-02-

1.9K 70 29
                                    

Dahyun's PoV

"Kaya naman pala hindi pa lumalabas si Daguri, naglalandian pa dito." biglang may pumasok sa kwarto, si Minari-unnie pala. Yakap ko pa din kasi si Sana.

"May sakit ako ngayon unnie wag mo kong inaano." warning naman nitong si Sana.

"Che ewan. Daguri, sasama ka ba? Napagdesisyunan nilang magmall eh." baling sa akin ni Mina-unnie.

"Walang kasama 'tong Squirrel na 'to. Pass muna ko." tanggi ko.

"Hindi daw sasama si Tzuyu. Maglilinis na lang daw siya." sabi naman sa akin ni Unnie. Napatingin na lang ako kay Sana na parang humihingi ng permiso.

"Sige na. Sumama ka na. Okay lang ako." nakangiting sabi niya.

"Sure ka?" tanong ko pa.

"Oo naman. Tsaka I know Chewy is there kung need ko ng help." nakangiting sabi ni Sana.

"Hay nako. Daig pa boyfriend kung makapagpaalam eh noh?" kumento naman ni Minari-unnie. Daming napapansin grabe!

"Wag mong pansinin si Minari-unnie." naiiling na sabi ko kay Sana. "Labas na ko, bihis lang ako." paalam ko sa kanya. Tumango lang siya at humiga.

Sila ang magkaroommate ni Mina-unnie habang si Jungyeon-unnie at si Moguri ang roommates, Jihyo-unnie and Nayeon-unnie naman ang kasama at kami nila Tzuyu at Chae sa iisang kwarto maknae line kase.

Pagdating ko sa kwarto ko busy na naglalaro si Chae sa phone niya. Nakabihis na nga eh.

Habang si Chewy may sinusulat sa journal niya. Hilig niya ata yan.

"Sasama ka sa kanila Dubu-unnie?" tanong ni Tzuyu pero di parin niya inaalis ang atensyon niya sa journal niya.

"Yeah. Ikaw na bahala kay Sana. May lagnat padin eh." sabi ko sa kanya.

"Noted unnie!" nakangiting sabi niya. Kyaaah bakit ang cute ng maknae namin?

"Sus. I-score ka lang eh." kumento ni Chae bigla na sinamaan naman ng tingin ni Tzuyu. Nasabi ko nga sa inyo Tzuyu likes Sana girl crush ganern.

"Tigilan mo ko, Chaeyoung-unnie." binigyan niya ng nakamamatay na tingin si Chae.

"Edi wao. " pang aasar pa ni Chaeyoung. Nag-uumpisa nanaman sila! Bahala sila, nagbihis na lang ako tsaka bumaba na agad.

Naabutan ko si Moguri sa sala na nilalantakan ang fries na hawak niya niya. Katakawan overload kase.

"Oy Moguri!" tawag ko sa kanya tsaka ko tinabihan.

"Oy Tofu. Ano sama ka later?" tanong niya sa akin tsaka ako inakbayan.

"Ano pa nga ba?" patanong kong sagot sa kanya.

"Kamusta si Sexy?" tanong niya ulet.

"Hmm.. May lagnat pa eh." sagot ko sa kanya.

"Sana nga gumaling na ang loko. Kase sa totoo lang walang kwentang kaasaran si Jungyeon-unnie." nakapout niyang sabi.

"Yiykes!? Sabihin mo lagi kang talo pag nagbabarahan kayo. Buti pa si Nayeon-unnie napipikon niya yun eh!" pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan lang naman niya ko ng tingin so what's pake? Nakakatunaw yung tingin ni Moguri. Actually, bukod kay Sana siya ang pinakaina-adore ko sa aming magkakagrupo.

Momo is an ideal girl. Siya nga ang ideal girl ko kung sakali. Kaso straight ako... Straight nga ba... ay ewan!

"Pagkatapos humarot sa taas dito naman sa baba? Haba ng hair dubu ah?" pang-aasar ni Jungyeon-unnie. Hinatak ko naman yung unan sa may sofa tsaka binato sa kanya kaya lang nasalo niya kaya tinawanan lang ako. Ginigigil ako ng baliw na 'to eh.

Hobby niya yan. Ang asarin ako kay Sana okaya kay Momo. Ang bait noh? Actually may sari-sarili silang shiniship. SaiDa nga daw sina Nayeon-unnie,Jihyo-unnie at Mina-unnie at sa DahMo naman unang una si Jungyeon-unnie tsaka sina Chaeyoung at syempre si Tzuyu girl crush nga kase nun si Sana kaya DahMo yun haha.

At alam kong hanggang trip trip lang kami dahil straight kami as a pole so wala lang din. Paninindigan lang namin ang mga OTP namin.

"Che! Layasan mo ko unnie baka tamaan ka sa akin." pagbabanta ko sa kanya. Kaso bago siya makasagot may nagsalita na.

"Guys, let's go na. Tayo'y maglalakwatsa na!" sigaw ni Jihyo-unnie. Yan na nga bang sinasabi ko malakas pa ang boses kesa sa speaker eh. Lumamon ata ng megaphone?

"Kyaaaaah! Unnie why so ingay?" pagdadrama ni Momo. Tss napakaano neto eh. Hangga't pwedeng mantrip, mantitrip!

"Moguri ayusin mo! Red tide si Jihyo-unnie." nakakalokong sabi ni Minari-unnie.

"Eh kaya naman pala si Dubu ang binubully ni Jungyeon-unnie ngayon." naiiling na singit ni Chae.

Bago pa maubos oras namin sa mga hirit na kalokohan nila ayun! Umalis na lang kami. Dala namin yung van ni Manager Oppa alangan naman sakyan namin yung van for the group edi pinagkaguluhan kami?

My personal driver naman kami kaya wala sa amin ang need nagdrive.

Pagdating sa Mall sari-sariling harot na. Si Mina-unnie kasama si Chaeyoung. Sila Jungyeon-unnie,Nayeon-unnie at Jihyo-unnie ang nagpasyang magsama-sama. At ako naman at si Momoring ang partners ngayon.

"San tayo tofu?" tanong niya habang nakaakbay sa akin. Nakamask kami pareho kaya di kami masyadong makikilala.

"Arcade?" suggest ko.

"Sakto dala ko yung Gaming card ko tara!" nakangiting sabi niya saka ako hinatak.

Pagdating namin sa arcade agad naming nila ang basketball shooter. Pataasan kami ng score ni Momo kaya lang eh hindi ako umubra laki kaya ng lamang niya sa akin.

"Paano yan dubu? Haha. Pagod? Di ka nangahalahati sa score ko haha." sabi naman niya sa akin.

"Shooter ka ata eh. Laro pa tayo. Gusto kong makuha yung malaking stuff toy dun!" parang batang sabi ko.

"Yun ba? Come on, let's earn more tickets." nakangiting sabi niya at ninakawan pa ko ng kiss sa pisngi. Momo talaga tsk tsk.

Ang ingay-ingay namin pano ba naman kada laro na lalaruin namin hinaharot ako. Napakakulit eh.

Hindi ko alam kung gaano na karaming tickets na nakuha namin pero palagay ko kakasya na 'to sa gusto kong blue na teddy bear.

"Tara tofu! Claim na natin yung reward. " nakangiting yaya niya sa akin.

Nung binilang yung tickets sobra-sobra pa yung na-earn namin at nakuha pa namin yung teddy na gusto ko.

"Kyaaaaaah! Thank you Moguri!" masayang sabi ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Wala yun dubu. Basta ikaw." bulong niya habang yakap ako.

"Kain na tayo? Gusto ko ng bubble tea." yaya ko sa kanya.

"Ok. Tara na." masayang sabi niya sa akin.

Umpisa palang ng trainee days namin, close na kami ni Momo. Sabi ko sa sarili ko si Momo ang ideal type ko. Pinaninindigan ko yun hanggang ngayon. Kaya siguro patok ang OTP namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi co-shippers! I know this chappy is kinda lame. But I promise na babawi ako. Team Momo, kayo naman ang magbunyi ngayon!

So I need just 3 votes para i-update ang susunod na chapter.

No hate! All for Twice.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon