Chapter 20

21 1 0
                                    

Aira's POV

Nagising ako na wala na si Matthew sa tabi ko. Hinanap ko siya kung nasaan siya baka nahiya at natulog sa lapag. Agad akong umikot sa aking kama at tiningnan kung nasa lapag ba siya. Walang kahit na ano akong nakita. Nag-ayos agad ako ng sarili at agad na bumaba baka kung anong mga salita na ang narinig niya kay mama.

Nakarinig ako ng tawanan habang bumababa ako ng hagdan. Sigurado akong boses ni mama ang naririnig ko. Gumaan ang pakiramdam ko sumigla ako dahil ngayon ko na lang siya narinig na tumawa nang ganyan kalakas ulit. Hindi naman kasi kami laging nakapag-uusap kaya hindi kami nabibigyan ng panahon para makapagharutan o kung anong bonding man 'yan. Kapag galing ako sa school, matutulog agad ako dahil sa pagod.

"Oh ganito naman po ang sunod na gagawin," rinig kong boses ni Matthew. Natutuwa ako kasi magkasundo na sila at hindi na naiilang ang nanay ko. Lumakad pa ako nang kaunti at dumungaw upang matanaw ang sala. Nakita kong hawak ni Matthew ang kamay ng nanay ko at maingat na itinuturo ang susunod na gagawin. Kita ko ang butil ng pawis niya habang mapasensya niyang ginabayan ang nanay ko hanggang sa makuha nito ang tamang hakbang. Sumabay ang mga katawan nila sa ritmo ng lumang musika na nagpatalon sa puso ko. Tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Natutuwa siguro ako dahil kahit papaano nakakita ng magulang si Matthew sa pamamagitan ni Mama at naisayaw ulit ang nanay ko ng isang lalaki.

Napako ang mga paa ko sa panonood sa kanila at hindi mapigilang ngumiti. Sumusunod ang mata ko kapag sabay nilang hinahakabang ang kanilang mga paa at pumapalakpak na walng tunog kapag nakikita ang ngiti ng nanay ko. Natigilan lang ako nang nagtama ang mga mata namin ni Matthew. Humingi siya ng permiso kay mama na pupuntahan lang ako saglit at agad namang tumango bilang tugon.

"Hi, gising ka na pala. Kanina ka pa ba riyan? Kumusta ang tulog mo?" Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha habang lumalapit siya papunta sa direksyon ko. Iniwas ko ang tingin ko dahil nakaramdam ako ng ilang at hiya. Hindi ko alam ang ganitong pakiramdam dahil lahat ng ito ay bago sa akin.

"Thank you. I am very thankful for making my mom happy. Promise babawi ako sa'yo... hindi ko nga lang alam kung kailan." Kinurot niya lang ako sa pisngi habang inilalabas ang maganda niyang ngiti at unti-unting inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang bagong sipilyo niyang hininga na papalapit hanggang sa magtama ang mga ilong namin. Nakaramdam ako ng hiya pero hindi ko magawang umiwas. Hindi naman nagtagal at naalis din kami sa ganoong posisyon. Hinawakan niya ang kamay ko at dumiretcho papuntang sala katapat ng pintuan.

"Hi every--!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Biglang pumasok si Ericka kasama si Ronaldo sa pintuan. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta sila ngayong araw. Napatingin kaming lahat sa kanila at sila rin ay natahimik at diretchong tumingin sa'kin salitan sa kamay kong hawak ni Matthew at sa mukha kong namumula sa mga oras na ito dahil sa hiya. Agad kong inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Matthew at ngumiti nang pilit.

"Good morning tita at Matthew. Naistorbo ba namin kayo? Pwede naman kaming umalis kung oo." Sarkastikong tugon ni Ronaldo habang si Ericka nakatulala pa rin at mukhang iniihaw na ako sa utak niya.

"Ang aarte niyo! Pumasok na kayo at doon kumain kayo kung anong gusto niyo, masaya ang araw na 'to kaya mag-enjoy kayo." Napunta ang tingin ko sa nanay ko at kita sa mga mata niya ang saya na matagal ko nang hindi nakikita. Natigil lang ako nang agad na dumiretcho si Ericka sa direksyon ko at inangkla ang braso niya sa braso ko at dinala ako sa kusina.

Nakatingin lang sa'min si Matthew at sumenyas sa'kin ng kung ano na hindi ko naman maintindihan.

"Huwag kang susunod, okay? Diyan ka lang dahil usapang babae 'to." Matalim na tumingin si Ericka sa nakangiting si Matthew habang ako hindi alam kung paano magpapaliwanag. Hinila niya ang upuang uupuan ko na para akong nasa interogation chamber. Walang bakas na mapagbirong Ericka at Ronaldo ang nasa harap ko ngayon.

"Kung ano man ang iniisip niyo hindi 'yon importante dahil wala lang ang lahat ng 'to." Bahagya kong pinagpagpag ang kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil parang may gripo dahil namamasa.

"Babe, Aira, balik muna ako sa kwarto mo kunin ko lang ang jacket ko!" Nagwala nag mga brain cells ko at parang lumipat ang puso ko sa noo at napunta ang kalamnan ko sa likod. Napatayo kaming tatlo at kitang gulat na gulat ang dalawa.

"Sige babe, may pinag-uusapan lang kaming importante magpahinga ka muna riyan. Huwag kalimutan magpalit ng damit basa ka ng pawis." Nakapikit kong sigaw dahil hindi ko sila kayang tingnan habang sinasabi ang mga kalokohang naiisip ko. Pagdilat ko, isang Ericka na may malawak na ngiti at may matilim na tingin ang bumungad sa'kin.

"Shuta ka, Aira, ang bilis naman ng mga pangyayari. Teka malaki ba, wild ba, ano tell us. Iyan ayaw mag-share parang hindi kami kaibigan." Napalagay na lang ako ng palad sa noo ko. Iniisip ko tuloy kung paano ko 'to ipaliliwanag sa kanila.

"Mga, sis, wala akong gustong ilihim sa inyo, okay. Matthew and I are not in a relationship. Ang alam kasi ni mama boyfriend ko siya at tingnan niyo ang mama ko, masaya siya na finally may lalaking magtatanggol sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa 'to, I just want my mom to be happy." Naramdamn kong may maiinit na likido ang pumatak mula sa mga mata ko. Lumapit sila sa'kin at niyakap ako.

"Pero teka, magkasama kayong natulog sa iisang kama? Aira, mag-iingat ka. Tandaan mo ang init ng katawan hindi napipigilan lalo na kapag kanin na ulam pa ang nakahain sa higaan." Bigla akong napayuko at inisip ang posisyon namin kagabi. Nag-init ang pisngi ko at halos hindi makatingin sa kanila.

"Alam naman ni Aira 'yan. Malamang sa lapag natulog 'yon dahil hindi naman papayag 'tong friendship natin na tabihan siya ng lalaki, no. Allergic kaya 'yan sa hotdog at talong." Mas lalong nag-init ang pisngi ko at parang biglang nasala ang dila ko dahil sa sobrang kahihiyan. Bigla kong binago ang pagkakakilala nila sa'kin dahil sa lalaking katabi ko kagabi.

"Hoy, Aira, umamin ka nga sa'min. Ano bang ginawa niyo sa kwarto? Promise we won't judge you." Inangat ko ang ulo ko at humarap kay Ericka. Nginitian niya ako at minumwestra ang kamay na magsalita na ako.

"kinomfort ko lang naman siya dahil namatayan siya ng nanay. Masakit kaya mawalan ng mahal sa buhay," mahina kong sagot na parang umiiwas sa follow-up question. Para akong bata na pinagagalitan ng nanay dahil nanguha ng baon ng iba.

"Paanong comfort? Nag-live show ka para ma-divert ang atensyon niya at hindi isipin ang problema niya? O nag-comfort ka tapos sinabi mo ako na lang?" Ronaldo joined in. Napakamot na lang ako sa ulo at napahilamos ng mukha dahil wala akong butas na daraanan sa dalawang 'tom

" Okay, niyakap ko siya nang medyo matagal lang naman mula sa likod tapos, nakahiga ako sa balikat niya. Tapos..." nahihiya na talaga akong magkuwento hindi ko na kaya para akong kukunin ng lupa dahil sa sobrang hiya.

"Magkatabi kami kagabi nakahiga siya sa braso ko habang nakapatong..." Sabay-sabay ang mga mata naming tumingin sa lalaking nagsalita mula sa likod. Napasigaw si Ericka na akala mo ay may dumaang daga.

"Ano ang nakapatong? Bakit may pagpatanong agad, hindi pa pwedeng haplos-haplos bago patong?" Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala sa nangyayari. Para akong hinabol ng aso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung saan-saan na umabot ang usapang ito.

"Masyado kang advance, doc. Nakapatong lang ang kamay niya sa dibdib ko. Walang nangyari sa'min and I respect her as my girlfriend." Tiningnan ko si Ericka at Ronaldo na magpanggap na wala silang alam. Ayokong mailang si Matthew kapag kasama namin ang dalawa. Gusto ko maniwala ang nanay ko na masaya ako dahil doon ko nakikitang sumasaya siya. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin aang sarili ko bakit mag-isa pa rin ako hanggang ngayon.

"You're so sweet. Nice try I mean yah you're so sweet," sarkastikong tugon ni Ronaldo habang pinapapak ang pandesal sa lamesa.

"Actually, I have a gift for you. I bought this yesterday, secretly just for you." Nilabas niya ang kwintas at sinuot sa'kin. Naiilang ako dahil hindi ko nararamdaman ang totoong saya. Naaawa ako sa sarili ko kasi tinatanggap ko na lang na hanggang dito lang ako.

Napatingin ako sa nanay ko na naiiyak sa tuwa dahil sa nangyayari ngayon. She seem so fulfilled dahil pakiramdam niya masaya ako.

"I love you" tumulo ang luha ko at walang isang salita ang gustong lumabas mula sa bibig ko.

Yumakap ako bilang tugon at binulungan siya "Nice acting malapit na akong maniwala."  kahit gustong-gusto ko nang sumabog dahil sa awa sarili ko.

"Mahal naman talaga kita, remember?"

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon