Chapter 13

19 2 0
                                    

Aira's POV

Nagising ako nang tumunog ang alarm ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko to check some messeges Pagtingin ko, 28 missed calls and 32 messages ang natanggap ko mula kay Matthew. Ano kayang nakain nu'n parang biglang nagbago ang panlasa?

Tinignan ko ang mga nauna niyang messege at nakakapanibago.

"Kumain ka na ba?"

"Huwag kang magpapagutom."

"Pagkagising mo kumain ka agad masama ang nagpapalipas ng gutom."

He seems so wierd. Kailan pa siya naging sweet sa'kin? Binasa ko pa ang ilang mga message at lahat ay puro paalala ng mga kailangan kong gawin.

Hindi kaya miyembro 'to ng mafia or gangster o serial killer na matagal nang nagmamatyag sa mga ginagawa ko? Halos lahat ng morning routine ko alam na niya, eh. Kulang na lang pati ang pagpapalit ko ng panty at bra isama niya.

Bumaba agad ako para uminom ng gatas dahil wala pa kong ganang kumain. Pagbaba ko, nakita kong nakaupo sa sofa si Matthew habang nakangiti akong pinagmamasdang bumaba ng hagdan. Agad kong tinakpan ang aking mga monay dahil wala akong suot at na bra at manipis pa ang t-shirt na suot ko. Baka mamaya minamasa niya na ang tinapay ko sa isipan niya kung sakaling nakita niya. Who knows?

"Anong ginagawa mo rito? Ang aga pa nandito ka na. Wala kang pasintabi wala pa namang takip!" Natawa siya nang bahagya habang hinahawi ang malambot niyang buhok na hindi naka wax ngayon. Natural na bagsak ang buhok niya na medyo brownish na talagang bagay sa kanya at mas nakadagdag ng kagwapuhan niya.

"Pwede bang--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang tinalikuran ko siya. Alangang makipag-usap ako na nakabalandra 'tong monay ko. Buti sana kung isa akong pader pwede kaso, isa ako sa mga nabiyayaan ng Maykapal ng isang makapal at malusog na mga monay.

"Aira, abay bastos ka at bakit mo tinalikuran ang bisita mo?" Rinig kong sigaw ni mama sa ibaba habang papasok ako pabalik sa kwarto ko.

"Ma, magsusuot lang ako ng bra! Mas bastos kong ipakita ko sa kanya 'to!" Hindi na siya muling sumigaw dahil mukhang narealize niya na ang kamalian niya. Kahit ganiyan niyang nanay ko, mahal ko 'yan kahit na minsan binubugaw niya na ko. Kulang na lang lagyan ako ng price tag at i-display sa harap ng bahay namin. As if namang may bumili. Sabagay mabango pa naman ang ano ko... ang kili-kili ko.

Pagkasuot ko ng bra, agad akong bumaba para kausapin ang gwapong nilalang na nasa ibaba na mukhang hindi galing sa matinding problema dahil walang bakas ng pagka-stress, maliban sa bahagyang namamaagang mata.

"Ano nang sasabihin mo lalaking walang bayag?" Seryoso kong tugon habang nakahalukipkip ang mga kamay ko papalapit sa kung saan siya naka-upo.

"Thats how you treat your visitor? How rude parang hindi mo ko kilala." Nakasimangot niyang tugon habang inaayos ang kwelyo ng hapit niyang polo na halos bumakat na ang hugis ng kanyang katawan na mala adonis na akala mo suki ng gym at ang nipples niyang ang sarap kurut-kurotin.

"Timang hindi ka bisita, kaibigan na kita kaya masanay ka na sa'kin kulang pa nga 'yan eh." Hinampas ko siya sa braso na ikinangiti niya pero bumalik din sa pagiging seryoso. Kinabahan ako baka kung anong gawin niya.

"Pero bakit ba lagi mong sinasabi na wala akong bayag? Do I have to show it to you para malaman mong meron?" Shoot! Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkabigla sa sinabi niya. Hindi ko in-expect na sasabihin niya 'yun. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko at nagising ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa sinabi niya. Ayokong makita niya na naapektuhan ako at baka lagi niya na kong maasar.

"Patingin nga? Hanggang salita ka lang yata eh wala sa gawa!" Sana hindi ko pagsisihan 'tong mga pinagsasabi ko. Tumayo siya at agad na tinanggal ang belt at tuluyan ng tinanggal sa pagkaka-bitones ang kanyang suot na pantalon. Nang akma niya nang ibababa ang zipper, nag hands up ako para sabihing talo na 'ko.

