-32-

968 27 30
                                    

Dahyun's PoV

Masasabi kong totoong bumalik na ang tunay na diwa ng buhay ko.

As long as Sana is here with me... Wala na kong ibang mahihiling pa.

Isang linggo na mula ng makasama ko ulit siya.

Nandun parin syempre yung mga sugat niya.

May mga event rin kami sabi ko wag na siyang sumama kaso matigas ang ulo eh.

Kapag nagpeperform kami laging nakagloves yan para hindi makita yung nangyare sa mga kamay niya.

Pero kapag nililinis ko yung mga sugat niya alam kong nasasaktan siya hindi kase biro yung mga sugat niya.

Ewan ko ba bakit ginawa niya pa yun sa sarili niya.

Nagawa niyang suntukin yung pader, nagawa niyang suntukin yung salamin at nagawa niya ring maglaslas.

Sa ginawa niyang yung lalong lumalim yung pagmamahal ko sa kanya.

Kaya ang madalas kong nasasabi, kapag may nangyareng masama sa kanya baka ikamatay ko na.

Sa ngayon naglalakad ako papunta dorm galing kase akong market para bumili ng ingridients ng biglang may nagpark na sasakyan sa harapan ko.

Bumaba rito ang isang matipunong matandang lalaki. Nakaramdam ako ng kaba. Akmang lalakad na ko paalis ng magsalita siya.

"Wag kang magkakamaling talikuran ako, Kim Dahyun." maautoridad na sabi niya.

"M-mawalang galang na ho. Hindi ko po kayo kilala." nag aalangang sagot ko.

"Ako si Minatozaki Hideo. Tingin ko naman may ideya kana." malamig na tugon niya.

Tama nga ba ako? Na ang taong kaharap ko ngayon ay ang Lolo ni Sana na muntik ng sumira ng buhay niya.

"Mr. Minatozaki ano pong kailangan niyo?" tanong ko.

"Ang makausap ka, Kim Dahyun." walang alinlangan niyang tugon. Naglakad siya at umupo sa isang bench sa malapit na sinundan ko lang.

"Ano pong gusto niyong pag usapan?" tanong ko.

"Si Sana, ang apo ko. Kim Dahyun, alam mong ayaw ko sayo para sa kanya. I'm giving you a big deal, stay away from Sana and I'll give you whatever you want." he spoke without any hesitation.

Nangangatog na ang mga tuhod ko pero hindi pwedeng ipakita kong nanghihina ako.

"Hindi po mapapalitan ng kahit anong material na bagay si Sana sa buhay ko." naiiling kong sabi sa kanya.

"At sa tingin mo, Kim Dahyun patatahimikin kita? Sa tingin mo hahayaan ko ang apo ko na mapasayo?" madiin niyang tugon.

"Wala naman po akong sinabing hahayaan niyo eh. Pero kahit na hindi niyo hayaan wala po kayong magagawa kase pareho po naming ipaglalaban ni Sana ang isa't isa." seryosong sabi ko at tumayo na.

"Titiyakin kong masisira ang pangalang maipagmamalaki mo. Kim Dahyun, kaya kitang pabagsakin." pahabol niya pa.

"Ano naman pong pakialam ko? Ako na lang ang meron si Sana kaya pasensya na po kung wala ng kwenta sa akin ang kahit na anong panakot niyo." sagot ko at tuluyan ng naglakad palayo sa kanya.

Sumakay ako ng taxi imbes na maglakad pa, dahil parang naubos ang buong lakas ko sa pag uusap namin ng Lolo ni Sana.

Paano niya ba nagagawa yun sa sarili niyang apo? Nagawa niyang presyuhan si Sana? Eh ako kahit na ilang bilyon ang ibigay sa akin hinding hindi ko ipagpapalit si Sana.

Hindi ko alam kung may puso pa ba ang lolo niya.

Pagdating ko sa dorm agad na hinanap ng paningin ko si Sana, agad ko naman siyang nakita sa may kusina naghuhugas siya ng plato.

Agad ko naman siyang niyakap mula sa likuran at hinalikan siya ng ilang beses sa pisngi. Yun lang kase ang tingin kong paraan para mawala yung pangamba ko.

Humarap naman siya sakin at niyakap ako.

"Miss na agad ako ng Dubu ko?" tanong niya sa akin. "Bat parang nanghihina ka?" tanong niya pa.

"Shh... Ganito na lang po muna tayo please." bulong ko at pumikit. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"Anong nangyare?" tanong niya sa akin.

"Nagkita kami ng lolo mo." sagot ko sa kanya.

"Anong ginawa niya? Sinaktan ka ba niya Dahyun, tell me anong ginagawa niya sayo?" nag aalalang sabi niya. I held her cheeks and look at her staightly.

"I'm fine, Sana. I'm totally fine, don't worry. But he gave me a warning." sabi ko sa kanya. "Sisirain niya daw ang lahat ng meron ako." dagdag ko sa kanya.

"Hindi na ba siya nakuntentong kamuntikan na akong mamatay sa kagagawan niya." madiin niyang sabi. "Sorry kung nadadamay ka dito." bulong niya.

"Hey, baby. You're battle is my battle right? You need me to win this." pag a-assure ko sa kanya.

"Just don't leave me okay?" pagmamakaawa niya. Tumango lang ako at tumingkayad ng konti para halikan siya sa noo. "And if the day had comes na kailangan nating lumaban ng magkahiwalay ng dahil sa kanya tandaan mo ikaw at ikaw lang mamahalin ko." nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

Nakita kong nahihirapan rin siya sa sitwasyon namin.

Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan hinatak ko siya sa kwarto nila ni Mina unnie. Wala naman si Mina unnie dun eh baka nasa room namin nila Chaeng.

Humiga lang kami ng magkayakap. I want to stay like this forever. Pakiramdam ko pag nalalayo siya sa akin, mawawala siya at yun ang hindi ko kakayanin.

Nagulat ako ng konti ng magvibrate ang phone ko kaya agad ko naman kinuha.

Binasa ko ang text unknown number naman.

From : +639*********

Lalayuan mo siya o tatapusin ko ang buhay mo? Kim Dahyun, kinausap kita ng maayos kanina pero hindi nakinig at ginalit mo ako.

Nanginig yung kamay ko. Nanghina ako bigla. Ang lolo ni Sana 'to. Sure ako.

"Dubu ko, sino yun?" tanong ni Sana.

"Hmm wala. Baka nawrong send lang." sagot ko sa kanya.

"Bakit parang namutla ka?" tanong nanaman niya sa akin. Hays, my girl is such an observer.

"Wala yun okay?" sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Now my life is also in danger, but then it's okay as long as she's here with me. I have nothing to be scared of.

"Bakit ka pala naghugas ng plato kanina? Nabasa tuloy mga sugat mo." pag iiba ko ng topic.

"Hayaan mo na. Pagaling narin naman. Nahihiya na ko kay Mina dahil imbes na kasama ko siyang maghugas ng plato hindi ko na siya natutulungan." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ang sweet naman. Basta wag munang masyadong magpapagod ah?" bilin ko sa kanya.

"Yes boss. May event pala kami ng J-Trinity bukas pagkatapos kayong maknae line may rehersals diba?" sabi niya sa akin.

Naalarma ako dahil magkahiwalay pala kami bukas.

"Hindi ba pwedeng sumama na lang sayo?" tanong ko.

"Kasasabi lang po may rehersals kayo bukas sa studio." sabi niya. "I'll be safe, don't worry." pag aassured niya sa akin.

Kung ako safe ako dahil sa JYPe Building lang ako. Eh siya? Hindi ako mapapakali dahil nasa public place siya kung saan may mata panigurado ang lolo niya.

At dahil sa wala rin naman akong magagawa, wala akong choice kundi lihim na mag alala.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon