-25-

1K 33 6
                                    

Dahyun's PoV

Naghintay lang ako sa sala, dahil wala narin naman akong luhang ilalabas pa.

Naubos na kanina dahil sa letter niya. Ngayong hindi ako sigurado kung nasaan siya, maliit ang tsansang magkita kami.

Nakasandal lang ako sa may sofa dahil wala naman akong magawa eh. Hanggang bumukas ang pinto ng elders at iniluwa nun si Nayeon-unnie.

"Oh Dubu? Ang aga mo namang gumising." sabi niya at lumapit sa akin. Agad akong yumakap sa kanya. "Waeyo?" tanong niya.

"Unnie umalis na dito sa dorm si Sana. Hindi na siya mag iistay dito." sabi ko sa kanya.

"Umalis siya ng hindi nagsasabi?" tanong niya habang yakap ako.

"Japanese line lang ang may alam. Kanina pa sila umalis hinatid nila Momo at Mina unnie si Sana." sabi ko.

"Mukhang alam mo na pala Dahyun." sumunod namang bumaba dito si Jihyo unnie.

"Nagpaalam siya sayo Jihyo?" tanong ni Nayeon unnie kay Jihyo.

"Oo last night. Nahihirapan na nga yun. Ginagawang makina ng lolo niya." sabi ni Jihyo unnie.

"Unnie? May alam ba kayo sa nangyayare kay Sana?" lakas loob na tanong ko.

"Ako? Wala. Wala as in wala." sabi ni Nayeon unnie. "Ikaw ba Jihyo meron?" tanong pa nito.

"Hindi ako ang dapat na magsabi niyan." sagot ni Jihyo unnie. Akma siyang aalis, pero hinawakan ko yung kamay niya.

"Unnie... Please sabihin mo kung anong alam mo please..." pagmamakaawa ko.

"Dahyun, wala akong sasabihin sayo dahil maging ako, hindi ko naman alam ang buong kwento." sabi ni Jihyo unnie.

"Anong nangyayare dito unnie?" biglang bumaba si Chaeng kasunod si Chewy. Nagkataon ring lumabas na si Jungyeon unnie.

"Jihyo-unnie knows her reason pero ayaw niyang sabihin." sabi ni Nayeon unnie.

"Jihyo unnie? Alam mo?" tanong ni Chaeng.

"Bakit hindi mo sabihin Jihyo para malaman namin kung anong rason ni Sana." sabi ni Jungyeon unnie.

"Hindi ko nga alam." giit ni Jihyo-unnie na naluluha na.

"Hindi mo alam Jihyo? Talaga? Eh bakit parang nagegets mo lahat ng galaw ni Sana, ganun ba ang walang alam?" tanong ni Nayeon-unnie. Sa pagkakataong yun, humagulgol na si Jihyo unnie kaya niyakap siya ni Nayeon unnie. "Sorry, Ji... Don't cry. We just wanted to know her reason." sincere na sabi ni Nayeon unnie.

"Anong nangyayare dito?" dumating naman sila Momo at Mina.

"Sila, silang dalawa ang tanungin niyo. Mukhang sila ang makakasagot sa atin." sabi ni Chaeng sa dalawang kararating lang.

"Mina, Momo anong alam niyo sa sitwasyon ni Sana?" tanong ni Jungyeon unnie.

"Kay Sana niyo alamin. Wag sa amin." sabi ni Mina unnie.

"Kay Sana pa namin aalamin? Hindi nga namin alam kung nasaan siya. Nagagalit si Chaeng sa kanya dahil yang lintik na Sana na yan bigla nalang nang iiwan." sabi ni Nayeon unnie.

"Akala ko naiintindihan niyo siya. Akala ko nararamdaman niyong may mabigat siyang dinadala pero sinisisi niyo siya?" sabi ni Momo. Kita sa mga mata niya yung inis dahil sa mga narinig niya.

"Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon na pinagdadaanan niya." sabi ni Mina unnie.

"Sa loob ng dalawang buwan, naging misirable siya dahil sa trabahong binigay sa kanya ng lolo niya yun ang dahilan kung bakit hindi niya tayo ma-contact." nakita ko ang luha sa mga mata ni Momo habang sinasabi niya iyon.

"Akala niya tapos na pagkatapos ng dalawang buwan ang hirap niya at makakabalik na siya dito, sayo Dahyun pero nagkamali siya dahil sa merging of company na-engage siya. Kaya napilitan siyang iwan ka, pagsabihan ng masakit na salita kahit na labag sa kalooban niya." sabi ni Mina unnie dun nanaman nag umpisang tumulo ang mga luha ko.

"Naging duwag siya na ipaglaban ka dahil sa panggigipit sa kanya ng lolo niya. Kaya imbes na lumaban para sa inyong dalawa, lumaban siyang mag isa para hindi kana madamay pa. Tinakot siya ng lolo niya na sisirain niya at pababagsakin ang career mo kapag hindi ka nilayuan ni Sana." sabi pa ni Momo unnie.

"Naging misirable ang buhay niya, magmula ng lumayo siya sayo. Naalala mo nung magkasakit ka? Sobrang sinisi niya ang sarili niya sa nangyare sayo. At kapag patuloy pa siyang napalapit sayo, ipatatanggal na siya ng Lolo niya sa grupo." sabi ni Mina unnie.

Nakita kong lahat kami umiiyak na.

"Sa loob ng dalawang linggo mula nung bumalik siya dito lalong lumala ang sitwasyon niya dahil sa trabahong ipinadadala sa kanya na dapat nagpapahinga siya pero hindi, dahil kailangan niyang tapusin lahat ng pinagagawa sa kanya. Hindi na siya kumakain ng maayos, hindi narin siya halos makatulog dahil sa sakit at pangungulila sayo Dahyun bukod dun kahit pagod hindi siya pwedeng magpahinga dahil naaalala niya lang na wala na sa kanya ang lahat." mahabang sabi ni Momo.

"Alam niyo pang masakit? Nadamay din ang isa pang taong mahalaga sa buhay mo, Dahyun. Na katulad ni Sana nang iwan siya dahil sa kagustuhan ng pamilya niya. Si Sinb, ang fiancee ni Sana yun ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Sowon-unnie." sabi bigla ni Chewy kaya nanlambot ako. Ngayong alam ko na ang rason niya.

Ako pala, ako pala ang nagkulang sa pang unawa.

Na sa pagiging misirable ng buhay niya ako parin, ako parin pala ang iniisip niya.

Kahit na wala siyang magawa makasama lang ako tiniis niya para lang sa kaligtasan ko.

Sinakripisyo niya ang pagmamahalan namin dahil lang sa ikabubuti ko.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ni Chaeng umiiyak rin siya ngayon.

"Hindi namin pwedeng sabihin dahil yun ang gusto niya. Maghintay tayo kung kailan ulit natin siya makikita." sabi ni Momo.

Umiyak ako kaya agad akong niyakap ni Momo.

"Gusto kong malaman mo na kada tatlong na araw, yung binibigay na chocolate ni Jihyo unnie sa kanya yun galing." bulong ni Momo sa akin.

"Umabot rin sa sitwasyong sinaktan niya ang sa sarili niya dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kagabi sinuntok niyang ang pader sa kwarto namin kaya may gaza ang kamay niya ngayon. Dahilan rin yun ng pagpilit sa kanya ng lolo niya na umalis na dito sa dorm at magpakita na lang sa atin kapag may event tayo." sabi ni Mina unnie.

"Ayoko paring dumating ang siyang kinakatakot ko na baka tuluyan niya siyang ipag-quit ng lolo niya sa grupo. Her grandpa is really powerful, kaya niyang sirain ang lahat kung gugustuhin niya ng walang laban si Sana." sabi ni Jihyo unnie na umiiyak padin hanggang sa ngayon.

"Pabayaan mo na muna siya, Dahyun unnie. Pakawalan mo na lang dahil yun ang pinili niya at kailangang yun rin ang piliin mo para hindi mawala ang sakripisyo niya." sabi ni Chewy.

Tumayo ako at naglakad papasok ng kwarto at umiyak ng umiyak.

Tama kaya yun, ang pabayaan siya at makuntentong alalahanin nalang ang masayang nakaraan.

Ganito pala ang love, ganito pala ang kabilang side nito sobrang rupok ng pundasyon kaya yung isa maiiwang hahawak sa pundasyon habang ang isa kailangang maglakad palayo para maligtas lang sa pagiging komplikado ng lahat.

Sides of Love|SaiDahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon