-05-

1.5K 43 17
                                    

Momo's PoV

After rehersals diretso event na kami. Si Tzuyu yung kasama ko mula kanina kase nakadikit si Dahyun kay Sana. Normal lang naman na magkasama sila pero bakit parang nagseselos ako.

But seriously, madalas gusto kong nasa akin ang atensyon ni Dahyun.

"Hoy? Anong mukha yan?" sita sa akin ni Nayeon-unnie siya kase ang katabi ngayon nandito kami sa fanmeeting namin.

"Wala. Kung anu-ano napapansin mo." giit ko.

Nilingon ko naman sila Sana at Dahyun na ang sweet sa isa't isa. Yung crowd ayun todo sigaw ng SaiDa raw. Tsk. DahMo is better.

"Kaya naman pala eh. Matunaw sila Squirrel at Eagle dyan." nagsalita naman si Nayeon-unnie. Mang-aasar lang 'to eh. Bahala nga siya ship na lang muna namin ang maglalayag. Inakbayan ko siya tsaka hinalikan sa cheeks. NaMo is sailing beybe.

I have a lot of OTP sa group namin dahil sa likas na clingy at playful gesture ko.

After the fan meeting, ginabi na di kami. They are all asleep nasa biyahe pa kami pauwi. Nasa gitna namin ni Sana si Dahyun. Dito ako pinaupo ng mga letche kong kasama.

Nilangon ko sila Dahyun nakaakbay na nakayakap nanaman si Sana sa kanya habang tulog. Pero maya maya pa nagising si Dahyun.

"Momo..." sabi niya ng mapansin niya akong nakatitig sa kanya. Umiwas naman ako bigla ng tingin. "Anong oras na?" tanong niya.

"It's already 8pm." wala sa loob na sagot ko.

"Gabi na pala masyado. Ang init nanaman ni Squirrel." sabi niya tsaka niya hinalikan sa noo si Squirrel. Bakit parang naaasar ako? Nagseselos ba ko? Hindi ayoko lang ng may clingy sa harap ko.

"You cared for her that much noh?" tanong ko sa kanya kahit parang masakit sa part ko.

"Super. Ayokong nagagalit siya, nagtatampo okaya umiiyak ng dahil sa akin." nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Sana. Ang swerte mo Sexy ikaw at ikaw parin ang nasa sistema niya. "Para ikaw lang din yang si Sana. Missing piece ko." parang tumalbog yung puso ko sa tuwa. Grabe Kim Dahyun you're driving me crazy.

"SaiDahMo sailing!" wala sa loob akong nagulat dahil kina Jungyeon-unnie at Chaeyoung.

"Shhh... Sana is sleeping." bulyaw ni Dubu sa kanila.

"Peace yow!" sabi ni Chaeng.

"Sorry! Sorry!" segunda ni Jungyeon.

"Dun kayo sa likod manggulo. Wag niyo kaming idamay." sabi ko naman sa kanila. Kaya mabilis kaming nilayasan dito nila Chaeng.

Nagkwentuhan lang kami about random things ni Tofu. About sa mga nangyare nung mga nakaraang araw.

Pagdating namin sa dorm ginising ko na si Sana. Pinauna na niya kami ni Dahyun sa loob. Nandun pa man din si Tzuyu tulog padin. SaTzu feels.

Inakbayan ko agad si Dahyun at hinalikan sa pisngi.

"Bakit ang ganda mo dubu?" wala sa sariling tanong ko.

"Ihhh... Unnieee." namumulang sabi niya. Nahiya pa nagsasabi lang ako ng totoo.

Umupo kami sa coach tas sinuot ko yung earphone ko. Trip kong magsound trip eh.

"Pashare ako Moguri." sabi niya sa akin kaya naman isinuot ko sa kanya yung isang earphone.

"DahMo nanaman?" biglang segway ni Jungyeon. Napakagaling talagang mang-asar eh. Hindi ko na lang pinansin bahala siya dyan.

Tinignan ko si Dahyun, nakapikit siya. Mahalaga sa akin si Dahyun, yung tipong gagawin ko lahat mapasaya lang siya. Ang sabi nila sa akin ako yung ideal type niya pero talo naman ako nung tinanong siya kung sino ang taong gusto niyang idate kung naging lalaki siya... It was Sana.

SaiDa naman talaga simula palang eh. Hindi pa kami grupo may OTP na sila. Kaso dahil sa kakulitan ni Dahyun nabuo ang OTP naming dalawa ang DahMo. Kung tutuusin SaiDa at DahMo ang pinakasikat na OTP. Ang hindi alam ng fans, totoo ang mga shiniship nila. To the point na one sided love lang. Inlove nga ba ako kay Dahyun? Hindi malayo.

I saw Sana holding Tzuyu's hand. Kararating lang nila. Nag-uusap sila, kulitan nga to be exact na parang may sarili silang mundo. Nilagpasan nga kami dumiretso sa kusina.

"Momo... Bakit feeling ko lumalayo sa akin si Sana?" may bahid ng lungkot na tanong niya.

Pansin ko rin yun eh. Mula ng magkasakit si Sana kahapon. Pero magkasama naman sila kanina ah?

"Magkasama naman kayo kanina eh?" sabi ko sa kanya.

"Pero ngayong nasa dorm bigla ulit siyang dumistansya." katwiran niya.

"Maybe may reason siya." kibit balikat kong sabi at inakbayan siya. Ganun nga ata kahalaga si Sana kay Dahyun kaya konting gusot sobrang apektado si Tofu.

Lumipas ang mga araw madalas na ako na lang ang kasama ni Dahyun. Ngumingiti siya okaya tumawa kasama ko pero alam kong hindi buo. Mula kase nung araw na yun hindi na sila nag-usap ni Sana.

Si Sana umaaktong hindi sila magkakilala. Nandito ako kwarto namin ni Jungyeon, hawak ko yung rubics cube ni Chaeng pero hindi ko binubuo tinignan ko lang na parang ini-examine. Hiniram ko 'to kanina wala akong mapagtripan ayoko namang guluhin di naman ako marunong bumuo nun.

"At talagang tinignan mo na lang yan ah?" biglang dumating dito si Dahyun at tinabihan ako.

"Ayokong guluhin hindi ko naman alam buohin." katwiran ko.

"Pwede namang buohin ulit ni Chaeng kung di mo mabuo eh. Ano ba namang subukan mo." natatawang sabi niya.

At dahil sa sinabi niya sinubukan ko naman. Ginugulo ko yung rubics, pagkatapos sinubukan kong buohin. Mahirap siya promise.

"Eh? Hindi ko talaga kaya." nakapout na sabi ko.

"Ganito kase yan." sabi niya sa akin at hinawakan niya yung rubics pero parang naback hug siya sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at parang tinuturuan niya kong buohin yung rubics. Pero hindi naman ako natuto eh.

Alam niyo kung anong natutunan ko kay Dahyun? Ang magmahal. Oo, aminado na kong inlove ako sa kanya.

"Kakain na daw." biglang bumakas ang pintuan ng kwarto at tumambad sa amin si Sana na nawalan bigla ng ekspresyon sa mukha. "Nakakaistorbo ata ako haha. Baba na ko." bigla niyang sabi tsaka umalis.

Nagkibit balikat lang ako. Tinignan ko si Dahyun pero nakayuko siya. Alam kong hindi magaan ang loob niya sa lagay na 'to.

"Come on Dubu. Kain na tayo." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya ng tipid wala yung eye smile kaya alam kong peke.

Nakikita ko siyang nahihirapan ng ganyan sa totoo lang doble yung sakit para sa akin.

Papatunayan ko na lang sa kanya na kahit wala sa tabi niya si Sana. Andito parin naman ako.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon