broken DevotionWhere stories live. Discover now