Chapter 2

47 5 1
                                    

Aira's POV

"naipa-photo copy niyo na ba ang lahat ng forms na pi-fill-up-an ng mga seminarista? Lahat 'yan ay ibibigay sa pinaka head na pari." nababadtrip talaga ako ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa seminaryo pa pupunta.

"Hoy, Aira, ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa wala sa mood." hindi ako sumagot dahil lalo lang akong maiinis.

"Paano wala siyang mahahanap na puwedeng Boyfriend sa seminaryo kaya ganyan niyan." sabat ng baklang Brando na 'to. Kahapon pa to sa'kin eh.

"Hoy ikaw na baklang kabayo ka kahapon ka pa sa'kin! insecure ka nanaman sa beauty ko palibhasa wala ka nito! Isa pang pang aasar ako puputol niyang talong mo! Sige ano!" inirapan lang ako at umalis sa harapan ko. Akala niya siguro lagi akong kabiruan.

"Taray ni Mama may pagkamaldita! Ikaw na, ikaw na ang reyna! Queen Aira my gosh friend ang ganda pakinggan."

"Isa ka pa Ericka bubutasin ko yang matres mo!"

"Oo na sabi ko nga quiet na is me di na kita kakausapin. Pero alam mo ang ganda ng QUEEN AIRA. Capslock para intense." talaga nga naman na babae to kung ano-ano na lang ang naiisip.

"Class, ready na ba kayo? Nasa labas na ang bus at ihahatid na kayo sa Taguig, doon kayo magka-conduct ng check up for seminarista.

Bakit sa taguig? Paano ko makikita si Marcus? Shete naman napaka malas naman ng buhay ko.

"Aira, ito na yung form mo. 60 forms yan, bali tatlo kasing seminaryo ang pupuntahan natin." Ano bang klaseng practical to para naman kaming papatayin.

"Teka lang, ilang araw ba tayong magkaconduct ng check up? Bakit parang ang dami namang form kada isa satin?" nakakapagtaka na ang dami naming load para sa isang seminaryo. Ganito na ba karami ang magpapari ngayon?

"Lima lang kayong pupunta ng Taguig ang iba naman sa bulacan at Caloocan lang. So, are we now set? Let's go." hindi mag sync-in sa'kin bakit kailangan kami pa ang nasa Taguig?

"Okay lang 'yan, Aira, tara na malay mo naman sa Taguig ang seminaryo ng future boyfriend mo."

"Ericka, imposibleng mangyari 'yon! Sabi niya sa Bulacan ang seminaryo nila." nababadtrip na talaga ako. Kung kailan may lovelife na napigil pa.

"Alam mo masyado kang imaginative, hindi ka pa nga sure kung talagang magkaka lovelife ka. Friend I just want to remind you na MAGPAPARI 'YON capslock para intense. Asado ka nanaman eh."

"Minsan na lang mag ilusyon kinontra pa. Baka nga siguro hindi lang kami para sa isat isa kaya hayaan mo na." lumabas na kami para pumunta sa service na bus papuntang Taguig. Ang saya 'di, ba?

"Aira, yung bag ng mga gamot? Naku yari tayo naiwan mo. Hindi na natin mababalikan 'yon."

"Hala oo nga pala iniwan ko sa may locker ko. Kasi sabi ko naman sa'yo alalahanin mo 'yong mga kailangan, eh. Ikaw talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to."

"Hoy, Aira, h'wag mo ko idamay sa mga kakengkengan mo. Ako pa ngayon may kasalanan. 'Yan hilig UMASA. Capslock para intense."

"Baka gusto mong macapslock para intense 'yang mukha mo! Naiwan ko na nga ang gamot nang-aasar ka pa! Aray! Manong ano ba!" nakakaloka wala man lang pasintabi na hihinto siya. Sana sinabi man lang niya na hihinto na tayo at tatalsik kayo. Para naman kahit papaano prepared kami.

"Friend ang sakit mas masakit pa sa pag iwan niya sa'kin." akala mo naman kung ano ang nasaktan sa kanya napaka arte.

"Baka gusto mong masaktan kita ngayong namomoreblema ako sa mga naiwan kong gamot. Kukulangin tayo sa supplies nito." bigla nanamang umandar si manong kaya nauntog naman ako patalikod.

"Manong next time mag remind ka naman kung masasaktan kami sa pag arangkada mo at pag hinto mo." I said sarcastically. Sino ba namang matutuwa na halos maisuka ko na ang mga laman loob ko dahil pa bigla-bigla siya ng andar.

"Pasensya na, Ma'am, nag text ho kasi ang admin na may naiwan daw na mga supplies na malapit sa locker room kaya tigil ako nang tigil hinahanap ko 'yong maghahatid. Naka motor lang ata." Bigla naman akong napatigil sa sinabi ni Manong Driver. Lumabas pa tuloy na ako ang masama.

Maya-maya, tumigil nanaman siya, but this time dahan dahan na. Bigla namang bumukas ang pinto ng bus at may pumasok na naka leather jacket.

"Marcus?" Bigla kong nabanggit ang pangalan niya. Pesteng bibig to bakit ang traydor mo?

"Aira, sa'yo raw itong bag na 'to naiwan daw sa may locker." lumapit siya sa pwesto ko at inabot ang bag. Ang bilis ng tibok ng pu.......so ko dumampi nanaman kasi ang malambot niyang kamay sa kamay ko.

"Salamat po, Brother." nag bless pa ko sa kanya para lang mahawakan ang kamay niya. Ang hirap maging hokage.

"Sige I have to go. Kita na lang tayo sa may seminary. Ako ang mag gaguide sa inyo for three days." Bababa na sana siya kaso hinawakan ko ang leather jacket niya.

"Is there any concern?" tugon niya.

"Wala po pasensya na may dumi lang po sa jacket." My gosh nginitian niya ako. Lord, puwede na kong mamatay, kunin niyo na ako. Tinignan ko lang siya habang umaalis hanggang sa makababa siya.

"Hoy, Aira, anong level ka na?" pailing- iling na tanong ni Ericka.

"Anong level ang sinasabi mo? H'wag mo nga akong idamay sa mga nilalaro mong online games!" naiirita kong tugon habang niyayakap ang bag na binigay sa'kin ni Marcus.

"Gaga ang sinasabi ko anong level ka na sa pagiging HOKAGE! Iba ka lumandi ang lakas. Capslock para intense." Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi ko rin maiwasang ngumiti kapag naaalala ko ang mukha ni Marcus lalo na ang malambot niyang kamay.

"Aira, kilala mo yung naghatid ng bag mo? Ipakilala mo naman ako." Tanong ng isa naming kasama sa bus na nasa likuran namin.

"Ahhh si Marcus? Magpapari 'yon kaya mukhang wala ng pag asa. Tiyaka kung saka-sakali sa akin 'yon!" Nagtawanan na lang kami sa mga bagay na maiisip ko kahit na imposibleng mangyari.

Sa dinami-dami ba naman kasi ng tao siya pa ang tinawag ng debosyon. Nandito naman ako puwede siyang manirahan sa puso ko kahit hindi ako pagsilbihan niya ako pa ang magsisilbi sa kanya.

Marcus my Marcus darating ang araw na makukuha rin kita.

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now