Chapter 10

22 3 0
                                    

Aira's POV

I'm very excited today 'coz may bago nanaman akong pakulo para kay Matthew at kay Antonette. Welcome 100,000 makabibili na 'ko ng Iphone 7. Hindi na nga ko nagsuklay para makapunta agad ng school.

Pagbaba ko ng Jeep, masaya akong pumasok sa campus. Pero bakit parang lahat nakatingin sa'kin? Am I new here? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Oh common magpretend na lang tayo na hindi sila napapansin. Hindi ko sila pinansin at diretchong naglakad.

"Aira, Sa wakas nakita na kita. Panoorin mo to masyado ka kasing iskandalosa!" Sinalubong ako ni Eeicka na jalos iduldol niya na sa'kin ang phone niya para mabasa ko agad. Binasa ko agad ang caption, 'BAYAG GIRL' oh my gosh saan galing tong video na'to? Nanginig ang kalamnan ko sa nakita ko.

"Saan mo nakita 'yan? I report mo agad baka kumalat pa lalo!" halos mag hysterical ako sa nakikita ko. Nag ieskandalo ako sa Kana Restaurant. Hindi ako mapakali para akong bulate na binudburan ng asin.

"Tanga! Kahit ireport ko pa 'yan kalat na kalat na! Baka nga pati dean alam na 'yan." Mas lalo akong nag alala baka anong isipin sa'kin ng dean. Hindi ko alam ang gagawin kapag ni-report 'to sa nanay ko. Baka hindi lang hampas ang abutin ko.

"No hindi 'yan mangyayari pupuntahan ko si dean para malinis ang pangalan ko." Tumakbo ako sa admin office. Wala akong pakialam kung naka palda ako. Pag-akyat ko, nakita kong lumabas si Dean Santiago, kaya lumapit agad ako.

"Ma'am, excuse me po. Promise ma'am hindi po ako ganung babae, nasabi ko lang po 'yon kasi gusto ko siyang matuto, gusto ko siyang tulungan to boost his capacity to think sa mga bagay na gagawin niya at 'di, ba sabi nga ng nanay ko kapag mahal mo ang tao lahat..." Pinigilan niya kong mag salita at sumimangot. Inayos niya ng bahagya ang salamin niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Ano bang mga pinagsasasabi mo Ms. Agoncillo? Wala akong pakialam sa sinasabi ng nanay mo tungkol sa mahal-mahal na 'yan. Isa pa may problema ka ba?" Napatakip ako ng bibig at napa isip sa mga sinabi ko. Hindi ko naisip kung napanood niya na ba o hindi pa ang video na tinutukoy ko

"So, hindi mo napanood sa facebook, ma'am? Wala po kayong alam?" Masaya kong tanong habang hinihintay kung ano ang magiging tugon niya.

"I do not have any social media account. Please, Ms. Agoncillo, if you don't have any concern pls excuse me I have many things to do more than your non-sense issues." Napangiwi ako sa sinabi niya. Grabe magmaldita akalain ko bang wala siyang social media account. Ang OA ko rin kasi mag tanong masyadong high ang pasok ng pakikipag-usap ko. Anyways, wala na kong pakialam kung makita ng iba ang mahalaga okay na kami ni dean.

Biglang nag ring ang cellphone ko, agad kong tinignan kung sino ang letcheng tumatawag sa'kin. As usual ang lalaking walang bayag. Hindi ko alam bakit napaka torpe ng taong to? Gwapo naman, maputi, ang ganda pa ang ngiti at halos perfect na ang features niya. Halos lahat ng hanap ng babae nasa kanya na tapos torpe?

"Hello, bakit napatawag ka? Anong problema mo? Ah oo nga pala may mission pala tayo. Ay by the way highway..." Natigil ako sa pagsasalita ng sumigaw siya sa kabilang linya.

"Kindly pls shut up! Wala pa kong nasasabi isang libo na
ang sa'yo!" Napakamot na lang ako ng ulo sa mga sermon niya. Daig niya pa nanay ko kung makabulyaw.

"Sorry na, sir. Bakit ka nga po pala napatawag?" pag uulit ko ng tanong pagkatapos niyang manermon.

"Pakisabi kay Antonette na may trangkaso ako at hindi ko siya masusundo mamaya." malumanay niyang tugon. Napansin ko rin na may iba sa boses niya. 'Yun pala may trangkaso ang sir niyo. Bigla naman akong naawa sa kalagayan niya.

"Nagpa-check-up ka na ba? H'wag mong baliwalain 'yan, ah. Sige na sasabihin ko. Bye." binaba ko ang tawag at hindi na hinintay kung may sasabihin pa siya. Siguro mas lalong sisingkit ang mata no'n dahil may sakit. Pumasok muna ko sa klase ko kahit na stress ako ngayon. Bakit walang tao? Tinignan ko yung note na nakalagay sa blackboard, absent si Mr. Dela Cruz.

Wala naman akong prof kaya hinanap ko si Antonette para sabihin na may sakit si Matthew. Napapaisip tuloy ako bakit niya gustong magpari noon, tapos may gusto pala siyang babae na gusto niya ng makasama habang buhay. Ang gulo niya parang tanga.

Kung sinisuwerte ka nga naman nasa harap ko lang si Antonette. I walk toward her to tell that Matthew is not feeling well para sunduin siya ngayon.

"Antonette, hindi ka raw masusundo ni Matthew coz he's not feeling well, may trangkaso mukhang nilalagnat pa nga ata," maljngkot kong saad. Ngumiti lang siya sa'kin pagkatapos kk siyng sabihan.

"Paki sabi na lang sa kanya, Doc. Aira na okay lang ako. Intindihin niya na lang muna ang sarili niya. kaya niya naman 'yun eh." She smiled at me while saying those. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Matthew. Hindi man lang ba niya pupuntahan 'yong tao to check if he is really okay? Ganoon na lang? Buti pa sila  Ericka at Ronaldo kapag may nararamdaman ang isa sa'min to the rescue agad. Well, pareho kasing mga babae may itlog nga lang ang isa.

"Sige I will tell him. By the way don't call me Doc hindi pa ko Doctor."

"Doon na rin 'yun. You will be graduated this coming March at magiging doctor ka na. Sige Doc Aira I have to go." I wave at her as she go away towards me. Tinawagan ko agad si Matthew para malaman niya ang sagot ni Antonette. Binaba niya agad ang telepono pagakasabi ko sa kanya ng response ni Antonette.

Nakokonsensya ako dahil hindi ko man lang siya matulungan sa nararmdaman niyang sakit ngayon, samantalang magiging doctor ako. Ayoko rin namang lumagpas sa boundary ko, eh tulay nga lang ako. Hindi ko natiis tinawagan ko si Antonette para hingin ang address ni Matthew.

Nag grab na lang ako para mas madaling makapunta. Pagbaba ko ng kotse, namangha ako sa laki ng bahay nila. Ilan kaya ang katulong nila? Nagdoorbell agad ako at sinalubong ako ng isang katulong.

"Nandiyan po ba si Matthew?" Sumimangot ang katulong at parang hindi naiintindihan ang sinasabi ko.

"Ay pasinsiya na ma'am wala po detong Matyo ang pangalan baka po sa kabila." Napangiti na lang ako at humingi ng pasensiya. Tinignan ko ulit 'yong adress niya at ang tanga ko dahil sa kabilang lot nga siya. Bobo talaga.

Pero infairness ang ganda rin ng bahay niya ang modern and ang masculine with its color, black and white. Walang doorbell kaya sa mismong pinto ako kumatok.

"Tao po, tao po," Wala atang tao. Nagulat ako ng may biglang nagsalita galing sa maliit na box sa tabi ng pinto.

"Get in. Use the key under the doormat." pagpasok ko, ang bango sa loob ang linis and I feel like that I am elite. Joke lang siyempre. Nasaan na siya?

Umakyat ako sa taas to check kung nandoon siya. Buti na lang may pangalan ang mga pinto kaya hindi na ko nahirapang buksan lahat para hanapin siya. Kung magnanakaw ako baka marami ng nawala sa bahay niya. Hindi man lang nagtanong kung sini ako basta pasok lang.

Hindi na ko nagpaalam at binuksan ko ang pinto. Bumungad sa'kin ang maputlang si Matthew at balot na balot ng kumot. He is not the Matthew I used to know. Hinang-hina ang hitsura niya parang konti na lang kukumbulsyinin na siya dahil ang init niya.

"Why are you here?" Mahina niyang tanong.

"Ikaw why are you look like that? I'm not the usual Aira for now. Kahit na napaka suplado mo sa'kin, obligasyon ko na manggamot ng may sakit." Nilabas ko ang mga gamit ko to check him. Normal naman ang BP niya pero ang taas ng temperature niya. Bakit namumutla siya? Maya maya, may kinuha siyang lalagyanan sa ilalim ng kama niya at sumuka.

"Matthew, ilang beses ka na sumuka ngayong araw?" Kinabahan kong tanong.

"Anim na." Oh my God. Kailangan siya injectionan ng gamot para maampat ang pagsusuka niya. Para kung sakaling bumalik may first aid na binigay. I am not licensed to do that pero wala na akong alam na way para tulungan siya.

"Okay I have here the injection to prevent you from vomitting buti nadala ko." Nilabas ko yung gamot at nilagay sa syringe.

"Wait! May iba pa bang paraan? Wag ayoko niyan wag mo ilalapit sa'kin yan! Aiiiirrraaa!"

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now