"Ibababa ko pa ba? Tell me, and I'll do it," mapang-asar niyang tugon habang hawak pa rin ang zipper. Hindi yata ako titigilan sa pang-aasar ng mokong na 'to ah. Lumuhod ako sa harapan niya, at tinapik ang kamay niya.

"Ako ng bahala sa'yo just relax yourself and enjoy the moment." Ngumiti ako ng lihim dahil napaatras siya sa ginawa ko ngunit hinawakan ko ang pwet niya at ibinalik sa dati niyang pwesto. Hinawakan ko ang Zipper at ako ang nagbaba pero inangat ko din agad dahil baka bigalang bumungad si junjun. At buti namang hindi ko nakita si junjun, brief niya lang kaya nakampante ako. Ako na rin ang nagbitones pabalik pati na in ang kanyang sinturon. In all gairness mabango ang ibaba niya hindi amoy pawis.

Pagtayo ko, bumungad sa'kin ang hindi niya maintindihang reaksyon; namutla ang kolokoy akala siguro'y may gagawin akong masama sa kanya. Hindi naman ako papayag na dito sa sala mangyari ang gusto niya at hindi rin ako papayag na ako ang gagawa ng mga bagay na 'yun.

"Pwede ba 'kong makahingi ng isang basong tubig na malamig?" Lumapit ako sa kanya at inangkla ang dalawa kong kamay sa leeg niya para mang-asar pa lalo.

"Puwede naman, my dear. Wait mo 'ko dito at ikukuha lang kita." Kumalas ako mula sa pagkaka-angkla sa leeg niya at agad na tumungo sa ref para kumuha ng malamig na tubig at agad siyang binalikan para iabot sa kanya ang tubig.

"Salamat. Nanuyo kasi ang lalamunan ko dahil sa sobrang init ng panahon ngayon." Diretcho niyang ininom ang tubig at suminghap ng malalim.

"Baka naman dahil nag-init ka sa'kin at hindi sa panahon?" Kinindatan ko siya at napahilamos siya sa mukha niya.

"Ofcourse lalaki kaya ako at hindi ko alam na gagawin mo 'yun! Akala ko nga--" Namula ang tenga niya dahil sa pag-amin niya pero pinigilan ko agad dahil baka kung saan pa mapunta ang usapang ito.

"Oh oh h'wag mo nang ituloy sasapakin kita! Bakit ka nga pala pumunta rito, ano bang kailangan mo?" Tanong ko habang nagtatanggal ako ng kulangot para ma turn off siya sa'kin at lumipas na ang init na pinaramdam ko sa kanya.

"Para ano, para anuhin ka..."

"Umayos ka nga! Anong para anuhin ako?" Natatawa kong tugon habang siya ay hindi mapakali.

"Ang ibig kong sabihin, aanuhin kita ah shoot! what is happening with my tongue?" Nabwisit siya't sinampal ang sarili niya to go back with his senses.

"Game take two! Ayusin mo napaghahalataan ko tuloy eh. Kunwari 'di ako lumuhod sa harapan mo, hindi ko binaba't angat ang zipper mo at hindi ako yumakap sa leeg mo game!"

"Stop that! Hindi naman dahil do'n kaya please stop mentioning those. Gusto lang kitang anuhin hmmm aanuhin sana kita. Fuck I'm going home! Dibale na lang." Tumayo siya ngunit pinigil ko siya at pina-upo ulit sa sofa.

"Okay, relax don't pressure yourself. Inhale, exhale 'yan good na. okay, take 3!"

"I am planning to hmmm go to our province at aanuhin sana kita roon. I mean, I'll invite you to go with me. Kung pwede ka dahil wala akong kakilala roon sa probinsiya at gusto kong makita ang mommy ko sa huling pagkakataon. Baka hindi ko kayanin kaya gusto kitang isama para may kaibigan akong matatakbuhan." Bumagsak ang balikat niya dahil sa nasabi niya ang tunay niyang pakay. Nawala ang magandang aura niya kanina, lumungkot ang mga mata na tila may namumuong luha at bigla siyang natahimik.

Umupo ako sa tabi niya at buong puso ko siyang niyakap. I rubbed his back to comfort him. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na 'to, pero alam kong kailangan niya ng kaibigan for him to lean on.

"Sana natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin. I owe you a lot, Aira at sana tulad mo na lang ang minahal ko."

To be continued...

Broken DevotionWhere stories live. Discover now